The Se7en Sin ''ACEDIA''

145 12 3
                                    

This story is "UNEDITED". So guys, expect it please that this story may have flaws, misspellings, grammatical errors and erratums. Just please, do understand about it.:)

****************

The se7en sin ‘‘ACEDIA’’

__________

KINNETH ROY ORTUSO

‘‘Hoy kinneth, gumising kana d’yan!’’ Sabay buhos ng malamig na tubig sa akin.

Bumangon ako na hindi kumikibo sa ginawa ng tiyahin ko.

‘‘Bilisan mo na d’yan at mali-late kana! Ang tamad mo talaga!’’ At lumabas na sa kwarto ko.

Namatay ang mga magulang ko tatlong taon na ang nakalipas. Namatay sila sa isang aksidente kaya naiwan ako sa pangangalaga ng tiyahin ko. Amin ang bahay na ito, pero dahil wala pa ako sa legal na edad kailangan ko ng guardian. Pero imbis na guardian ang meron ako, mapang-aping mga tao ang natanggap ko. Sila ang humahawak sa kunting negosyo na pinundar ng mga magulang ko.

Naligo na ako at nagbihis, pagkatapos ay nagtungo na ako sa kusina para kumain. Naabutan ko silang kumakain na, kaya tahimik akong umupo at nagsimulang kumain.

‘‘Kinneth, sa pampublikong paaralan ka mag-aaral ng kolehiyo. Hindi maganda ang takbo ng negosyo ngayon.’’ Biglang pahayag ni Untie Betty.

‘‘Po? Pero plano na nila Dad dati na sa JMU ako mag-aaral---’’

‘‘Dati ‘yun, pero hindi na ngayon! Iniwan ng mga magulang mo ang papalubog n’yo ng negosyo! Hindi kana gaya ng dati na sunod sa layaw mo. Kaya sundin mo ang sinasabi ko, sa public college ka papasok!’’

‘‘Pero, ‘yun po ang gusto nila at gusto ko lang tuparin.’’

‘‘Wala ng pero-pero! Matuto ka, palibhasa spoiled ka ng mga magulang mo. Kain, tulog, lakwatsa lang ang alam mo. Kaya lumalaki kang tamad!’’

Hindi nalang ako sumagot, wala rin naman akong magagawa kahit anong pilit ko. Gusto kasi ni Daddy na sa JMU ako, kasi alumni sila pareho ni Mommy ng JMU. Pero mukhang hindi ko na masusunod ang gusto nilang mangyari.

__________

‘‘Kinneth, ano ng gagawin mo? Malapit na ang pasukan.’’ Tanong ni Sofia kababata ko at isang taon ng girlfriend.

‘‘Hindi ko alam, bahala na!’’

‘‘I can ask Dad to help you. Maybe matutulungan ka n’ya.’’

‘‘H’wag na, kaya ko na ‘to. Tara na, hatid na kita.’’

‘‘Okay..’’

__________

Pumasok akong working student sa JMU. Half tuition lang pero okay na. Lumapit ako sa ninong kong abogado at kweninto ang pinaggagawa ni Untie Betty. Napag-alaman namin na maraming utang ang asawa nito dahil panay sugal lang ang ginagawa nito. Nalugi ang negosyo namin pero may mga pera pa naman ako. Kaya lang, makukuha ko lang ito pag nasa tamang edad na ako.

*Ting..*

Kinuha ko ang box ng pizza at inabot sa customer ang box.

‘‘Thank you, Maam!’’

Nagtatrabaho ako sa isang 24 hours pizza house. Hanggang alas singko ng madaling araw ang duty ko. Pagkatapos ay dumideritso na ako sa JMU para sa trabaho ko.

‘‘Sige, una na ako.’’ Paalam ko sa mga kasamahan ko.

__________

‘‘Kinneth, magsisimula kana ba?’’ Tanong ng guard na naka duty sa JMU.

The Mavens [COMPLETED]Where stories live. Discover now