Chapter 136: Black Angel

79 8 6
                                    

Hello! Sorry for the slow update. 


And for everyone's notice, konting ariba na lang tapos na ang District Survival Online but take note that you'll still be with Euphi and the others for a very very long time again, stay tuned for another upcoming story starting with Euphrasia, Luctor et Emergo, Principium and other groups/characters as well :)


Have a good night, luv's!


++++


Chevian [Principium]


"Yo!" I greeted the boys. Kakapasok ko pa lang sa kusina, kakagising ko lang e.


"Kumain ka na." bungad agad ni Kuya Aexl. Kagabi pa 'to bad trip. Hindi ko alam ang rason pero may dalawa na akong naiisip. Una, nag-away sila ni Ate Euphi at pangalawa dahil sa kambal niyang mga kapatid na babae, na-guidance kasi si Aziel samantalang si Arel bumagsak sa isang subject niya.


"Anong nangyari jan?" tanong ko kay Kuya Mayux at ininguso si Cap. Nakatayo kasi siya sa may counter habang naka-krus ang braso, may hawak pang tasa.


"Hindi nag-reply si Euphi." sagot ni Mayux. "Kumain ka na nga, puro ka chismis, ang aga. Papagalitan ka nanaman niyan pag nakitang di ka pa kumukuha. Aalis na tayo 3 hours from now."


Umupo naman ako. "3 hours pa naman 'yon e." I snorted. Itong mga 'to, maka-reklamo na ang bagal ko e sila nga 'tong makukupad, tapos na ako't lahat lahat, sila nagbibihis pa rin.


"Mas maaga dapat tayo don kasi may interview pa, tanga." pumasok si Lath, may bitbit siyang pusa.


"San mo 'yan nakuha?" tanong ni River sakanya.


"Sa daan." Lath yawned. "Kinuha ko nung sinipa palabas nung amo. Kagabi pa 'to, kaya napaliguan ko na nga e."


"Ayain mo ng sabong si Kuya Iñigo gamit mga pusa niyo." I suggested. Itong si Kuya River parang nanay ko naman, nilalagyan niya ng pagkain ang plato ko. Aalma sana ako ng makitang pinatungan niya ng chapsuey pero sa isang tingin niya wala na akong magawa.


Parang si Kuya Loki naman 'tong si River.


"Idiot." Itong si Hawaiian boy nakuha pang mang-irap. Inirapan ko rin siya.


Habang kumakain at nanunuod sa TV, biglang lumabas ang commercial ni Ate Euphi, mukhang lovlex dahil nasa beach siya at tumatakbo. "Si Ate Euphi nasa TV." sabi ko kaya napatingin rin si Cap sa pinapanuod ko.


"Aren't girls mature fast? Then grow fast too?" Lance asked, baguhan sa grupo, mga 1 year ago. Napatingin sakanya si Cap. Crush ba nito si Ate? "Mga kapatid ko ang tataas na e." he shrugged.


"My sisters too. Ang bilis lumaki, baka nga mamaya mataasan na ko ng mga 'yon." natawa si Cap. Tumango ako kay Boss Eiko na kakapasok lang.


Tumutok agad ang mata niya sa TV. "Parang kailan lang ang liit ng bubwit na 'yan. She started growing the time she was sub from this group." pinagkrus ni Boss ang mga braso niya. "Ang laki na ni Euphrasia, nagsi-swimsuit na samantalang dati hello kitty lang na rash guard suot non."


Natawa ako sa hello kitty na rash guard at ganon rin sina Cap at mga kabarkada ni Ate rito. Napailing na lang ako at kumain. Dumating na si Boss e, baka kapag sumunod ang dalawa pa naming Boss at hindi pa kami tapos kumain mapagalitan lang.


Natapos ang pagkain ko saktong dumating pa ang dalawang Boss. Kumaripas agad ako ng akyat at inayos ang gamit na dadalhin ko, naligo na rin agad ako at nagbihis ng marinig ang bunganga ni Ate Samsam na pinapadali na kami.


District Survival OnlineWhere stories live. Discover now