Chaper 31: Superbia

430 32 7
                                    

This story is "UNEDITED". So guys, expect it please that this story may have flaws, misspellings, grammatical errors and erratums. Just please, do understand about it.:)

****************

Chapter 31---Superbia

__________

Steffany/Uriel's POV.

''Sige Ate, una na kami. Ingat kayo ni Kuya Calex.'' Ngumiti lang ako kay Kiefer.

Nakita kong seryoso akong tinitignan ni Louise na mukhang pinag-aaralan ako. Pero ngumiti lang ako sa kanya at naglakad na paalis ng parking lot. Pagkatapos kasi ng laro ay nagsiuwian na sila, naiwan lang kami ni Calex dahil nag-aya pa itong magdinner kami.

Nasa gym pa ito at nagbibihis, nagpahuli kasi ito kanina kasi kinausap pa s'ya after announcing the winner. Palapit na ako sa gym pero napatago ako sa likod ng puno...s’ya na naman?

Marahan akong umakyat ng puno at umupo sa sanga na hindi ako nakikita. Nakinig lang ako sa pinag-uusapan ni Calex at ng Blythe na ‘yun. I know eavesdropping is bad but I can’t help it.

Hindi ko nagugustohan ang naririnig ko pero pinilit kong makinig. Sinandal ko nalang ang likod ko sa puno at pumikit. Abnormal nga siguro ako, kasi kong ordinaryong babae ako ay umalis na ako sa lugar na ito o ‘di kaya ay umiiyak na. This is stupid---stupid me!

''Babalik na ako doon, because someone is waiting for me there. Sana maniwala ka, tsaka patawad...hindi ko gustong guluhin kayo. Wala lang akong choice.''

Napamulat ako at napatingin sa direksyon nila pero papaalis na si Blythe. Si Calex naman ayon pinagsusuntok ang pader dahil sa frustration nya. Sa ginagawa ni Calex, mas nasasaktan akong makita s’yang ganyan. Bakit nagiging kumplekado ang lahat?

Dapat hindi ko muna isipin ‘yun, baka masira lang ang mga plano ko. Tsaka hindi pa ako sigurado kung tungkol sa ano ang pinag-usapan nila. Nakita kong kinuha n’ya ang cellphone n’ya at tinapat sa tenga.

''Hello babe?''

''Babe? Where are you?''

''Hey babe? Hello..''

''Babe, what's happe---oh shit!'' At inis na tinitigan ang cellphone.

Napangiti ako, just as I expected.

Maya-maya umilaw ang cellphone nito kaya tinignan n’ya, kahit gabi na at medyo madilim kita ko pa rin ang pagkunot ng noo nito. Kumuha siya ng panyo at itinali sa nasugat nitong kamay dahil sa pagsuntok nito sa pader. Pagkatapos ay naglakad na ito paalis.

Nanatili lang akong nakakubli sa dilim habang sinusundan si Calex. Sumakay na ito sa kotse n’ya at umalis. Napangiti ako ng mapait pero napalitan din ng isang ngisi. It worked according to what I expected.

''Need a ride?'' Napa-dungaw ako sa taong nakaupo sa driver’s seat ng BMW i8 na huminto sa harapan ko.

''What are you still doing here Louise? Pero dahil nagtanong ka...yes, I need a ride.'' Ngumiti lang ito sa’kin, kaya pumasok na ako at umupo sa shotgun seat nito.

''Para sagutin ang tanong mo kung bakit naririto pa ako, just to remind you I am a foreshadow. I have my own ways to know the things that’s happening around me, especially to the family that I offered my service.'' Seryoso nitong sabi at binuhay na ang makina ng sasakyan nito.

''So, where are we heading first?''

''I’m going to get my bike, alam mo naman siguro kung saan ko tinago. Tsaka may susunduin pa tayo.'' Tumango lang ito at pinaandar na ang sasakyan.

The Mavens [COMPLETED]Where stories live. Discover now