Chapter 37

185 19 3
                                    

This story is "UNEDITED". So guys, expect it please that this story may have flaws, misspellings, grammatical errors and erratums. Just please, do understand about it.:)

****************

Chapter 37---Helping Hand

__________

Steffany/Uriel's POV.

Nandito kami ngayon ni Fatima sa cafeteria dahil kumakain kami ng lunch. Kanina pa nga kami tahimik eh, hindi kasi nagsasalita si Fatima at panay kain lang ito. Isa pa, ang mga tinging pinupukol sa akin ng mga estudyanteng nandito. Siguro nagtataka sila dahil hindi kami magkasama ni Calex, tsaka higit isang buwan akong nawala. Tsaka ang iba naman ay natutuwa, malamang dahil nawala na ako sa landas nila.

They're now free to flirt Calex. Pero ang tanong, magpapa-flirt ba ito? Calex was a womanhater matapos itong iwan ni Blythe...until I came in. Pero dahil sa ginawa ko, baka bumalik ito sa pagiging womanhater nito. Ewan ko!

''Hoy, bruha ka! Saan ka ba galing?! Tsaka bakit hindi mo man lang ako sinabihang nandito kana pala? Kung hindi ko pa narinig sa mga chismosa ng JMU, hindi ko pa malalamang nandito kana.'' It's Issa na nakapamiwang pa, bago tumingin kay Fatima at tinaasan ako ng kilay.

''Ah, si Fatima pala. ka-klase ko, nakita mo na naman s'ya diba?'' Pakilala ko kay Fatima, pero nanatiling nakatayo lang sa harap ko si Issa at nakataas pa rin ang kilay nito.

''Tsk, well. Fatima si Issa pala...'' Sinuluyapan ko si Issa, pero pinag-cross nito ang mga braso nito. Hai, baliw talaga.

''Best friend ko...tss.''

''Hi, Fatima. Nice to meet you.'' Ngumiti si Issa kay Fatima na ubod ng tamis pero ngumiti lang ng payak si Fatima.

It's not the usual Fatima na ang bibo at napaka-energetic. Naisip ko tuloy na naiilang ito kay Issa. Tapos na rin naman kaming kumain ni Fatima, kaya tumayo na ako.

''Gusto ko mang sagutin ang mga katanungan mo ngayon pero may gagawin pa kami. Diba Fatima?'' Ngumiti ako kay Fatima at kinindatan ito bago bumaling sa naka ngusong si Issa.

''A-Ah, O-Oo. Mag co-costing pa kami ng mga ingredients sa lulutuin namin.'' Nahihiyang sagot nito bago tumungo.

''Ay, talaga? Sama ako..''

''Hindi pwede, kasi titignan pa namin ang price ng bawat ingredients namin sa isang supermarket.'' Bagot na paliwanag ko dito.

''Then that's good. After mag girl's bonding tayo. You know, malling.'' At ngumiti ito na labas ang ngipin, pati gums kita.

''Bakit, magkaklase ba tayo na sasama ka sa amin. Ang layo ng course mo sa course namin!''

''Ang sama mo talaga---''

''Alam mo, sa susunod nalang tayo mag bonding. Sige una na kami.''

The Mavens [COMPLETED]Where stories live. Discover now