Chapter 67: Captain

71 8 4
                                    

Nakangisi siyang napatango,"We had a good game. Keep it up guys"napatango ako at hinugot ang espada ko.

Roar executed {Silent Peace} Demon Blood!

!!!CONGRATSULATIONS!!!

Pagtanggal ko nang nerve gear hindi ko alam ang nararamdaman ko. Ang puso ko biglang bibilis ang tibok. I don't know how to explain what I feel right now.

I wanna see them kaya agad akong tumakbo pababa. Tumakbo ako sa game room pero walang tao ron. Isa isa kong pinuntahan ang mga kwarto pero walang tao. Napakibit balikat ako dahil baka nasa sala na sila. Dali dali akong napatakbo pababa. Pagrating ko sa Sala nakita ko silang magkakatabi kasama si Yaya, they're all watching the Live stream.

Wala ako sa sa sariling napahawak sa dibdib ko. Naglakad ako palapit. Tuon na tuon ang mga tingin nila sa TV na akala mo wala ako ngayon sa harapan nila.

"H-hindi na ko susuko"sabi ko at agad na humagulgol sa iyak dahil sa tuwa at halo halong pakiramdam. Agad silang sumigaw.

"Panalo tayo!!!"sigaw nilang lahat. Agad nila akong pinuntahan. We all hugged each other, lumukso lukso kami.

"Ate! Panalo tayo! Ate! Panalo tayo!"umiiyak na sabi ni Langston. Agad ko siyang niyakap. Wala ako sa sariling natatawang napaiyak ng makita ang lahat na umiiyak.

Silent Peace is a difficult enemy at hindi ko akalain na matatalo namin. Niyakap namin ang Isa't isa.

"Ang galing mo beh! Huhuhu! Tangina hindi ko kinaya yon!"sabi ni Danica at pinanggigilan ako sa yakap kaya natawa ako habang napapaluha.

"Naks! Bumalik na ang kalupitan ni Euphrasia!"sigaw ni Loki. Tinulak niya si Danica, natawa ako dahil binatukan siya ni Danica. Mahigpit akong niyakap ni Loki kaya lalo akong napaiyak.

"Tangina talaga! Pabibo talaga nitong si Euphrasia!"sigaw ni Kenji kaya natawa nanaman ako.

Napalingon kaming lahat kay Yaya nang marinig namin ang pagsinghot niya. Natawa kaming lahat ng makita angpagluha niya.

"Yaya!"we all shouted. Agad kaming tumakbo sa gawi ni Yaya. Paglapit namin agad kaming dumamba ni Langston habang sila kaniya-kaniyang pwesto. Nakangiting lumuluha naming niyakap si Yaya.

"Nakaka-Proud kayong mga bata kayo. Masaya akong makita kayong umiiyak dahil sa saya."Lalo akong umiyak dahil sa sinabi ni Yaya. Panay ang singhot singhot naming lahat.

"Euphrasia, ano? Susuko ka na ba?"agad na tanong ni Yaya kaya umiiyak akong napailing.

"H-hindi na, Yaya"

+

We are all gathered here at the Kitchen, nagaantay kami nang pagkain. Napailing na lang ako habang nakangiting nakikinig kay Langston na nagbibida nanaman.

"Pero! Gago! Paano mo yun nagawa?"agad niyang baling sa akin.

Napakibit balikat ako,"Hindi ko alam. Basta kung ano lang, ang dami kong ginamit na spell."sagot ko. Magsasalita pa sana si Langston ng may tumawag sakanya.

"Si Chaos....I mean si Arthur"

"Sagutin mo"turo ni Lenox. Tumahimik kaming lahat, nilagay yon ni Langston sa speaker.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now