Chapter 84: ♡(> ਊ <)♡

87 7 0
                                    

Sa tagal ng order namin nagaya si Aexl na magtiktok kaya ito ako ngayon nakaharap sa cellphone niya.

"Tangina mo dito ka."agad naman siyang pumwesto sa likuran ko, malapit lang naman.

"Grabe na talaga ang 2029, may baby piggy nang sumasayaw."pangaasar niya kaya nakasimangot ko siyang nilingon. Ngumisi ngisi siya sabay halik sa kin sa pisnge kaya naituro ko kaagad ang cellphone niya na nakaplay.

Agad naman siyang napatawa kaya hinampas ko siya. In the end puro tawa, hampasan at kacornyhan ang nagawa namin kaya tumahimik na lang kami habang nagaantay ng order.

Magkatabi kaming dalawa ngayon. I Opened his phone to take a photo. Payapa lang akong nakangiti habang nagboboomerang ng bigla siyang nagpabibo at hinalikan ako sa pisnge.

"Hoy, nagboboomerang ako pabibo ka."sabi ko sakanya at sinave iyon.

"Edi wow."tanging sagot niya at pinagbubuksan ang meron sa bag ko.

"Anong nangyari sainyo sa Town Survival?"tanong ni Aexl at yumakap sa akin sa bewang habang pinupuno rin ng picture ang cellphone ko na bago ko lang bili. Iphone 12 pro max rin tulad niya.

"Clash yung nangyari, tangina grabe yung hirap ron Cap. Kahit gaano kalupit yung Espada mo o weapon mo ron kapag tinarak mo sa kalaban mo eh hindi nakakapatay agad....."panimula ko, umayos naman siya nang upo at tinitigan ako habang nakapatong ang ulo niya sa kamay niyang nasa lamesa.

"Mmm?"he murmured, he's really listening attentively to me like I got all his attention.

"Mahirap rin mag spot ng kalaban dahil halos lahat ang gagaling yung tipong, kahit gaano ka kaliksi, katalino o kagaling eh napapantayan ng mga kalaban namin ron ang higit pa sa lahat nalalampasan nila."

He wiped something on my face, he then put some strands of my hair at the back of my ear. Ang dulo nang buhok ko pinaglalaruan niya rin habang nakatitig lang rin sa akin.

"Kingina kabadong kabado ako non kasi baka ako yung mauunang mategi ron pero hindi chong, kingina last stading ako."

"Diba naglast shot yung Spain?!"he hyped kaya agad akong napatango tango. Ang ganda talaga kapag hinahype ka nang kasama mo mapapasarap ka talaga nang kwento.

"Oo chong! Kingina, yung feeling na doon mismo sa laro nag-Sasanta Maria ako dahil sa kaba..."agad naman siyang napatawa at kinuha ang buhok na nagpapabibo sa mukha ko.

"Really?"he chuckled kaya sunod sunod akong napatango.

"Kasi naman! Gagik, nakakakaba kasi..."humawak ako sa dibdiban ko...."Nung oras na 'yon, dasal ako na sana manalo kami kasi ayaw kong makita silang umiyak. Kasi naman as a Captain, tangina, hindi mo alam kung sino ang uunahin mo, silang umiiyak o yung sarili mong naapakan yung puso kasi, as a Captain, masakit talaga yun, yung agad mo tinatanong yung sarili mo kung bakit?"I told him.

Napatawa tango siya,"Yeah, that's what I feel everytime but well I'm always okay everytime na nandyan ka."agad ko siyang nahampas kaya napatawa siya.

"Feel na feel na kita Cap. Nung Season 2 I always told you na everything will be okay...."napatango naman siya...."Pero nung ako na yung nakaranas, kinginamers, pakiramdam ko hindi na magiging okay eh."

"Who's with you everytime?"he asked. Agad na dumating ang pagkain namin.

I shook my head and smiled,"No one. I only have myself everytime back then. Syempre, ang dami naming problema ang dami pa naming talo, dinadaluhan ko na lang sina Eustace kasi alam ko sa sarili ko na kaya ko pa. Atsaka, I priorities them more than myself, I don't know, I wanted to let them know na kahit gaano pa ako kadurog sila ang uunahin ko."nakangiting sabi ko sakanya.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now