Chapter 21: Who Won?

128 7 0
                                    

Pagrating agad akong napamaang ng makita ang itsura ni Aexl. Full armour with a big Saradomin Godsword.

{District 3}
Cerberus
[Level:32]
Marksmen

{District 1}
Blingbling
[Level:17]
No classification status

"Amputangina, easy-han mo lang pre"sabi ko kaya naiiling siyang napatawa.

"Hoy gago, ikaw nga si Blingbling. Paturo pano tumambling"sabi ni Kuya Eiko at naglagay nanaman ng pera sa center table.

"Kay Bling ako"sabi ni Kuya Euriel at Kuya Yuri.

"Kay Cerberus ako"sabi ni Kuya Eiko at Loki na kakapasok lang.

"Ay bakla!"

"Oo, tangina ka. Ikaw ang nanguha ng item ko, ina mo"sabi niya saakin at tumabi kay Chevi.

"Sigurado ka sa 1v1?"tanong ni Aexl, nakangisi naman akong bumaling sakanya.

"I'm trained by Silent Peace"I told them. Nalaman ko kanina na ang Silent Peace ang nanalo sa last year over all.

Nailaglag ni Kuya Euriel ang cellphone niya at napamaang. Malalaking mata nila akong tinitigan kaya napatawa ako.

"Bakit? Kaibigan ko lang naman sina Chaos, Chester, Rocco, Demon Blood, Hendrickson at Terra3. No hard feelings, hindi naman nila alam eh. Atsaka kahit magsagupaan kayo sabay twerk sa harap ko wala akong pakialam kasi pareho ko kayong kaibigan kaya chill"sabi ko. Lumipad ang unan na hawak ni Kuya Euriel sa mukha ko.

"Aray naman!"

"Baka kung anong pinagsasabi mo ron!"

"Tanga! Wala nga! Pagsinabi kong wala. Wala talaga, magiisang month na kaming magkaibigan. Inaaya nila akong manuod sa June 7 na tournament, lilibre ako ni Chester"sabi ko sakanila.

"Hoy! Sa team ka namin sumama!"they all said in unison.

"Oo na"tanging sagot ko at kinuha ang Lasso of Hestia ko.

"Hoy, ipanalo mo sampong libo taya ko sayo"sabi ni Kuya Eiko, tumango lang si Aexl sabay saludo.

Lumingon ako kina Kuya Euriel at Kuya Yuri,"Wala kaming may sinasabi"napangiwi na lang ako.

"Totohanan talaga?"

"Oo Cap. Kung paano ka maglaro, iapply mo kay Bling, tignan natin kung pwede na siyang ipasok sa Principium"sabi ni Kuya Euriel, napangiwi ako ng mag sipalakpakan sila sabay react ng 'Ohhh'.

"Ayoko ng masungit na Boss"sabi ko at pinatunog ang Lasso of Hestia ko, napa-Ohh naman sila.

"May rules tayo. Walang may gagamit ng Health Potion at walang may lalabas sa hall ng Parthenon kung saan kayo nakatayo"sabi ni Kuya Yuri kaya napatango kaming dalawa.

Pumito na ang Avatar ni Kuya Eiko kaya agad na kaming nagseryoso.

Fire Lasso of Hestia.

Kasabay ng pagtakbo ni Cap patungo sa akin ay siyang pagbalot ng apoy sa Lasso of Hestia ko, agad ko iyong ginalaw, napangisi na lang ako ng bigla iyong nabalot sa paa-nan ni Cap, paghila ko ay siyang pagkatumba niya na hindi niya inasahan. Naghiyawan ang mga lalaki, nagsipasok naman ang mga Editors at mga Kasambahay nila para manuod.

"I didn't expect that"sabi ni Cap. Ngumisi lang ako.

Tumalon ako sabay tambling, pagkaluhod agad ko nanamang hinila sabay hambalos kay Kapitan sa isa sa mga poste na siyang ikinagiba nun.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now