Chapter 30

382 31 4
                                    

This story is "UNEDITED". So guys, expect it please that this story may have flaws, misspellings, grammatical errors and erratums. Just please, do understand about it.:)

****************

Chapter 39----The Game

__________

Steffany/Uriel's POV.

Naging matiwasay naman ang mga araw namin matapos ang nakakapagod na pag solve namin sa cipher na'yon. Ang kailangan nalang naming e-solve ay ang riddle na'yon. Nang thursday nagsimula ang sports meet at dito nga ginanap sa JMU.

Sabado na ngayon at final game na at kasama ako sa mag co-compete sa final sa swimming. Then sa basketball naman syempre sina Calex at ang kalaban nila ay ang Striker University.

Ang Striker University ito ang eskwelahang pinanggalingan ng tatlo pang membro ng GOM. Sila Alexandria Villar Priscott ang pangwalo, 9th is Floyd Chester Montecarlo and Maricar O' Connor being the 10th member. Floyd is here, s'ya kasi ang nag co-coach sa basketball team ng SU pag may ganitong event, it's his forte. Same as Maricar, kasama kasi University sports meet ang cheer dancing contest at isa sa mag ju-judge si Maricar.

''Uriel galingan mo hah! Susuportahan ka namin.'' Isang maputing babae na may tatlo pang babaeng kasama ang nagsalita, kaya ngumiti lang ako.

''Isang bagay na alam ko tungkol sayo ay may pagkabingi ka.'' Sabi ni Louise.

''I'm not deaf!''

''Ang sabi ko may pagkabingi, hindi BINGI!''

''Pano mo naman na sabi na may pagkabingi ako?'' Tanong ko kay Louise.

Ngayong umaga ang final ng swimming at maya-maya lang ay magsisimula na ito. Nandito sila para suportahan ako, si Issa at syempre si Calex at ang mga teammates nitong sina Keith, Ervic, Louise at ang kapatid ko. Mamayang 5:00 ng hapon pa kasi ang laro nila.

''Ano 'yung sinabi ng babae kanina sayo?'' At ngumisi ito sa'kin.

''Ah, nakalimutan ko. Ay, sinabi n'ya pala na ang ganda ko daw.'' Nakangiting sagot ko pero he just roll his eyes at pinisil naman ni Calex ang pisngi ko.

''Ayan ang sinasabi ko, you don't actually hear what people who approach you say dahil hindi mo binibigyang pansin. Ang ginagawa mo lang ay ngumiti at tumango. Kaya akala nila narinig mo ang sinasabi nila. Tama ako ano?'' Napasimangot nalang ako na dahilan para pagtawanan nila ako.

Oo, hindi ko naririnig ang sinasabi ng mga tao na bigla nalang akong ina-approach. Ngumingiti lang ako o kaya ay tumatango para 'di naman sila mapahiya. Pero pagbinigyang pansin ko naman karirinig ko kahit malayo pa ito.

''That's all?'' Nakasimangot na tanong ko kay Louise.

Sasagot pa sana si Louise kaya lang pinatawag na 'ko kasi magsisimula na.

''Good luck babe. Let them eat your water!'' Biro ni Calex at hinalikan ako sa pisngi.

''Then dapat pala ang isigaw ko ay, Eat my water instead of eat my dust. Haha, sige na punta na 'ko doon.'' Paalis na sana ako kaya lang may binulong si Louise na ikinagulat ko.

''I also know that you already knew the answer to that riddle from the very moment you've read it.'' At ngumiti lang ito, 'di ko na nga lang muna inabala ang sinabi n'ya at tuluyan na akong umalis.

Oo, alam ko na ang sagot sa riddle na 'yun pagbasa na pagbasa ko pa lang nito. Ayaw ko lang malaman nila kung ano o sino ang susunod, kaya mas minabuti kong h'wag sabihin sa kanila.

The Mavens [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon