Chapter 19: Against Bandits and Zombies

117 7 3
                                    

GAME WORLD

After Chaos explained further agad na kaming naghanda.

"Maging handa lang kayo dahil baka kayo ang sugurin ng Bandido"paalala ni Chaos. Tumakbo na silang tatlo kaya nagkatinginan kami nina Rocco at Chester sabay tanguan.

"Zombies are easy to classify. Wounded eyes and a lot of blood are dripping down, kung hindi mo iyon makikita Bling tignan mo ang paglakad nila"Rocco informed kaya napatango ako. Ang laki talaga ng tulong ng anim na to sakin, imagine nagkakikala lang ng iisang araw dahil sa quest tapos naging magkaibigan na panay ang sama kahit saan. They're even teaching me so I'm really thankful with them.

Double Fire Sword

Umapoy na ang espada ko kaya agad kong tinakbo ang dalawang zombie sabay hati sa katawan nila, it's easy to execute them dahil agad silang nahihiwa dahil sa talas at sa nagaapoy kong espda. We are even planning to enhance our swords to masonry after this.

After that a lot of Zombies are walking towards us to attack, may iilan pang may tumatakbo, gumagapang at tumatalon talon

"Chester! You take the under!"sigaw ni Rocco kaya pinaghahambalos ni Chester ang mga gumagapang.

"Bling! Take those who runs!"Rocco command kaya halos ilang ulit akong napalunok pero tumango rin ako.

"And I'll take those who jumps!"sigaw ni Rocco, na amaze naman ako bigla ng magkaroon siya ng parang kung anong sumabit sa bewang niya, pagtalon niya ay siyang paglipad niya habang may mga grabbing arrow na lumalabas ron at nagaattach sa kung saan. He's even moving so swift along with his ninja sword, it's double just like me.

Napatingin ako sa mga zombie na tumatakbo sa gawi ko kaya agad rin akong tumakbo para salubungin sila, hinawakan ko patalikod ang espada ko sabay hiwa ng makalapit ako. Kahit anong pwesto ng espada kaya ko naman eh, depende sa mood.

Maraming nagsusubok na kalmutin at kagatin ako pero agad ko silang nahihiwa, kung sa totoong buhay to kanina pa ako nandiri sa mga laway at dugo nila, pero dahil nga laro lang to hindi naman nakaka-derder.

Biglang may sumampa sa likod ko kaya agad akong bumwelo para ibalibag paharap iyon, sinaksak ko iyon sakto sa dibdib sabay baling ulit sa mga kinginang zombie.

Napatingin naman ako sa HP ko. 85% pa naman kaya wala akong poproblemahin, syempre charot lang. Kumuha ako ng Health Potion at agad na ininom kaya nadagdagan ng sampo ang HP ko, dahil gusto kong one hundred iyon kumuha ulit ako at uminom.

"Wag magpakalmot sa Zombie! Kinse ang bawas!"sigaw ni Chester habang umiinom ng Health Potion. I keep swaying my double firing sword as their body keep cutting into half.

"At huwag magpapakagat! Trenta ang bawas! Sa girlfriend niyo na lang kayo magpakagat! Isang daan hindi bumababa HP may tumataas lang!"sigaw ni Chester at malakas na tumawa.

"Gago! May babae tangang to!"sigaw pabalik ni Hendrickson. Napailing na lang ako dahil hindi ko ma gets pinagsasabi nila.

"Anong babae?! Tomboy yan si Yakult!"sigaw nanaman ni Chester at tumawa. Lumingon ako sakanya at sinamaan siya ng tingin pero ang kurimaw dumila lang.

I turned around and run fast as I keep cutting then in half or cutting their heads off.

"Nice"puri ni Terra3 ng makadaan ako sakanya, kumindat lang ako sabay patuloy ng ginagawa.

Nang maubos ko ang mga tumatakbo sa akin agad kong tinignan si Chaos, nangangalahati na lang ang HP niya habang may sampo siyang kinakalaban. Napatingin ako kina Rocco at Chester, maayos pa naman sila kaya agad akong tumakbo kay Chaos.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now