Chapter 13: Party Quest

127 10 4
                                    


Hendrickson is inviting you to a party quest.

Yes No

I pressed Yes of course.

It's a Party Quest Baby!"

Dito sa laro pwedeng mag party quest kahit taga ibang district and you can even sent a friend request to them.

"Saan ba maraming wolf?"tanong ni Chester habang nakasakay sa likod ko.

"Sa moon"barumbadong sagot ni Demon Blood.

"Masaya ka na niyan Demonyo?"sarkastikong tanong ni Chester kaya natawa ako. Kung magkakilala sila ni Chevi malamang sa malamang magkakasundo iyon.

Kakapasok pa lang namin sa cave ng may narinig na kaming tunog ng galit na aso.

Dahil siraulo ang nga kasama ko bigla rin silang tumahol.

"Mga gago! Madilim!"awat ni Chaos kaya tumahimik sila.

"Ay pucha"

Napatingin naman ako sa singsing na suot ko at binasa ang information, wala nang pakialam sakanila na panay ang asar sa mga lobo, Hindi pa naman sila inaatake eh.

Ancient Red Dragon Ring can put or bring a fire or other element in the owners sword and can burn someone, well kahit anong items ang meron ka pwedeng balutan ng kung anong elemento. It's easy to use because you will command it with your mind.

"This is cool"I whispered.

"Sugod na ba?"

"Wag muna, hindi ko pa kita eh. Mga bobo kasi walang night vision"sabi ni Chester at bumaba sa likod ko.

Hinugot ko ang espada ko sa bewang at agad na nagisip.

Fire na nakabalot sa espada!

Sabi ng info magisip lang raw eh kaya yan ang inisip ko.

Nabigla ako ng biglang umapoy ang espada ko, iyan na ang pagkakataon na nakita namin ang higit benteng lobo na may naglilisikang mga mata.

Gulat naman silang napalingon sa akin.

"Hoy gago yakult! Paano iyan?"

Pinakita ko sakanya ang suot kong singsing sabay sugod sa lobo. Medyo malaki naman ang cave kaya nakakagalaw kami ng bahagya.

"This shit is so cool!"sigaw ni Chester sabay sugod rin sa mga lobo, yung dragon sword niya kasi biglang lumaki.

Sunog! Sunog! Aling bebang!

Pagiisip ko, isa isa namang nasunog ang mga lobo kaya napalingon sila sa akin, ngumiti ngiti lang ako. Ang mga nasusunog na wolf agad kong nilalapitan at kinuha ang mga fang nila before they get totally burned.

After a minute natapos na rin namin. May nagsibagsakan nanamang mga item.

'you received a black cap'
'you received a wolf coat'
'you received a gold dagger'
'you received a orb'
'you received a crystal necklace'
'you received a night vision'

"Kunin niyo na tapos isaisahin natin tong mga nakuha natin"I told them. Nagsikuha sila ng mga gusto nila hanggang sa binato saakin ni Chaos ang orb.

"Bakit?"

"It's worth a million gold coins dummy"he informed kaya agad ko iyong itinago. May pangdagdag na akong pera para sa new armour suit ng kabayo ko!

After naming isaisahin in a fair way ang mga fang, ear at tail agad kaming nakarinig ng Howl sound. Umuga pa 'yong buong cave kaya natumba ako.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now