Chapter 35

215 19 7
                                    

This story is "UNEDITED". So guys, expect it please that this story may have flaws, misspellings, grammatical errors and erratums. Just please, do understand about it.:)

****************

Chapter 35---Acedia

__________

Louise’s POV.

Nagulat ako sa nakita ko sa loob ng CR at ang ikinagulat ko, nasangkot si Fritz sa gulong ito. Hindi ko alam kung paanong eksaktong si Fritz ang nagkataong napadaan at nasangkot sa gulong ito. Meron kasing patay na tao sa loob ng CR at base sa nakita ko sinaksak ito. Pero si Fritz may hawak itong kutsilyo at duguan ito.

‘‘Sir Fritz sumama muna kayo sa amin.’’ Nagsalita ang isang guard ng JMU. Pero hindi nagsasalita si Fritz, malamang ay dahil sa pagkagulat sa nangyari.

‘‘F-Fritz, anong ginawa mo?’’ Nalilitong tanong ni Isabella ang kaibigan ni Steffany bilang Uriel.

‘‘I-I...I-I don’t know. I-It’s not me..’’ Wala sa sariling sagot ni Fritz.

Alam ko mahirap ang pinagdadaanan niya ngayon dahil wala dito si Steffany. Pero hindi ito ang oras para mag pakatanga ito. I took my phone and I compose a message.

To: Cloud

Fritz is in trouble. He’s been framed up.

Binalik ko ang tingin kay Fritz matapos kong ma-sent ang message ko kay Cloud. May kakaiba talaga sa nangyaring ito.

‘‘Hey! Keep your hands-off him! Saan n’yo s’ya dadalhin?!’’ Hinawakan kasi ng mga guard si Fritz.

‘‘Sir, dadalhin lang namin s’ya sa opisina namin. Maya-maya kasi nariyan na ang mga pulis, tsaka para matanong si Sir Fritz sa totoong nangyari.’’

‘‘Fritz alam kong wala kang kinalaman dito. Just wait and we’ll figure out a way for you to get out of this mess.’’ Seryosong pahayag ko sa kanya pero hindi na ito sumagot pa sa’kin. Bumaling naman ako ng tingin kay Issa.

‘‘Isabella, can you do me a favor?’’

‘‘H-Huh? Ano ‘yun?’’ Nalilito man ay sumagot ito agad.

‘‘Samahan mo muna si Fritz, sige na...please. Ako na ang bahala ditong humarap sa mga pulis.’’

‘‘S-Sige...’’ Parang natatakot na sabi nito at dali-daling sumunod kina Fritz.

Tumunog naman ang cellphone ko kaya tiningnan ko kung kanino galing ang message. It’s an unknown number. Nagtaka pa ako pero binuksan ko rin naman.

From: +63927×××××××

Don’t let anyone pass throught the crime area. Wilder is on her way.

Okay, nakuha ko ang gusto nitong iparating. Hindi kami nakakasiguro kung sino ang kalaban. Mabuti na ang sigurado. Maya-maya ay nakarinig ako ng alarm. Kasunod nito ay ang pag anunsyo na cancel muna ang klase ngayong araw at kailangan ng lumisan agad ng mga estudyante. Mabuti nalang at maaga pa, kaya wala pa gaanong estudyante.

‘‘Mr. Cadwell. What are you still doing here? Get away from this place!’’ May maotoridad na nagsalita sa likuran ko at kahit hindi ko lingunin, kilala ko siya.

It’s Mr. Fredrick Montereal. He’s the School Administrator and of course the strict Uncle of Fritz. Humarap ako sa kanya bago magsalita.

‘‘Sorry Sir, but I can’t do that! Fritz is my friend and I’m here to make sure of things we don’t know exactly what happened.’’

The Mavens [COMPLETED]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin