Chapter 42: INVIDIA

213 17 2
                                    

Chapter 42--- Invidia

__________

Steffany/Uriel's POV.

Nakaupo lang ako sa tapat ng pinto papasok ng hall na pinagdadausan ng event. Hindi ko nga namalayan kung saan pumunta si Calex. Tumayo ako at tumingin sa mga taong nasa loob. Nakita ko namang inangat ni Vexy ang kamay nito na parang pinapapunta ako. Gustohin ko mang hindi siya lapitan ay hindi pwede, guest pa rin kasi ito dito.

''Yes, Maam?!'' Medyo may diing tanong ko ng makalapit na ako. Wala kasi ang parents ni Calex dahil may mga kausap silang mga bisita.

''Ikuha mo nga ako ng wine!'' Napakunot naman ang noo ko at napatingin ako sa waiter na may dalang wine sa hindi kalayuan.

''You can wait for the waiter to pass by and grab for yourself...Maam!'' Sagot ko.

''I want it now and it's your job to serve me 'cause I'm a guest here!'' Taas kilay nitong pahayag na ikinainis ko kaya naman ay tinalikuran ko ito at humakbang na paalis. Pero mali ang ginawa ko.

Hindi ko inexpect na bigla n'ya akong sisipain sa likod ng tuod ko. Hindi ako nakapaghanda kaya nadala ako dahil sa pagsipa n'ya. Bigla ko namang naitulak ang isang guest dahilan para matapon ang hawak nitong wine sa suot n'yang gown...pearl white pa naman ang kulay, sh!t!

''OMYGOSH!'' Nanlalaki ang matang bulalas nito at tumingin sa'kin. ''LOOK AT WHAT YOU'VE DONE, YOU USELESS AND----'' Pero biglang may humawak sa siko nito at marahas itong hinatak dahil sasampalin n'ya sana ako.

''DON'T YOU DARE HURT HER!!!'' Gigil na sabi ni Kuya...oo, si Kuya Raven.

''B-But she...'' Hindi mapagpatuloy ng babae ang sasabihin nito dahil matalim itong tinititigan ni Kuya.

''I saw it, what that woman did!'' At bumaling ito ng tingin kay Vexy.

''H-Huh? I didn't do anything to her! Maniwala ka Fritz.'' Nasa tabi na pala nito si Calex.

''So you're telling them that I'm a liar? You fvck'n kicked her, thats why this sh!t happened!'' At tinuro n'ya ang damit ng babae.

''No I didn't!'' Depensa nito sa sarili.

''What's happening, son?'' Tanong ng Daddy ni Calex na naglalakad papunta dito.

Malapit na sila sa pwesto ng biglang may kumalabog at nabasag ang glass wall sa hall na ito na nasa likuran lang namin. Lalapit na sana ako kay Calex para protektahan ito ng may kumabig sa akin at pinalit ang pwesto namin at niyakap ako ng mahigpit...si Kuya.

''AAHHH!!!'' Sigaw ng mga tao sabay yuko ng iba.

''URGH!'' Napapahigpit ang yakap nito na ikinagulat ko. ''Nagpapabaya kana ng dahil sa kanya! You're becoming weak because of him!'' Nakangiwi nitong sabi at itinulak ako palayo sa kanya na ikinagulat ko.

''K-Kuya..'' Mahinang bangit ko dahil nakita kong may nakatusok na salamin sa kanang parte ng tiyan nito. Nakuha n'ya siguro ito ng inikot niya ako kanina.

Wala namang ibang nasaktan maliban sa amin na malapit sa gilid nitong hall. May galos rin sila Calex pero kunti lang.

''Urgh, damn it!'' At unti-unti niya itong hinatak, may mga security ng lumapit.

''Kuya..''

''Don't touch me!'' Asik nito sa'kin na ikinagulat ko.

Hindi ko alam pero bigla nalang tumulo ang mga luha ko. I don't usually cry, I DON'T CRY. Especially in front of others, kaya lang ang pagtrato ni Kuya sa'kin is new for me. Hindi ko maiwasang hindi mapaluha.

The Mavens [COMPLETED]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin