Chapter 16

450 65 22
                                    

Chapter 16---When Jelousy strikes

________

Uriel's POV.

One week na ang nakalipas mula ng nagpunta kami sa villa nila Calex. Everything is falling into it’s proper places, just the way I want it to be, sana mag tuloy-tuloy na ito.

Hoy, Uriel malapit na ang University meet.”Si Issa.

Nandito kami nakaupo sa likod ng university. Pareho naming vacant at malapit na rin mag lunch.

''Eh, ano ngayon? Paki ko?'' Nakasimangot na sagot ko sa kanya.

''Duh! Maglalaro kaya ang boyfriend mo at tsaka kapatid mo!''

''Edi maglaro sila. Ano namang magagawa ko?'' Bagot na sabi ko.

''Ewan ko sayo! Alam mo, nawala ka lang ng dalawang linggo lumala ang pag uugali mo.'' At nag cross arms s'ya.

''Baliw ka lang, mabuti pa pumunta na tayong cafeteria, baka nandun na sila Calex. Kukunin ko kasi kay Kiefer ang phone ko, naiwan ko kasi kanina sa kotse n'ya.'' Paanyaya ko sa kanya.

''Isa pa ‘yang kapatid mo, umaasenso na ngayon ah! Bakit ikaw walang sasakyan, ang tanta mo na naman?''

''Anong sabi mo?! Parang nabingi kasi ako eh.'' At sinamaan siya ng tingin.

''A-ah, sabi ko...ano. Ayun, tama! Ang sabi ko eh, mas matanda ka kay Kiefer kaya bakit hindi ikaw ang binilhan.'' Halata namang nagdadahilan lang ang baliw.

''Tss...deserved n'ya ‘yun. Matataas naman kasi grades n'ya at tsaka nand’yan naman si Calex at ngayon si Kiefer na pwede kung masabayan.'' Pahayag ko sa kanya tsaka tumayo na.

''Dali nah!'' At tumayo na rin s'ya.

Papunta na kami ngayon sa cafeteria ng may humarang sa aming lalaki. Naka navy blue polo shirt s'ya at acid wash jeans at naka white shoes. Hindi ko makita ang mukha n'ya kasi natatakpan ng cap n'ya, tsaka nakayuko s'ya.

''Ummm...excuse us! Baka pwede ka rin tumabi pag may time ka. Kasi kami, inaaksaya mo time namin!'' Naka taas ang kilay na sabi ni Issa sa lalaki.

''Oh, I like that. Feisty, just the way I wanted a girl to be.'' tinangal niya ang cap n'ya at kinindatan si Issa.

Bwiset! Pinagtagpo ang dalawang baliw...sabagay. Birds of the same feathers, freak together. Pinitik ko nga ang mata.

''Arrgh...that hurts! Gusto mo ba akong bulagin huh, Steff?'' Inis na wika n'ya at hawak ang kanang mata.

''What are you doing here Cloud?'' Balik tanong ko sa kanya.

''Checking you. Tsaka gusto kung makita nobyo mo, sabi kasi ni Blake mas gwapo pa daw s'ya. Ang pangit-pangit kaya n'ya at mas gwapo pa nga ako sa baboy na ‘yun eh!''

The Mavens [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon