Chapter 21

346 48 12
                                    

Chapter 21---The Threat

___________

Uriel/Steffany’s POV.

Nandito ako ngayon sa bahay at inaayosan ako ni Max. I’m wearing a simple but elegant black dress na ‘yung skirt ay powder pink na pinatungan ng black tulle.

‘‘All done. For sure Fritz will be drooling when he sees you..haha.’’ Si Max at pinaharap ako sa salamin.

I smile, light make up lang ang nilagay ni Max. Tapos she tied my hair into a clean pony tail. The simple it is, mas elegant daw tignan.

‘‘Here..’’ At inabot n’ya sa’kin ang isang pares ng black stilletos.

‘‘For me, you’ll always be the old Steffany I used to know. The girl that believes in fairytales, butterflies and—pink clouds of course and will always be my bestfriend. You’re so beautiful Steff.’’ Then she hug me from behind and rest her chin on my shoulder. Pareho na kami ngayong nakatingin sa salamin.

‘‘Ikaw rin Max, no matter what. You'll always be my bestfriend. Sana nandito rin si Elli.’’

‘‘Yeah, I’m happy for you. Calex is still with you after all the trouble he been through. You’re one lucky girl..haha.’’

*knock, knock, knock*

‘‘Ate, ayan na sundo mo.’’ Si Kiefer na nakasuot ng red long sleeves.

Red kasi ang theme ng christmas ball ng 1st year. Black naman sa 2nd year, kaya okay na itong suot ko. Basta may touch of black daw. White ang sa 3rd year at gold naman ang sa 4rth year. It will be all held sa RST-Sarttori hotel.

Doon ng JMU nilagay para nasa isang lugar lang lahat ng estudyante at maaccommodate lahat ng estudyante. Magkaiba nga lang ng hall na gaganapan ang mga year levels.

Kinuha ko na ang black clutch bag ko sa may kama at lumabas na ng kwarto, nakasunod naman si Max.

‘‘Wow, ang ganda-ganda naman ng anak ko.’’ Si Mama.

‘‘Halika nga dito anak.’’ Si Papa at inabot ang kamay sa’kin.

Tinanggap ko naman ito. Nang nasa baba na ako dahan-dahan n’ya akong pinaikot.

‘‘Tama nga ang Mama mo, mas gumanda ka pa ngayon.’’

‘‘Payakap nga anak.’’ Sabi ni Mama.

Niyakap ko naman s’ya. Kahit hindi ko sila tunay na mga magulang maswerte ako sa kanila. Na-miss ko tuloy si Mommy.

‘‘Sige na anak, hinihintay kana ng sundo mo sa may labas. Ayaw na pumasok eh. Ang kapatid mo nauna na, susunduin pa daw ang date n’ya.’’ Sabi ni Papa.

‘‘Okay po, Max dito kana muna maghapunan bago ka umalis. Sige po Ma, Pa, alis na ‘ko.’’ Paalam ko at lumabas na.

Nakita ko s’yang nakatayo sa tapat ng gate namin. He’s wearing a well ironed black suit. Nang malapit na ako, bigla s’yang humarap na nakangiti at inabot sa’kin ang bouquet ng red roses.

‘‘Thank’s Ethan.’’ At hinalikan ko s’ya sa pisngi.

‘‘Let’s go?’’ Tumango lang ako at tinanggap ang kamay n’ya tapos naglakad na kami patungo sa talyer.

It’s Ethan Dale Mertinez ang date ko sa christmas ball. Hindi kasi pwede sila Cloud at Yce, maging si Kuya. Inaasikaso nila 'yung sa insidenting naganap. May binalita kasi ang isa sa mga foreshadows na dapat kaming mag-ingat. Ang mga foreshadows ay mga taga pagbalita ng mahahalagang impormasyon sa amin.

The Mavens [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt