Chapter 39

115 14 5
                                    

This story is "UNEDITED". So guys, expect it please that this story may have flaws, misspellings, grammatical errors and erratums. Just please, do understand about it.:)

****************

Chapter 39--- Gluttony

__________

Steffany/Uriel's POV.

Naglalakad ako papuntang cafeteria para kumain. Hindi ko na kasi nagawang mag almusal sa bahay dahil may practical exam ako sa housekeeping at kakatapos lang. Malapit na 'ko ng makita ko si Calex na mukhang papunta din ng cafeteria. inunahan ko ito sa paglalakad at huminto sa harap n'ya, kaya napahinto rin ito.

''Hey, goodmorning.'' Bati ko na nakangiti. ''Sa cafeteria ka rin diba. Sabay na tayo, gutom na kasi ako---'' Pero pinutol nito ang sinasabi ko.

''What's good in the morning? I would rather grab my breakfast alone than to be with you and lose my appetite!'' Magkasalubong ang kilay na sabi n'ya at nilagpasan na ako, muntikan pa nga akong natumba dahil natamaan n'ya ako sa balikat.

''C-Calex..'' Pero hindi n'ya na ako pinansin.

Napabuntong hininga nalang ako sa pagtratong ginawa ni Calex. Talagang galit ito sa akin. Maglalakad na sana ulit ako ng may bumunggo na naman sa akin, kaya nahulog ang mga bitbit kong libro.

''Oh, look at you. You're so cute and pathetic... hahaha..'' Hindi ko kilala ang mga ito, kaya isinawalang bahala ko na sana at pupulutin na ang mga libro ko.

''Nakakaawa ka. Ayaw na sa'yo ni Fritz pero pinipilit mo pa rin ang sarili mo sa kanya. Bakit, wala ka nabang pang-gastos? Sabagay, a gold digger will always be a gold digger!'' At pinag-sisipa nila ang mga libro ko palayo.

''Tara na girls! I don't want to waste my precious time sa mga taong hindi natin ka level.'' Then she flip her hair at umalis na, kasunod nito ang mga alalay n'ya.

Hai, mabuti nalang at marami akong baon na pasensya at nag-uumapaw pa. Dahil kong hindi, baka nangudgod ko na ang mga mukha ng mga babaeng 'yun sa sahig. Pinulot ko na ng tuluyan ang mga libro ko at pumasok ng cafeteria.

''Tabi..'' Nasa pila na ako at bibili ng sandwich ng may tumabig na naman sa akin.

Sinamaan ko ito ng tingin pero parang baliwala lang sa kanya. Kaya pinagpasensyahan ko na ulit. Nang makabili na ako ay naghanap ako ng mauupuan, sakto naman at nakita ko si Calex na mag-isa lang.

Malapit na ako sa kanya ng may pumatid sa akin, pero mabilis ko itong naiwasan. Napatingin ako sa babaeng pumatid sana sa akin na ngayon ay gulat, dahil sa ginawa ko.

''Try harder next time..'' Sabi ko dito na ngayon ay nanlilisik ang mga mata na nakatingin sa'kin.

Naglakad na ako papunta sa lamesa ni Calex pero kung marami ba namang galit sa akin ngayon, may pumatid na naman sa akin. Kaya ito ako iniwasan ko na naman. Pero dahil minamalas din ako ngayon dahil naka suot ako ng heels at tight skirt, medyo naalangan ako. Hindi ko inex-pect na may magtutulak sa akin, kaya napasalampak ako sa sahig kasama ng pinamili ko.

''NO, you try harder! Buti nga sa'yo!'' At tinapunan ako ng juice sa ulo.

Sumusobra na sila, tatayo na sana ako pero nahagip ng mata ko si Calex na nakatingin sa akin. Bigla nalang nawala ang lakas ng loob ko dahil sa pagtitig ni Calex sa akin. Parang wala lang sa kanyang iniwas ang tingin sa akin at nagpatuloy na kumain.

Nasasaktan ako, masakit..

''Ha..'' Napasinghap ako ng may bumuhos sa akin na malamig at malagkit...shake.

The Mavens [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon