The se7en sin ''GULA''

107 13 1
                                    


The se7en sin ''GULA''

___________

FATIMA REYES

''Uriel, sigurado ka ba sa gagawin natin? Natatakot kasi ako.'' Nag-aalalang tanong ko kay Uriel, nandito kami ngayon sa dulong bahagi ng cafeteria.

''Oo, naman. H'wag kang mag-alala, ako na ang bahala. Basta magtiwala ka lang.'' Tumango lang ako sa kanya.

Parang wala lang sa kanya at hindi mo ito makikitaan ng takot. Mukhang nag e-enjoy pa nga ito. Aalis daw kasi kami mga 2 days from now at siya na ang bahala sa lahat. Kinuha ko naman ang cellphone ko at inabot sa kanya, sa ilalim ng lamesa. Ngumiti lang ito at tumayo na.

''So, tara na. Mala-late na tayo sa next nating klase.'' Paanyaya nito, kaya tumayo na ako at sumunod sa kanya.

______

Nang sumunod na araw ay may dumating na mga boxes sa bahay. Ito na siguro ang sinasabi ni Uriel na paglalagyan ng mga gamit namin, pero ang apat na malalaking boxes bukas na daw nila dadalhin.

Busy kami sa pag-iimpaki ng mga gamit namin ng may mag doorbell.

''Ako na po..'' At tumayo na ako tapos ay tinungo ang gate namin.

''Sige, subukan mong sumigaw at pasasabugin ko ang ulo mo!'' Kaya hindi ko na nagawang sumigaw.

Hinatak n'ya naman ako papuntang itim na sasakyan malapit sa may kanto. Medyo madilim na at hindi na masyadong ma-tao, kaya walang makakapansin sa amin.

''Hi there, Fatima.'' Maarting sabi n'ya at pinag-cross ang mga hita nito.

''S-Sino ka?'' Hindi ko kasi maaninag ang mukha nito.

''Me? That's not important. Ang gusto ko lang, gawin mo ang gusto kong mangyari at pababayaan ko na kayo ng pamilya mo.'' Naka ngising pahayag nito.

''I-Ikaw 'yun?'' Nanginginig kong tanong.

''Yes my dear, kaya kung ako sa'yo. Do as I said and I will spare you from death. Do you understand? I'm always watching, kaya mag-iingat ka sa mga ginagawa mo. Makitaan lang kita ng maling ginagawa you and your family will die!'' Nakakatakot nitong pagbabanta.

''And one more thing. Don't play another game within my game. You don't like it when I'm mad! So, play nice my dear.'' At sininyasan nito ang isa n'yang taohan na agad naman itong sinunod at pinalabas na ako.

Nanginginig naman akong pumasok sa bahay.

''N'yari sa'yo? Sino 'yun?'' Takang tanong ni Kuya.

''A-Ah... wala. Mga makukulit na bata at pinagdiskitahan na naman ang doorbell natin. Sige pasok lang ako sa kwarto at tatapusin ko pa ang ini-impake ko.'' At umalis na ako.

Paano pagnalaman nitong plano naming umalis? Pati si Uriel mapapahamak at hindi lang 'yun pwede n'ya kaming patayin. Natatakot ako, ayoko ko pang mamatay. Pero sabi ni Uriel magtiwala daw ako sa kanya. Kaibigan ko s'ya at ako ang humingi sa kanya ng tulong at tinulungan niya ako ng walang hinihinging kapalit, kaya magtitiwala ako sa kanya.

__________

Ito na ang araw na hinihintay namin, mamaya na kami aalis. kakatapos lang naming mananghalian ng may nag doorbell.

''Ito na po ang mga kahon.'' Sabi ng isang lalaking nakayuko at may suot na sombrero.

Sila rin 'yung kahapon, kaya pinapasok na namin. Nang nasa loob na ang lahat ng kahon at nasiguradong sarado ang pinto ay biglang pinukpok ng dalawang lalaki ang mga kahon.

''O-M-G ang bango mo pa rin Papa Blaze kahit na pawisan kana sa loob ng kahon. I can stay inside that box forever, basta ikaw ang kasama ko.'' Nagulat ako ng biglang may lumabas na tao at nagsalita ito ng maarte at akmang yayakapin ang kasama nitong lalaki sa kahon, pero tinulak n'ya ang...bakla? Ang gwapo n'ya kasi para maging bakla.

