Chapter 53: Illegal Clash

58 6 5
                                    

GAME WORLD

"Yakult!!!!!"sigaw agad ni Chester ng makarating ako sa Auditorium of Illegality.

"Keingay ingay mo!"agad kong reklamo. Natawa siya at binatukan ako kaya gumanti ako nang kaltok. Nakipagapir ako sa lima.

"Anong meron at dito nanaman tayo?"tanong ko kina Chaos. It's been five days since our stay here sa bootcamp, wala nang bago, nagiinsulto at nagsusuntukan parin rito.

Kaya nga hindi maganda ang naipapakita naming laro sa mga coach dahil hindi kami nagkakasundo sa bawat desisyon na ginagawa para sa laro.

"Sali tayo. Yung price 100 orbs."sabi ni Chester kaya agad na nanlaki ang mata ko.

"Shopping nanaman"sabay sabay nilang sabi kaya wala ako sa sariling napatawa at napapalakpak na lang. Kilalang kilala na talaga ako nang mga kumag.

Nakita ko ang difference sa amin at sa Silent Peace. Nagkakasundo kami nang Silent Peace dahil nagtutulungan kami at kilala ang Isa't isa pero sa grupo na kasama ko sa Iisang bahay daig pa namin ang mga tao sa face to face.

Dumating rin si Ohytus.

"Baka naman rootbeer."sabay sabay naming sabi kay Ohytus na may branch ng 7/11. Nakangiwi niya kaming nilingon kaya natawa kami.

"Nung Isang buwan na pumunta kayong pito kulang na lang gawin niyong merkado ang 7/11."sabi ni Ohytus. Nagtawanan kami nang maalala ang kagaguhan namin na ginawa, last month kasi nagayaan kaming bulabugin si Ohytus kaya ayon, imbes na tumahimik lang at kumain sa 7/11, kumuha kami nang mga kung ano at pinagbebenta sa labas, wala lang kagaguhan lang.

"Ulit kami."sabay naming sabi ni Chester at nagapir.

"Banned na kayo ron. Bawal mga pangit."sabi niya kaya sabay sabay namin siyang binatukan at malakas na nagtawanan.

"Pa-enhance tayo espada."pangaaya ni Rocco habang nagaantay kami na magsimula ang Illegal Clash.

"Pwedeng i enhance yung samin?"sabay naming tanong ni Chaos. Godsword rin kasi ang kaniya, Zamorack Godsword.

"Yep, pwede. Pero hindi lang namin alam kung magiging gaano na kalupit ang mga hawak niyo."sagot ni Demon Blood.

"Ilang grupo ba yung nandito ngayon?"

"Probably, a lot with 7 players in each of those group."sagot ni Hendrix.

"Kahit kailan, itong si Boy mix lahi ang arte magsalita."pag-epal ni Demon Blood.

Hendrickson then replied,"Dugyot ka kasi magsalita, kaya wala kang Girlfriend eh."

"Hiyang hiya ako sayong hindi crush ng crush! Tapos biglang naglasing at tumawag sakin sabay sabing 'Pre! Puta! Mahal ko na pre! Gusto kong maging akin! Kaso mukhang nabakuran na pre!' with matching iyak na akala mo end of the world na!"Demon Blood affirmed. Napabulalas ako sa tawa nang sinakal ni Hendrickson si Demon Blood.

"Tangina mo, manahimik ka jan."

"Oh! Gago mo! Tama ako! Kung ako sayo nag confess ka! Ayaw mo nun?! Nadagdagan nanaman ang circle of friends mo."sabi ni Demon Blood kaya hindi ko maiwasang matawa dahil pinagsasakal siya ni Hendrickson.

"Kung ikaw, mag move on kana sa ex mo dahil hindi ka nga mahal non. Tatawag tawag sa akin sabay sabing 'Pre! Puntahan natin sa bar! Kukunin ko kung ano ang sakin' pero ang totoo ikaw naman ang nangloko!"Hendrickson affirmed. Nagtawanan kaming lima dahil mukha silang mga tanga.

"Patawa tawa ang mga gago. Akala mo hindi lang nagiisa ang crush."pagpaparinig ni Demon Blood. Sabay nilang nilingon si Demon Blood at sabay sabay na tinadyakan kaya bumagsak sa sahig.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now