Chapter 103: Announcement of Cancellation

81 6 9
                                    

I greeted all of them. Kakababa ko lang at alas dos na ng hapon.

"Hi Cap!" It was Dylan, Langston and Haruto.

"Kain ka na ron. Late ka na gumising." Si Kuya Lachlan.

"Nag-live ako kaninang madaling araw. Kasama ko sina Hero, Heros at sina Gemini."

"Oh, nyare teh?" Si Danica.

"Monster raid. Nagkabanggaan lang naman kami sa auditorium kaya nagkaayaan na."

"Punta ka na sa kusina. The food is waiting kanina pa." Brazil urged.

Nag-thumbs up ako at naglakad papasok sa kusina.

Nag-stream ako kagabi, I started at 2 am and ended at 5. Kasama ko ang ibang mga Kapitan.

Nagka-ayaan lang naman kami. I streamed on my account and all of us do a monster raid.

Ang condition nga namin walang may gagamit ng mga skill at regen. It was cool dahil mas maangas tignan na kaya naming tumagal sa laro ng hindi gumagamit ng kung ano ano.

"What are your plans today?" Kuya Link asked me. Kakaupo niya lang sa harapan ko habang sumisimsim sa kape.

"Live at 5. I don't have any agenda sa lovlex so I guess I'm free for today."

Napatango si Kuya.

Pumasok si Kenji at umupo. "Gago, alam niyo ba. Nagsisimula na ang Chaos survival."

"May nakapasok na?" Tanong bi Kuya Link.

Iñigo and Rocco entered the kitchen.

"Kumain na kayong dalawa. Tapos naman na siguro 'yung stream niyo."

"Tapos na, Boss." Tumango sila at dinaluhan kami.

"Wala pa nga akong tsaa about don eh. Pero gago pre, nalaman ko sa mga chismoso sa twitter na mukhang may come back ang Angel's Wrath sa Philippine Survival."

"Angela Wrath?" I asked. "Never heard of them."

"Gago, yung mga kasama ng mga Kuya mo dati sa pro-league sila 'yung coach!" Kenji affirmed.

"Magaling ba sila?" Tanong ko. Napatawa si Rocco na sinabayan ng pag-iling ni Kuya Link.

"Hindi sila makakapasok sa qualifiers ng Chaos Survival kung hindi." Iñigo spoke.

"Should I be threatened?" I asked and drink a coke.

"Damn that confident!" Si Lenox.

"Nakalaban na ng mga former Captain ang mga 'yon since naging qualifiers rin ang mga grupo nila sa Chaos Survival."

"One thing that you should know that this guy killed 5 of them." Pagmamayabang ni Iñigo.

"Tas ako lang pala ang kailangan para mamatay kang kingina ka." Nagyayabang na sabi ni Dylan.

Kakapasok lang nilang lahat sa kusina. Akala ko kung anong gagawin nila, magmi-miryenda pala.

"Pero, paano sila makakalaro?" Tanong ni Langston.

"Magsusuot sila ng nerve gear tas ayon, makakapaglaro na sila." Sagot ni Haruto. Tumawa si Dylan samantalang napasimangot si Langston.

"Gago, ayusin mo kasi."

Haruto laughed. "May hideous night pa."

"A lot of team are lining up. Hindi malabong mapapasama sila. There's a lot of pro-team in the country."

"Pero hindi naman lahat nakakapasok."

"Harang ka kasi kaya di sila makapasok. Mukha kang kapre eh." Pangaasar ni Dylan kay Kenji. Tumawa ang dalawang back-up niya.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now