''Fvck get away from me Gimli! Kanina pa ako nagtitimpi sa'yo at baka mapatay kita. Bakit ka ba kasi sa'kin nagsumiksik?!'' Naiiritang sabi ng gwapong lalaki at lumabas na sa loob ng kahon.

''Ikaw naman Papa Blaze---'' Pero pinutol ng isang babae na nagmula rin sa kahon ang bakla.

''Tatahimik ka o ipapalunok ko sa'yo 'tong sapatos ko ng buo?!''

''Oo, na. Ingit ka lang! Tss..''

''Pasenya na po kayo sa kanila.'' Hinging paumanhin ng isa pang gwapong lalaki.

May isang babae pa na lumabas sa isa pang kahon. Bakit ang gaganda at gwagwapo nila? Ganito ba lahat ng kakilala ni Uriel?

''Paano magsimula na tayo.'' Utos ng lalaking tinawag ng baklang Blaze.

Kailangan nila ng pagbibihisan daw, kaya ipinagamit ko ang kwarto ko sa kanila.

''Sigurado ka ba sa gagawin nating ito anak?'' Tanong ni Popsi.

''Opo, may tiwala ako kay Uriel. Hindi n'ya tayo pababayaan.'' Sagot ko sa kanya, kasi alam ko na natatakot rin ito. Lahat naman kasi kami ay may natanggap na pagbabanta.

Maya-maya lang ay lumabas na silang lahat mula sa kwarto. Lahat kami ng pamilya ko ay napatunganga at nakabukas pa ang mga bibig sa nakikita namin.

''This is your version 2.0..'' Pumapalakpak na pahayag ng gwapong bakla.

Parang nakasalamin lang kami dahil ang mga nasa harap namin ngayon ay kamukhang-kamukha namin Kahit na ang pangangatawan ay kuhang-kuha at hindi mo sila makikitaan ng mali.

''So, kailangan na nating kumilos. Kayo na naman ngayon ang pumasok sa mga box na ito.'' Pahayag ng kamukha ni Popsi at sa pagkakatanda ko ng boses nito ay si Blaze.

Tumango nalang kami sa mga sinabi nila at pumasok na.

''Ako ng bahala dito.'' Narinig ko pang sinabi ng bakla bago isarado ang kahon kung nasaan ako.

''Oh, sh!t. Ang bigat naman nito.'' Reklamo ng isang lalaki na tingin ko ay isa sa mga movers, bago ko maramdamang umaangat na ang kahon ko.

Ganun ba talaga ako kabigat? Nako naman, sobrang nakakahiya.

''Just shut your mouth and do your job!'' Asik ng isang kasamahan nito.

Maya-maya ay narinig ko na ang pagsara ng pinto ng truck. Mamaya pagnaramdaman na naming gumalaw ang truck ay pwede na kaming lumabas.

_______

Tahimik lang kaming naka-upo sa loob ng truck ng maramdaman naming huminto na ito ng takbo. Tapos may narinig kaming nagbubukas nito, kaya tumayo na kami mula sa pagkaka-upo. Sobrang init nga dito sa loob ng truck, pero kailangan naming tiisin.

''Ayos lang ba kayo?'' Tanong ng lalaki ng buksan nito ang pinto ng truck

''Ayos, lang.'' Sagot ko at bumaba na.

Sa 'di kalayuan ay nakita ko Uriel na naglalakad kaya patakbo ko itong nilapitan at niyakap. Sobrang nagpapasalamat kami sa tulong na ginawa nito sa amin. Hinihiling ko lang na sana ay malayo s'ya sa kapahamakan dahil sa pagtulong sa amin. Kahit sila Popsi ay sobrang nagpasalamat sa kanya.

Nandito na kami sa loob ng eroplanong maghahatid sa amin patungong Saipan. Ito na ang bagong simula namin at salamat kay Uriel. Ngayon nakatakas na ako sa larong nasalihan ko o isinali ako. Tsaka okay lang naman mangdaya minsan diba, lalo na at mandaraya rin ang kalaro mo.

*********

The Mavens [COMPLETED]Where stories live. Discover now