Chapter 32: Team Dinner

114 10 0
                                    

Alas tres ng hapon. Ito kaming lahat nasa sala wala nanamang may magawa.

"Cap...ganda nang jersey mo"sabi ko at ngumiti ngiti, napatingin naman siya sa akin at tingin sa jersey niya.

"Gusto mo?"tanong niya kaya agad akong hindi naniniwalang napatingin sakanya.

"Bakit? Bigay mo?"

Napatango siya,"Oo, kung gusto mo"

"Sige! Akin na, Veneracion na agad ako"sabi ko, bigla siyang napatawa habang ang mga kumag na maiissue agad na pilyong ngumiti sa amin habang may nangiisue-ng mga mata na akala mo talaga may ka-issue issue sa sinabi ko.

Hinubad ni Cap ang jersey niya kaya puting tshirt ang natira sakanya. Patapon niya iyong binigay sa akin kaya sinalo ko rin. Kulay harbour blue na may halong puting kulay tapos may number 28 tapos may nakalagay sa unahan na 'Wild Boar', mukhang basket player si Cap

"Naks, sana all basketball player"sabi ko at sinuot iyon. Biglang lumabas ng camera si Lath sabay picture sa akin kaya tinaas ko kaagad ang gitnang daliri ko.

"Basketball kaya tayong lahat. Exercise tayo bukas na laro eh"pangaaya ni Cyon.

"Bakit pati kami?"tanong nina River kaya natawa ako, ayaw talaga nilang gumalaw gusto lang nila cellphone everytime.

"Syempre, simula nung magsama tayo rito hindi kayo nageexercise"sagot naman ni Trevon.

"Tara, may jersey na ko"sabi ko at agad na tumayo. Ngumiwi sila kaya natawa ako.

"Dali na, Libre ko kayo kwekkwek"dahil sa sinabi ko agad silang nagtayuan sabay punta sa mga kwarto nila kaya natawa na lang akong napailing.

Umakyat na rin ako sa kwarto ko para magbihis. Nagsuot ako nang sports bra tapos yung jersey ni Cap, infairness ang bango, dahil nga may jersey shorts ako rito yun na lang rin ang sinuot ko, kay Kuya Eiko to eh kaya pang lalaki. Nagsuot na rin ako nang medyas na nike na itim tapos pang basketball na sapatos, kinuha ko ang susi nang motor ko at ang wallet ko sabay labas.

Pagdulong ko sa Sala wala ako sa sariling napatawa nang makita silang lahat na bihis na bihis.

"Huwaw, Liga lang nga pre?"natatawang tanong ko.

"Gago, para sa kwekkwek"sabi ni Rane kaya natawa ako.

Dumulong kaming lahat sa parking lot. Medyo may kalayuan ang court kaya kailangan may sasakyan. Sumakay sina Aidan sa Van habang sina Chevi sa may kotse ni Lath. Pumunta naman ako sa motor ko. Kakapaandar ko pa lang ng motor ko nang agad silang naglingunan sa akin.

"Yeah?"tanong ko at sumakay sa motor ko. May iniksang headband si Lath kaya ginawa kong bun ang buhok ko at agad iyong sinuot.

"Pasakay!"sabay sabay nilang sabi.

"Gago, isa lang ang kaya"sabi ko sakanila. Agad na tumakbo sina Trevon, Arius, Aexl, Chivon at Voel sa akin. Nagtutulakan pa sila hanggang sa naunang makasakay si Aexl dahil nagsagutan ang apat.

Tumawa si Cap,"Lumayas na kayo ron! Sa van kayo mga ugok!"

"Mukha kayong magjowa!"sigaw ni Arius sabay batok kay Aexl kaya napailing iling na lang ako.

"Bumalik kayo nang alas siete!"sigaw ni Sir Salvion sa taas. Sabi niya kasi kanina aalis siya kasi may aasikasuhin siya, si Coach Rodan naman may emergency nanaman kaya mukhang may mag-ssub sa aming Coach. Alas otso raw nang gabi mamaya dadating.

Naunang lumabas ang van na minamaneho ni Aidan sumunod naman sina Lath tapos kami ni Aexl.

"Astig nang motor mo. Magkano bili mo?"tanong ni Aexl.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now