Chapter 40

142 16 1
                                    

Chapter 40---The payment

__________

Steffany/Uriel's POV.

Isang linggo na matapos kong tulungan si Fatima. Isang linggo ng binabaliwala namin ni Calex ang isa't isa. April na at magsu-summer vacation na. Tatlong taon na din ang lumipas mula sa araw na nakilala ko si Calex. Tsaka ngayong linggong ito ay birthday ng taong pinangakuan ko. Kaya lang, ang hirap tuparin ng pangako kong 'yun. Lalo na't napakalaking parte ng pagkatao ko ang kapalit.

Hinihintay ko ang order ko sa paborito kong cafe malapit sa JMU. Maaga pa naman, tsaka hinihintay ko ang iba dahil may pupuntahan kaming espesyal na mga tao ngayong araw. Nakakalungkot lang at hindi ko kasama si Calex.

''Here's your order, Maam.'' At nilapag ng waiter ang usual kong ino-order dito na cafe at sinamahan ko ng french toast.

''Enjoy..'' Nakangiting paalam ng waiter at iniwan na akong mag-isa dito sa labas ng cafe.

Mas gusto ko kasi dito kaysa sa loob, tsaka dito kami palaging pumupwesto ni Calex pag magkasama kami. Napa-kunot na naman ang noo ko dahil may kalakip na namang dilaw na papel na nasa gilid ng tasa ko. Kinuha ko naman ito at binuklat ang pagkakatupi.

Goodmorning!

Always wear a smile on your beautiful face. Sometimes you need to fake a smile even though your sad. It's one way to tell the world, I'TS OKAY, I CAN DO IT! =)

Mas lalong napasalubong ang mga kilay ko sa nabasa ko pero napangiti rin naman ako pagkatapos. Pinabayaan ko na lang dahil sa susunod malalaman ko rin kung sino ang nagbibigay nito.

''Hey, what's that? What's with the smile?'' It's Louise tapos ay umupo ito at kasunod naman nitong dumating si Kiefer.

''Nothing, I'm just faking a smile even though I'm sad because it's my one way to tell the world, it's fvck'n okay and I can do it.'' Nakangiting sabi ko sa kanila na ginaya ko sa nakasulat, dahilan para sila naman ang mapa-kunot ang noo ngayon.

''Ate, you're acting weird..'' Nakangiwing sabi ni Kiefer.

''Pabayaan mo na. Palibhasa, heartbroken.'' Naiiling na sabi ni Louise.

''Ganun? Eh, ikaw? Palibhasa walang lovelife. I pity you Louise, tatanda kang binata pagnagkataon.'' Kantyaw ko sa kanya, pero napatahimik rin ako sa sinabi nito.

''Hindi ako tatandang binata, lalo na pagsinamahan mo ako. Can we grow old together?'' Seryosong pahayag nito habang deritsong nakatingin sa mga mata ko.

''Hahahaha... I never though that you're good on throwing jokes, Louise.'' Natatawang sabi ko, sabay pa nga kaming natawa ni Kiefer dahil sa sinabi nito.

''I'm not joking!'' At sabay rin kaming napahinto sa pagtawa ni Kiefer.

''Now I got you, one point for me. Sa susunod h'wag mo 'kong kantyawan kung ayaw mong magantihan kita. Pfft..'' At s'ya naman ang natatawa ngayon.

''Ewan ko sa'yo!'' Inirapan ko muna s'ya bago ako sumubo ng french toast ko.

''Ayan kasi kung makapaglait ka sa akin na walang lovelife akala mo meron ka. Wala ka rin naman ngay---Ummp..'' Dami pa kasing sinasabi, kaya sinaksakan ko ng french toast ang bibig nito.

''You two look good---''

''Oh, shut up Kiefer!'' Sabay naming asik ni Louise kaya nagkatinginan kami at sabay rin na inirapan ang isa't isa, pero napatawa rin naman kaming tatlo. Alam ko naman na pinapasaya lang nila ako dahil alam naman nila ang nangyari sa amin ni Calex.

The Mavens [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora