Chapter 81: Disappointment

77 8 0
                                    

As soon as we departed akmang tatakbo na ako palabas ng hawakan ako nina Kenji sa damit.

Napahinto ako at sumimangot,"Exited na exited ah, kalma anjan lang yan. Matipalok ka tatawanan ka nanaman namin."sabi niya at tumawa sila ni Lucius kaya napasimangot ako. Papasok kasi kami sa eroplano nang natipalok ako, nasungalngal pa mukha ko sa may paa nang FA, mabuti na lang talaga hindi medyo smelly.

Yung trophy namin nasa bag ko, hindi ko talaga pinakawalan kasi ayoko lang. Trending nanaman nga kami sa buong SOCMED eh, mabuti na lang talaga at sumunod ang management na huwag mag leak ng Information namin maliban sa pangalan ng grupo namin at mga Username namin.

Paglabas namin nakita ko si Aexl kasama sina Tita Liya, Yaya at sina Tobi.

"Aexl!"sigaw ko, agad silang napatampal sa noo dahil sa lakas ng pagkakasigaw ko. Napalingon siya sa gawi ko at agad na napangiti nang makita ako.

Pinaypayan niya ako kaya mabilis akong tumakbo habang hila hila ang bag ko.

"Matipalok ka!"suway nilang dose pero hindi ko na pinansin.

Nang makalapit ako binuksan agad ni Aexl ang mga braso niya kaya binitawan ko ang maleta ko at tumalon payakap sakanya. Natawa na lang siya at mahigpit akong niyakap.

"Cap nanalo kami."I told him. Pagangat ko nang ulo agad niya akong hinalikan sa noo.

"I'm happy for you. You told me babawi ka ah?"he pursed his lips kaya natatawa akong napatango.

"Itong si Inday Euphrasia makukurot kita sa singit. Hindi mo ko niyakap!"agad akong humiwalay kay Aexl at natatawang lumapit kay Tita na nagrereklamo na.

Yumakap ako sakanya at humalik,"Tita! Nanalo kami!"sigaw ko mismo.

Binatukan niya ako,"Aray kong bata ka. Ang sakit sa tenga. Pero Congratsulations dhai! Ikaw nanaman ang last standing!"sabay kaming tumili tili ni Tita at lumukso lukso.

"Kamusta naman ang Anak ko?"agad kaming naghiyawan dahil kina Tita, Loki at Eustace. Sabay sabay na pinakita nina Loki at Eustace ang mga singsing nila hanggang sa pinakita na rin nina Kuya Link at Maddison ang mga kamay nilang may singsing.

Napaluha si Tita at dinaluhan ang apat at nakipagyakapan.

"Oy! Tangina, sana halls!"sabi ko kaagad.

"Aexl oh! Nagpaparinig!"pagtuturo sa akin ni Langston.

"Tangina mong bata ka, ako pa tinuro mo!"pinakyuhan niya ako habang tumatawa. Paglingon ko kay Aexl agad ko siyang sinuntok sa braso dahil nakangisi na ang kumag.

"Pakita ko sainyo! Dali!"Sabi ko agad nila akong pinaikutan. Nasa harap namin sina Yaya, Tita, Sina Rie at Aexl. Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang trophy na napanalunan namin.

Agad silang napa-Ohh kaya tuwang tuwa kaming napatawa.

"Magkano?"agad na tanong ni Tita Liya kaya napatawa kami.

"14 million dollars."pagmamayabang naming katorse at napatawa nanaman dahil sa pagkamangha nang mga mukha nila.

"Oh tara! Libre niyo kami! Mga milyonaryo na kayo!"agad na pagaaya ni Tita Liya kaya agad kaming napatango.

Isinakay ko ang maleta ko at backpack ko sa van na dala nina Tita Liya. Palukso lukso naman akong lumapit kay Aexl na natatawa na lang na napailing iling.

Hinawi niya ang buhok ko at nilagyan ako nang helmet habang magkatitigan kami hanggang sa narinig ko na lang ang OST ng Goblin. Sabay naming tinignan ang mga tao sa Van. Napangiwi ako dahil nakadungaw sina Langston, Kenji at Lucius habang may hawak hawak ng mga speaker na kung saan nga nakaplay ron ang OST. Ang mga tao sa loob tumatawa.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now