The Se7en Sin "IRA"

11 1 0
                                    

Chapter 48--- The Se7en Sin “IRA”

THIRD PERSON’S POV.

“Maam, naayos na po ang namin ang pinabili n’yong bodega.” Pagbibigay alam ng isang tauhan nito sa kanya.

“That’s good! Mag handa ka aalis tayo at gusto kong makita ng personal ang lugar na ‘yun. Ang lugar kung saan ko tatapusin ang lahat ng sinimulan ko!” Sabi nito na puno ng galit at mabilis naman na umalis ang tauhan nito.

“The moment you came back Fritz tatapusin na kita. Madamay na ang pwedeng madamay, you’re just lucky pero puputulin ko na ang swerte mo sa araw na pinatay kita!” bulong nito at nakakakot na tumawa.

-----------
“Let’s go!” sabi nito sa driver n’ya ng makapasok na ito sa loob ng sasakyan.

Nasa kalagitnaan sila ng byahe ng makaramdam ito ng sobrang antok na hindi n’ya mapigilang ipikit ang mga mata nito. Iniisip n’ya na siguro dahil hindi ito gaanong nakatulog kagabi. Napalingon ito sa likuran nila at nakitang nakasunod naman ang mga tauhan nito sa kanila sa hindi kalayuan. Binalingan nito ng tingin ang driver n’ya at seryoso lang itong nakatutok sa daan. Maya-maya hindi na talaga nito mapigilang pumikit hanggang lamumin na ito ng dilim.

Nagmulat ito at nakitang nakahinto na ang sasakyan nila sa tapat ng malaking bodega. Lumingon ito at hindi nito makita ang mga tauhan nito pati ang driver n’ya kaya inis itong lumabas ng sasakyan. Nasa liblib silang lugar bakas na din ng mga nagtataasang mga puno at damo na animoy walang pumupunta dito. Hindi n’ya talaga makita ang mga hinahanap kaya nag desisyon itong pumasok sa loob at baka nandun na ang mga ito. Kinapa n’ya ang dalang baril bago pumihit paharap sa bodega.

Madilim ang loob ng bodega ng pumasok ito. Kinapa niya ang bulsa para sana sa cellphone nito na magagamit n’yang flashlight, pero mukhang naiwan nito sa sasakyan.  Naglakad pa ito papasok para maghanap sana ng switch ng ilaw ng may narinig itong kalabog at biglang pagsara ng pinto.

“Sh!t! Where the fvck are you?” sigaw nito na umalingaw-ngaw lang sa loob at hinugot ang baril na hawak.

“Stop playing around and show yourself! Hindi na nakakatuwa ito, I’m gonna kill you all after this!” malakas na sigaw nito at nagpaputok ng baril.

Napalingon ito ng may nag click na switch sa likuran nito kaya napatutok dun ang baril nito. Napapamura ito sa isipan ng makitang may taong naka tayo sa ilalim ng dim ng ilam. Nakasuot ito ng pulang cloak at nakayuko ito kaya hindi n’ya maaninag ang mukha nito.

“Who are you?” tanong niya habang nakatutok ang baril dito pero hindi naman s’ya sinasagot.

“I said, who are you?! I’m not up with your silly game, so who are you?” ulit nitong sigaw.

Hindi pa rin ito sumasagot o kahit mag angat man lang ng ulo ay hindi nito ginawa. Maya-maya pa ay sunod-sunod na nagbukasan ang mga malalabong ilaw sa bawat gilid ng bodega kasama ang mga misteryosong tao sa ilalim nito. Nag panic ito at naglakad sa gitna ng bodega. Palipat-lipat na tinututok ang baril sa mga tao na nandun. Gulat ito ng makita ang malaking truck sa gitna. Hindi na maganda ang pakiramdam n’ya sa nangyayari lalo na at nakita nito ang truck na pinapatago n'ya sa malayong probinsya.

“Anong kailangan n’yo? Take off your cloaks ang face me!” malakas na sigaw nito na nagpapanic.

Unti-unti namang umangat ang ulo ng mga ito pero natatabunan pa rin ang kalahati ng mukha ng cloak ng mga ito. Umangat ang mga kamay nila at isa-isang tinanggal ang mga taklob nito paalis sa ulo nila. Nanlalaki ang mata n’ya na nagpaikot-ikot ng tingin sa mga taong nakapalibot sa kanya.

“H-How? You’re dead!” at tinutok ang baril sa taong inaakala nitong patay na.

“You too! You're suppose to be dead at paanong bumalik ang dati mong mukha?” naguguluhang tanong naman nito sa isa pa at nagsisisigaw na parang nababaliw.

The Mavens [COMPLETED]Where stories live. Discover now