Chapter 46: District Survival Tournament

82 7 3
                                    

REAL WORLD

The Tournament started. Ang 1st-4th day sa mga bootcamp lang gaganapin pero ang Finals na kung saan may apat na grupo, eh sa MOA gaganapin.

Sa First day clash lahat. Kung sino ang limang nasa pinakahuli yan ang hindi makakapasok sa next round at ganon rin ang Second day and ang third.

Pagdating ng Fourth Day 14v14 na.

Ito ako ngayon nanunuod sa laban ng Principium at Silent Auction. Dito kami nina Kuya natulog sa boothcamp sa mga nagdaang araw pero ang mga girlfriend nila sa bahay nina Mama, mabuti nga at naiintindihan nila.

Ang line up namin.

Mage: Dalion, Conan and Benji

Marksmen: Aexl and Chevi

Assassin: Chivon and Lath

Support: Mayux and Rane

Fighter: Arius, Reiko and Lash

Tank: Trevon and Voel

Ang kamay ko nanginginig habang nanunuod sa malaking monitor sa harap namin. Masyadong malakas ang Silent Auction.

"Tangina, ang lalakas"naibulong ko na lang. Hindi naman makakapagdaya rito kasi may limang camera na nakatutok sakanila pati rin sa aming mga nanunuod.

"Your tactics are good. Hindi ko akalain na makakapasok ang Principium sa Fourth Day"sabi ni Sir Salvion.

"Makakapasok talaga sila dahil tama ang Line Up, as you can see sumobra ang assassin nila at nakulangan sila sa Tank. Yung Isang tank nila halatang balisa dahil hindi alam kung sino ang poprotektahan. Yung Fighter ba or yung Mage nilang nagiisa"I told Sir Salvion. Napatango tango naman sila.

Wala ako sa sariling napakiskis ng mga palad ng biglaang tumalsik si Trevon dahil sa Invocation ng Isang Mage nila na halatang taga District 13

"Shit, Devil's Sight."

"What's with that?"tanong ni Ate Xleen, girlfriend ni Kuya Yuri.

"Mabilis mabasa nang Isang warlock ang galaw ng specific target niya. His specific target should have a higher necromancy Defense. Kahit devil's sight lang yan, sa Iisang target pwedeng mapuntahan ng Warlock ang target niya, like pwede siyang
mag teleportation. Ang malala pa, pwede niyang pasukin ang katawan ng target niya at don siya patayin"

"Trevon!"naisigaw ko na lang ng pasukin bigla si Trevon.

"Kailangan ng support"I whispered. Kabadong kabado ako kahit hindi ako ang lumalaban.

We all sighed when Trevon looses his life. Wala nang Tank.

As the battle continued we all keep sighing. Paubos na ng paubos ang Principium.

"Euphrasia, pinahiram mo ba si Aexl ng Blade mo?"Kuya Euriel asked.

I smirked and shook my head.

"It's for a surprise pero hindi yan blade ko"

An hour had passed. Tanging si Aexl na lang ang natira at dalawang Assassin sa Silent Auction.

My lips risen when Aexl snapped his fingers. Wala ako sa sariling napapalakpak.

"Panalo Principium, may Unexpected Damage si Cap"I told them. Sa Iisang segundo, lumindol ang buong Orpheus. A Serpent then attack the other Assassin. Si Cap agad na sinugod ang Isa pang Assassin.

"Sure ball na ni Aexl"I stated.

"Paano mo nasabi?"

"I just know"

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now