Chapter 22

336 49 14
                                    

Chapter 22--- SALIGIA

__________

HAPPY NEW YEAR GUYS!

**********

Uriel’s POV.

Papunta kami ngayon ni Kiefer sa JMU. May final practice pa sila ngayon before mag holiday break.

‘‘Ate, sino sa tingin mo ang nag tangka sa buhay ni Kuya Calex?’’ Biglang tanong ni Kiefer.

Naikwento ko na rin sa kanila ang nangyari kagabi.

‘‘Wala pa akong idea. The question is, who want him dead? Dahil kung pera ang gusto nila, they can abduct Calex and ask for ransom...hindi papatayin!’’ Seryosong sabi ko.

‘‘Oo nga eh! Mas babantayan ko s’yang mabuti ngayon. Mamaya na pala kayo aalis Ate?’’

Mamaya kami aalis papuntang California para dalawin si Mommy at holiday vacation din.

‘‘Bakit? Gusto mong sumama noh! Sorry ka, wala kasing kasama sila Mama..haha.’’ Asar ko sa kanya.

‘‘Basta sa susunod, sasama mo na ako huh?’’

‘‘Oo na, tsaka sa main house naman kayo this vacation, para may kasama doon sina Cloud.’’ Tumango lang s’ya sa’kin.

Dumating na rin kami sa JMU, sumama lang ako dito para ma-remind ko si Calex about sa pag-alis namin at mabantayan.

‘‘Una na ako sa gym.’’ At iniwanan ko na s’ya sa parking lot.

May mangilan-ngilan na mga estudyanting nandirito, mostly babae. Ano pa bang aasahan mo, syempre gusto nilang makita mga crush nila before magbakasyon.

Hindi ko makita si Calex dito, kaya sigurado ako nasa locker room s’ya. Naglakad ako papunta sa locker nila at nasa labas palang ako naririnig ko na ang malulutong niyang mura. Napa kunot ang noo ko, ano na naman kaya ang problema nito?

Nakita ko siyang pinagsisipa ang locker n’ya, kaya pumasok na ako sa loob.

‘‘Uriel, ganda natin kagabi ah!’’ Si Marky, ka teammate n’ya ang unang bumati pagpasok ko.

‘‘Oo nga, hindi ka man lang namin nalapitan kagabi at nakapag picture tayo. Para may remembrance, babaeng-babae ka kagabi eh!’’ It’s Ervic, tapos sumipol pa.

‘‘SHUT UP!’’ Biglang sigaw ni Calex.

‘‘Chill dude, chill. Ang init ng ulo mo eh!’’ Si Keith na napapa-iling lang.

‘‘Ano ba nanyari?’’ Tanong ko, kasi ngayon niyuyugyog na ni Calex ang locker n’ya.

‘‘This fvcking locker won’t open!’’ Gigil na sabi ni Calex.

‘‘Baka mali lang ang lock code mo, hindi mo lang matandaan.’’ Sabat ni Keith.

‘‘NO! I’m sure and I remember it correctly...damn!’’ Inis na inis na talaga ito sa locker.

Kinuha ko ang maliit na upuan sa may gilid ko at nilagay sa tapat ng locker ni Calex.

‘‘What’s that?’’ Kunot noong tanong n’ya.

Hindi ko s’ya pinansin at tinabig pa alis sa tapat ng locker. Ang padlock nila dito rotary, ‘yung bilog at pinapaikot tapos tinatapat sa code mo, parang ganun. Pumatong ako sa maliit na upuan, hindi kasi nakalapat sa tenga ko pag hindi ako pumatong dito. Nilagay ko ang kanang tenga ko malapit sa padlock. Sinimulan ko ng paikotin ang knob sa gitna. Maya-maya may narinig akong click, tapos tiningnan ko ang number.

The Mavens [COMPLETED]Where stories live. Discover now