Chapter 25

285 41 10
                                    

Steffany’s POV.

Naging masaya ang bakasyon namin. Panay pasyal lang naman ang ginawa namin doon. Hindi ko na matandaan kung kelan kami huling naging care free ng mga kapatid ko. In this life of ours, having fun is just an option. Marami kaming dapat i-prioritize. Gaya nalang ng problema namin sa SALIGIA na ‘yun. Sa pag stay namin sa farm ni Mommy, sinabay namin ang pagturo kay Calex.

Tinuruan namin s’ya kung paano n’ya depensahan ang sarili, humawak ng baril, patalim at marami pang iba. Sila Kuya at Tyler ang nagturo ng physical combat sa kanya. Tapos ako naman sa mga long range, gaya ng tamang pag hawak at paggamit ng baril.

Nahihirapan s’ya nung una, pero naka cope up naman ito. Kailangan n’ya ‘to kasi ‘di namin alam kung sino ang sino. Siya rin naman may gusto nito, nakakabakla daw kasi na ako pa ang magbabantay at magtatangol sa kanya. Dapat daw kasi na s’ya ang magtangol at promotekta sa’kin, hindi daw ‘yung ako ang gumagawa ng mga ito. Okay na rin ‘yun, dahil hindi sa lahat ng oras nand’yan kami to protect him. He must also learn to defend his self.

"Hey, Cal. Wake up!" Mahinang tapik ko sa pisngi nito.

Mahinang umungol ito at nagmulat ng mata. May pupuntahan kasi kami at kasama namin si Tyler. Kahapon lang kami nakabalik ng Pilipinas.

"Damn! My whole body still hurts." Reklamo nito habang hinihimas ng kanang kamay ang kaliwang balikat nito.

Panay kasi ang reklamo nito na masakit ang katawan. Na kahit daw physically fit ito at nasasabak sa matinding training sa basketball, mas mahirap pa rin daw training nila kuya sa kanya. Isang linggo pa nga lang ang nakaraan, ni hindi pa nga nakaabot sa kalingkingan ng training namin ang pinapagawa namin sa kanya, basic kumbaga.

"Quit with your rants and let’s go!" At sinuot ko na ang shades ko at sumbrero, ganun din ang ginawa nila.

Lumabas na kaming tatlo sa sasakyan. Nandito kami ngayon sa lugar kung san madaming taong paparik-parik. Maingay, magulo, masikip, mabaho. Lahat ng mga ‘di kaaya-ayang mga bagay nandito.

"I want you to look each and every person." Si Tyler ang nagsalita.

"Tignan mo silang mabuti at alamin ang mga taong may masasamang balak." Ako ang nagsalita.

"How am I suppose to know that? What am I, a psychic?!" Calex squawked.

"That’s why we’re here! For you to be sensitive to things beyond natural range or perception." Seryosong sabi ni Tyler.

"Now, look at that girl." Then Tyler pointed a teenage girl.

She is wearing a tight jeans and white fitted thin strap tops, na halos lumuwa na ang ka loob-looban nito.

"What do you think about her?" Tanong nito kay Calex.

"Uhmm...I find her pretty and well, hot and sexy...AWW! What was that for?" Inis na tanong nito.

Paano ba naman nabatukan ko sa inis ko sa pinagsasabi n’ya.

"We told you to look beyond the natural range or perception, hindi ‘yung kikilatisin mo ang physical features nito!" Inis kong asik sa kanya.

Napailing naman si Tyler, habang si Calex hinihimas pa rin ang parte ng ulo nitong nasaktan.

"The outside appearance of a person can be deceiving Cal." Sabi ko sa kanya.

"Yeah! Even you deceived me. All the members of Sarttori are perfect to be called BEAUTIFUL MONSTERS!"

"ISA CALEX! Please focus naman!"

The Mavens [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt