Chapter 2

586 83 16
                                    

Chapter 2- Present

__________

Uriel's POV.

University

Nandito ako ngayon sa lobby ng university at tinitignan ang schedule ko.

‘‘nine pa first subject ko..’’ Bulong ko sa sarili.

May thirty minutes pa ako kaya umupo na lang muna ako dito sa lobby. Marami rin namang estudyante na naka tambay dito, malamang naghihintay ng klase.

‘‘Urieeel..’’ Biglang may tumawag sa’kin.

Kahit hindi ko na tignan kilalang kilala ko ang boses na ‘yan. Isa lang naman ang kilala kong may-ari ng matinis na boses na ‘yan, si Isabella Santos. Dalawang taon ang tanda ko sa kanya. I’m turning 21 sa December. ‘Yan kahit 19 na at nasa third year College ang isip naiwan sa highschool, paminsan-minsan sa elementary.

‘‘Uy! Ikaw pala Issa.’’ Sabi ko ng nasa tapat ko na siya.

‘‘Anong uy, uy ka d’yan. Bruha ka! Kainis ka!’’

‘‘Ano na naman bang atraso ko?’’ Walang emosyong tanong ko.

‘‘Aba’t nagtatanong ka pa? I hate you!’’

‘‘Hindi ko nga alam. Ano ba? Sabihin mo na nga!’’ Inis kong sabi.

‘‘Ikaw pa may ganang mainis noh! Nawala ka lang naman ng isang taon. Tsaka na brain freeze na nga ako sa mga subjects ko, tapos ngayon ka lang nagpakita.’’ Mahabang lintaya n’ya.

‘‘Kung ganun ba’t ‘yan ang pinili mong kurso?’’ BS nursing kasi ang isang ‘yan ewan ko nga kung paano nakapasa.

‘‘Bakit ba, sa gusto ko eh. Tsaka hindi ka man lang nagparamdam?’’

‘‘Kasi nga sa bahay lang ako naka tambay. Alam muna, tinutulungan ko si Mama.’’

‘‘Kasi naman Uriel eh! I hate you pa rin!’’

‘‘Bahala ka!’’ Baliwalang sakot ko sa kanya.

‘‘Kita mo ‘to! Para kang ewan. Hay naku, nakita mo ba sa news at mga articles ang balita about sa Generation of Mavens?’’ Sabi n’ya na hindi ko na pinansin. Sakto kasi na pagtingin ko sa cellphone ko nakita ko ang oras.

‘‘Issa una na ako. Klase ko na kasi, kita na lang tayo sa lunch time.’’ sabi ko sabay tayo at lakad paalis.

‘‘Sige ha! Bye, ingat ka papuntang klase.’’ Sabi n’ya and I can sense the sarcasm in it.

Nakangiti akong naglalakad palayo sa kanya. Ewan ko ba kung panu ko natitiis ang isang ‘yun. Basta ang alam ko best friend ko si Issa.

Umakyat na ako sa building namin. Nasa LAB 301 ang klase ko at nasa 3rd floor. Pagpasok ko wala pa namang gaanong studyante. Pumwesto ako sa bakanting upuan sa dulo ng klase. Maya-maya nag datingan na ang mga studyante kasunod ang pagpasok ng prof. namin kaya umayos na kami.

‘‘Good Morning, class. I’m Mrs. Elena Perez-Juguan. I’m assigned to teach you HRM005, which is commercial cooking. Let’s proceed to introduction. Tell us your name, age, and why you took this course. Let’s start at the back on my right. Come here and introduce yourself.’’ Sabi ni Maam Juguan.

Pumunta naman sa harapan ang isang payat na lalaki na may eye glasses, siya kasi ang nakaupo sa right side na sinasabi ni Maam Juguan. Nasa left ko s’ya, bali tatlo silang nakaupo sa row n’ya. Apat naman na upuan sa gitnang row, na occupied din. Tapos tatlong upuan sa row ko, pero bakante pa ang dalawa.

‘‘I’m Robert Delos Santos, 18 years old. Nag hrm  po ako kasi gusto kung matutong magluto.’’

‘‘Hahaha...dapat lang matuto kang magluto, nang magkalaman ka naman!’’

‘‘Oo nga, para ka kasing napagutoman...haha..’’ Tawa at kantyaw ng mga kaklase ko.

‘‘Class enough! Now let’s proceed.’’ Si Maam.

‘‘Hi there! Im Fatima Reyes, 18 years of age. I took up hrm because I love eating. That’s why I want to learn how to cook.’’ Hyper na pakilala n'ya.

‘‘Hindi halata sa katawan moh! Nahiya naman kami. Hindi mo na kailangang matutong magluto, healthing-healthy kana.’’

‘‘Hahaha...fatty Fatima. Wow! Nag rhyme sa name mo. Hahaha.’’ Hagalpak na naman ng tawa ang klase.

‘‘Class! You’re no highschoolers to act like that. You’re now college students, so act like one. Proceed to the next student.'’ Utos n’ya.

Sunod-sunod na ang pakilala hanggang ako na ang susunod. Tumayo na ako at pumuntang unahan.

‘‘Uriel Dela Paz, 20.’’ Pakilala ko, tapos humarap sa guro.

Nakita n’ya sigurong hindi ko na dudugtungan pa kaya tinanguan n’ya nalang ako, kaya bumalik na ako ng upo. The introduction thing went well, hanggang sa mag bell.

‘‘Okay class, see you on wednesday. Have a good day. Class dismiss.’’ Paalam ni prof.

Pagkatapos ng knowing to know each other nag lecture lang ng kunti si Maam Juguan at kaboom! Tapos na ang klase.

Ito lang ang klase ko sa umaga pag lunes pero tatlong oras ang klase ko. Pag lunes kasi 9am pasok ko, pero pag W/F naman 7:30am. Lumabas na ako at nagtungo sa cafeteria.

__JMU cafeteria__

Pagpasok ko sa cafeteria, marami na rin ang mga estudyante, lunch na kasi. Iginala ko ang paningin ko sa kabuo-an ng cafeteria. Just in time na may tumawag sakin.

‘‘Uriel, dito..’’ at nakita ko s’yang nakatayo at may kasama pang kaway ng dalawang kamay. Tss..baliw! Alam n'yo na kung sino ‘yan.

‘‘Kanina ka pa?’’ Tanong ko pagkaupo ko sa silyang katapat nya.

‘‘Medyo..hehe, nauna na akong bumili ng foods kasi tom jones na talaga ako.’’ Sabi n'ya ng nakapout.

‘‘Tsk, tsk..kaya ka tumataba. Bawas-bawasan mo nga ang pagkain mo. Parang tatalsik na ang mga butones ng uniform mo sa sobrang fit.’’

‘‘Ikaw talaga uriel, ang bad mo sa’kin.’’ Naka pout niyang sabi.

‘‘Issa, alam mo na hindi ako nagsisinungaling. Try mo kasing bawasan ang kinakain mo minsan. Uso diet kaya try mo!’’

‘‘Parang ano naman ‘to. Sige bumili kana ng lunch mo, dali na.’’ Utos n’ya kaya tumayo na ako.

‘‘Sige, iwan ko muna gamit ko.’’ Bilin ko sa kanya. Sakto na pagpihit ko may bigla na lang yumakap ng mahigpit sa’kin.

‘‘I missed you, babe!’’ Bulong niya.

Pagtingala ko nakita ko s’ya. I smile and hug him back. The guy that’s embracing me right now...is my present.

The Mavens [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant