Chapter 37: District Survival Line Up

98 6 3
                                    

REAL WORLD


Nakatingin lang ako ngayon sa mga trophy na natanggap namin. Tatlo sila. 2nd for Hideous Night, Champion for Minute Match (voted sa socmed) and lastly Chosen player of Hideous Night 'Blingbling'.

Oo mga beh, ako ang chosen ngayong taon, hindi ko man lang iyon inaasahan kasi naman, sino ba ang magvvote sa akin na bagong salta lang, kaya ayown.

"Titig na titig ah. Pwede natin yang isangla sa palawan"

Sinamaan kk ng tingin si Chevi,"Eh kung ikaw ang isangla ko ron"natawa naman siya at naupo sa tabi ko.

"Pero, gago. Nakakaproud bebs"sabi ni Chevian, napalingon naman ako sakanya. Nandito kasi kaming dalawa sa kwarto ni Aexl, yung mayari ng kwarto wala rito, lol.

"Yung?"

"Ikaw! Syempre"natawa naman ako, ang sarap pakinggan ng boses ni Chevi, yung boses ng batang tuwang tuwa, yun yon.

"Bakit naman?"

"Bebs, gago. Syempre, nasa Principium ka, sub namin. Tapos, yung ikaw naging tank namin, pucha, ang astig ng ginawa mo at hindi ko expected talaga yun bebs...."

"Syempre, mga rare items iyon. Atsaka, nakuha ko mga iyon kasi naman bago pa lang naman ang Laro, I mean new server"I told him. But honestly, nakakaganda ng pakiramdam, pati sina Kuya nga tinawagan agad ako kagabi. Hindi ko lang sinabi yung nangyari sa Coach dahil baka biglang bumuga nang apoy, sina Coach Rodan at Sir Salvion na ang bahalang magsabi kina Kuya.

Umiling iling si Chevi,"Hindi bebs. Ang astig kasi, ang swerte namin sayo sa totoo lang. Pero pucha, proud ako sayo kasi ikaw ang nakakuha ng Chosen Player for Hideous Night! Alam mo bang! Black Warrior ang nakakuha non last Year! At si Dao pa, kasi alam mo na matinik sa babae si Asher! Pero pucha! Nakakbilib ni pati babae! Ikaw ang binoto! Lakas maka Woman Empowerment!"

Natatawa akong napatango na lang. The way Chevian is speaking mukha siyang naghahamon na nasisiyahan na exited. He's being hyper.

"Bebs! Totoo nga!"he told me furiously as he cupped his face. Malakas akong napatawa sabay kurot sa pisnge niya.

"Ang taba ng pisnge mo pero hindi ka tumataba!"I vocalized. He pouted, ayan nanaman ang pisnge niyang mukhang siopao.

"Wow! Ikaw nga talon ng talon hindi ka parin tumatangkad!"he affirmed causing for my to look at him badly. He laughed loudly, hinampas hampas niya pa ako. Tuwang tuwa nanaman ang kumag.

Natigil kami sa pagtawa nang bumukas ang pintuan at niluwa non si Aexl. Ngiting ngiti siya, nakaporma pa, not totally na porma but halatang nanggaling sa kung saan.

Tinunggo ako ni Chevi.

"Umaano ka?"tanong ko sakanya ng may pagtataka. Nakangisi naman siyang umiling.

"Saan ka nanggaling Cap?"bumaling kaming dalawa kay Aexl na nakaupo na sa game chair habang tinatanggal ang sintas.

Ngiting ngiti si Aexl na napabaling kay Chevi. Tinignan ko naman ang cellphone ko, panay ang pagdagdag ng mga Fr ko pero hanggang ngayon hindi parin ako nang-aaccept, wala lang, nakakatamad eh.

"Lumabas kami ni Hannah"sagot niya, tumawa ng malakas si Chevi. Si Hannah yung crush niya raw nung bata, wala eh, kinuwento saakin kagabi.

"Anong ginawa niyo?"tanong ni Chevu. Ngiting ngiti na akala mo silang dalawa nung Hannah ang lumabas eh.

"Kumain sa labas. Ang ganda niya Chev, pucha"tuwang tuwa naman na napatawa si Aexl. Ang saya ah.

"Wala siyang may sinabi sayo?"tanong nanaman ni Chevi. Nanatili naman akong nakatingin sa cellphone ko at pinagsscroll ang Twitter ko pero ang tenga ko nasa kanila. Wala eh, tsismosa ako.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now