Chapter 10

428 70 20
                                    

Note!

Thank's to soshi_MYE for promoting my story...Thank you!

fireflicker13

************
Chapter 10: Letting go

Steffany’s POV.

Nandito na ako sa labas ng malaking gate ng greenfields cemetery at tinatanaw ang loob nito. Kaya ko ba ito? ‘Yan ang nasa isip ko. Pero sabi nga nila ‘‘Don't let the sadness of your past ruin the happiness of your future’ I’ll do this for myself and also for Calex.

Lumabas na ‘ko ng kotse at umikot ako sa passenger’s seat para kunin ang mga dala ko at lumapit na sa gate.

''Magadang hapon po Maam, may dadalawin po ba kayo?'' Bungad tanong ng guard pagkalapit ko.

''Yes..''

''Sige Maam paki log-in lang po dito.'' Sabi n’ya at inabot ang ballpen sa akin.

Nilapag ko muna ang mga dala ko bago sumulat sa logbook. Nang matapos na ‘ko ay kinuha ko na ang mga dala at akmang papasok na.

''Uhmm...manong saan po banda ang libingan ni Jarvis Accardo?'' Tanong ko.

''Ah, alam ko ‘yan. Marami kasing dumadalaw dito at nagdadala ng bulaklak para sa kanya. Nasa pinakadulo, pagdating mo sa dulo may malaking puno kang makikita. Kumanan ka mga sampong monumento bago ang sa kanya. Makikita mo iyon agad kasi iyon ang pinakamalaki dito.'' Lintaya niya.

''Sige po.''

''Marami na talagang dumadalaw dito, malapit na rin kasi ang anibersaryo ng pagkamatay niya. Sige hija pumasok kana.'' Sabi niya at binuksan ang gate.

''Salamat po.'' Wika ko at pumasok na, sinunod ko naman ang sabi ng guard.

Nang marating ko rin sa wakas ang dulo ay nakita ko kaagad ang malaking puno. Kumanan ako, pagka tapos kong makalampas sa sampong monumento natanaw ko na ang sa kanya. Makikilala mo talaga ito maliban sa nakasulat na Accardo Family sa bakal na pinto, ito ang pinaka maganda dito. Pinaganda talaga nila ang pagkagawa ng monumento niya.

Tama nga ang guard maraming dumadalaw dito. Marami kasing bulaklak sa palibot nito at mga bago pa. Nasa labas lang ito nakalagay lock kasi ang monumento, para sa privacy ng pamilya nila. Alam ko may duplicate keys ang malalapit na kaibigan niya, incase na dumalaw sila. Pero hindi na ‘ko nag abalang manghiram.

Lumapit na ako sa pinto at nilapag muna ang mga dala ko. Kinuha ko ang pendant na handle ng katana tapos may pinindot ako dito para lumabas ang blade nito. Tama lang ang laki nito sa padlock, kunting kalikot at bumukas na.

Kinuha ko ang mga dala ko at malalim na bumuntong hininga. Pumasok na ako sa loob at bumungad sa akin ang frame na may larawan niya. Umupo ako sa harap ng libingan niya na gawa sa marble. Matagal akong natahimik at nakatingin lang sa larawan n’ya bago magsalita.

The Mavens [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon