Chapter 73: Practice Play

64 6 1
                                    

Kenji Lionel Anderson

Kahapon pa nang gabi namin nalaman ang Line Up kaya ito ngayon sina Maddison, Sierra at Danica, kabadong kabado at hindi alam ang i-rereact habang nangungusap na nakatitig sa Captain namin na panay ang tipa sa telepono. May practice play kasi kami kasama si Tito Eris, pabibo kasi kaming lahat kaya Tito ang tawag namin. Ang sabi ni Tito antayin lang raw yung tawag kasi naghahanap siya nang makakasama namin or makakalaban namin, pero sureball na makakalaban namin ang Captain namin kasama si Tito. Nakikita sa TV ang avatar naming siyam, hindi pa naman nagsisimula kaya hindi muna kami nagsuot ng nerve gear.

Nakaupo pa nga rin kaming lahat sa carpet. Hindi ko mapigilan ang tawa ko dahil sa mukha ni Danica at Sierra. Halatang stress na stress, mukha silang nilukot na saging.

"Putangina mo Lionel. Nanggigil ako sa mukha mo."sinamaan ako ni Danica nang tingin kaya napatawa ako. Pati ang gago niyang jowa na tumatawa kanina tumahimik dahil sa titig niya.

"Hoy, hindi kita inaano jan. Nananahimik nga lang ako rito."agad kong depensa.

"Bat ba kasi kayo kabado?"maangas na tanong ni Langston pero ang kumag nanlalamig at nanginginig rin ang mga kamay.

Is

"Hiyang hiya naman kami sayong nanginginig ang kamay."sarkastikong sagot sakanya ni Sierra. Namakyu lang si Langston kaya natawa ako. Napakagago talaga nang batang to.

Nilingon namin si Maddison na kinalabit si Euphi. Unang kita ko talaga kay Euphrasia crush ko siya, oo naging crush ko siya, pero nung nagkasama na kami sa Iisang bahay ang sarap niyang ibalibag, kung tatawa ako palagi ang kawawa dahil nanghahampas pero kahit ganun ayos lang pero ang sarap niya talagang ibalibag, na un-crush ko na siya kasi ramdam kong bagay talaga na maging friends kami forever, hindi lang friends, magkapatid, wala eh, close na close kami.

"Bakit?"sabay kiskis ng mga palad niya. Panay rin ang sulyap niya sa cellphone niya, mukhang inaantay ang tawag ni Tito.

"Sigurado ka ba talaga sa akin?"agad na tanong ni Maddison.

"Ako rin."sina Danica at Sierra. Bagot na bagot naming tinignan ni Langston  sina Lenox, Lachlan at Link na nakatitig sa mga jowa nila. Paglingon nilang dalawa sa amin agad na sumama ang mukha nila nang makita ang bagot sa mga mukha namin.

"Tangina niyo."three of them mouthed and raised their middle finger. Bahagya kaming tumawa kaming dalawa ni Langston sabay taas ng gitnang daliri pabalik.

Euphi tilted her head,"As the Captain. Hindi ba kayo siguradong tatlo sa akin?"nakangiti niyang sagot at umayos nang upo. Agad kaming nagkatinginan at napaayos ng upo nang wala sa oras.

Nagkatinginan sina Maddison, Sierra at Danica. Umiling silang tatlo.

"Pero kasi....itong mga to na hindi kasama sa line up eh mga Captain tapos nakapaglaro sa mataas na Tournament tapos kami eh hindi.."paliwanag ni Sierra. Napatango tango si Euphi at humiyod.

Binatukan siya ni Loki,"Huwag kang humiyod kapag may kausap, tirisin kita jan."

Napakamot siya sa ulo,"Sorry naman, ang sakit sa likod."bumaling siya ulit sa tatlo

"Makinig kayo. Hindi lang dahil hindi kayo nasama sa Line Up wala na akong tiwala. At hindi lang dahil nakasama kayo sa Line Up kailangan na akong kuwestyunin. Isinama ko kayo sa Line Up dahil to the highest level ang tiwala ko. Ayos lang naman kung hindi manalo, what's the use if we are defeated? Defeat won't reflect everything in our future. I won't say na kung manalo is better because either win or loose we are still Luctor et Emergo, walang magbabago. Kaya kung ako sainyong tatlo magsuot na kayo nang nerve gear dahil nanggigil ako kay Papa."sabi niya. Bahagya kaming natawa dahil ang laki na nang mata niya.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now