Chapter 50: The Meeting

82 7 10
                                    

August 2024.

Antok na antok nanaman akong napagising dahil sa tawag ng kung sino. charotism lang si Loki. Si Loki lang naman ang tumatawag sakin palagi dahil siya lang naman talaga ang borer sa buhay.

I groaned.
"Hello babe?"

"[Sisteret!]"sigaw niya agad. Dumaing lang ako para malaman niyang nakikinig ako.

"Mmmm?"

"[You can't believe this!!!!]"

"Ano?"

"[Ikaw ang last na iniimbitahan ng Startrek! Pumunta ka na rito! Nagaantay na kaming lahat rito! Gago! Bilisan mo! Ten minutes raw na wala ka! Hindi ka na kukuhanin!]"

Agad akong napabalikwas ng bangon.

"Weh? Gago seryoso?"hindi ako naniniwala kasi itong si Loki kampon ni Kuya Eiko, puro joke joke pinagsasabi kaya palagi akong umaasa.

"[Gaga! Oo nga! Totoo! Promise! Mamatay man ako! Magkasama na tayo sissy! Maniwala ka kasi!]"

"Weh?"

"[Oo nga! Mukhang gaga. Hiningi sa akin ang number mo.]"

"Saan?!"naisigaw ko na lang dahil ito na ang chance kong Pro E-Sport player. And I'm taking the risk kahit parang hindi ako naniniwala sa pinagsasabi ni Loki.

"[Saan nga to?.... Sm Mega Mall sa starbucks... Okay! Starbucks raw! Mega Mall!]"

"Sige! Coming!"I shouted. Ibinato ko lang ang cellphone ko sa kama at agad na tumakbo sa banyo. Dali dali akong naligo at agad na pumunta sa  walk in closet.

I wear a crop cami top tapos tartan pants at boots lang dahil yun na ang pinakamadaling suotin. Kumuha ako nang mini backpack at pinaglalagay ang nga gamit ko. Kinuha ko ang susi nang motor ko at agad na kinuha ang cellphone ko sa kama at tumakbo pababa.

"Euphrasia! Magingat ka nga!"sigaw ni Kuya Yuri na nalampasan ko lang. Hindi sila nakaalis dahil ewan ko, charot. Bago kasi sila umalis kakasal pa sila, kaya mga busy.

Tumakbo ako sa kusina. Ang buhok ko hindi na ako nakapagsuklay, btw yung buhok ko kulay rose gold na dahil trip ko lang.

"Pa! Ma! Aalis ako!"sigaw ko, bahagya naman silang nagulat. Tinakbo ko ang mga gawi nila at isa isa silang hinalikan sa pisnge.

"At saan ka pupunta?"tanong ni Kuya Euriel na agad akong hinawakan sa braso.

Sunod sunod na tumunog ang cellphone ko.

"Basta! Pupunta ako sa Mall! Kasama si Loki! Magkikita kami! May kakausapin! Urgent to urgent!"I shouted exitedly but in a hurry way.

"Need any money?"all of them asked. They all raised a white envelope.

"Asus! Obkors!"sigaw ko nanaman at agad na pinagkukuha ang mga itinaas nila.

"Magingat ka!"sigaw nila kaya tumango ako habang tumatakbo at nilalagay ang mga sobre sa bag ko. Andami ko nang pera, yung bahay ko na pinatayo kumpleto na mga gamit, mga tao na lang na titira ang kulang.

Pagrating sa garahe agad na akong sumakay sa motor ko at umarangkada palabas dahil bukas naman na ang gate.

Paglabas sa Subdivision daig ko pa ang cast ng fast and Furious motorbike edition dahil sa bilis kong magpatakbo. Halos pinagoover take ko ang mga sasakyan na nasa harapan ko. Gigil kong piniga ang handlebar dahil panay ang tunog ng cellphone ko.

Biglang nagred light kaya automatic akong huminto. May kotse ring huminto sa gilid ko.

Napalingon ako nang bumukas ang bintana non.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now