Chapter 111: Luctor et Emergo

59 7 4
                                    

I haven't feel okay but I'm trying. Kakatapos lang naming mag-practice play and i know I'm lacking.

I'm just laying in my bed wondering how did I end up in this state again when the door opened.

Pumasok si Eustace. She smiled at me and I know she knows that I don't feel good despite of saying that I'm fine or I'm okay to them.

Dumulong siya sa kama ko at tumabi sa akin.

"Akala ko lumabas kayo ni Loki?" I asked her. Yumakap naman siya sa bewang ko.

"I rather stay at home, ayokong lumabas at mag-date habang ito ikaw, binabatikos." Aniya.

Napangiti ako. "It doesn't matter. Tulad nga ng sinabi niyo, nanjan kayo."

"Kahit naman nandito kami alam kong hindi ka maayos. Euphrasia, you're too brave but don't be hard to yourself. Show us your emotions and weakness. Kinakapitan ka namin kaya kumapit ka rin pabalik." Aniya. Maya pa, pumasok si Loki.

Bahagya siyang ngumiti at sumali sa amin. Now, pinapagitnaan nila ako ni Eustace.

"We can't afford to loose you. Takot kaming mawala ka, not as the captain but as our friend...as our family. You know, hindi mo man sabihin, those people are depressing you."

I pat her head. "I am scared. I'm really scared. I haven't talk to Mom, to my brothers, kay Papa and to Aexl. I wonder what's going on with them. Kung kinakasuklaman ba nila ako, kung ayaw na ba nila sa akin, if they're disappointed, mad or i don't know anymore."

"Wala kang kasalanan, Euphi. Ang may kasalanan rito, ang mga taong mapanghusga na binabalik ang dating kalbaryo mo para mapabagsak ka." Ani Loki at ginulo ang buhok ko. "Those people who rise was pulled down by people who wanted her place. Successful ka Euphrasia, maraming gustong humila sa'yo pababa."

Napabuntong hininga ako.

"HELLO!"

Ang katahimikan naming tatlo napawi ng lumabas ang teletubbies and friends. May mga dala dalang comforter, unan at mga chichirya.

"Hi! Makikitulog kami, thanks!" Tumalon si Langston sa kama. Sina Zilch, Haruto at Dylan naman umupo sa may bandang paa-nan at naghagis ng pagkain.

"Wala ba kayong mga kama?" Tanong ko.

"Wala." Sumunod na pumasok ang mga babae, may foam pang dala.

"Sira ang aircon, ayokong naiinitan." Si Kuya Lachlan. The boys entered with a soda. Si Rocco kumakain pa ng cup noodles habang si Iñigo buhat buhat si Kyu.

"Tatawag ako sa nag-aayos. Hindi tayo kasya rito."

"Tinawagan na ni Rie."

"Out of coverage." Pumasok ang mga beki kasama ang buong editors.

Nagsalubong ang kilay ko. "Anong ginagawa niyo?"

"Wasak aircon." They reasoned out.

Pinabayaan ko na lang dahil halatang nagsisinungaling lang naman 'tong mga 'to. Last week lang inayos ang aircon.

Pinanuod ko silang inayos ang mga foam.

Tumayo si Eustace at Loki at nakisali sa mga nag-aayos.

"Alis jan." Pagtaboy sa'kin ni Kuya Lachlan.

"At bakit?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"I'll fold the bed. Tabi tayo."

"Hali rito, Euphi! Tignan mo ginawa naming film. Video compilation lang naman 'to ng mga interview niyo tapos mostly yung iba galing sa old video niyo nung nagsisimula pa lang kayo." Ani Ace. Inaayos nila ang tv.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now