Bonus Chapter

37K 1.1K 609
                                    

Chelsea Watson-Yuzon

"Yuzon, Charlotte Jane Watson" anunsiyo ng emcee at humakbang kami ni Jane at Bridgette sa entablado.

Inabot saamin ng kaniyang adviser ang mga medalyang isasabut namin sa bata. Hindi na ako nagulat nang binigyan kaming tig limang medalya ng guro at sunod namin itong ipinasuot kay Jane.

"You always made us proud baby" wika ni Bridgette habang hinalikan ang aming anak sa noo habang ako naman ay niyakap nalang ito dahil naiiyak ako.

"Mommy stop crying na" yakap saakin ni Jane nang makababa na kami sa entablado matapos ang picture taking kasama ang kaniyang diploma at mga medalya.

Ang anak naming si Jane ang valedictorian ng kaniyang batch at ang Presidente ng kanilang Student Council. Hindi na ako magtataka dahil namana niya ang ugali at hilig ng kaniyang Mommy Bridgette pagdating sa pamumuno ng isang komunidad. Sobrang proud namin sakanya dahil ni minsan ay hindi ito nagbigay ng problema saamin, at ni minsan ay wala kaming narinig na masasamang salita tungkol sakanya tuwing dumadalaw kami sa kaniyang eskwelahan.

"I can't make it stop" tuloy tuloy na pagbagsak ng mga luha ko kahit na nakangiti ako.

"Sign of menopause na yata" tukso saakin ni Bridgette dahilan para mapatingin ako rito. "Joke hehe" agad namang bawi nito.

Malayo pa ako sa singkwenta. Duh.

Ngayong araw ay opisyal nang natapos ni Jane ang Highschool. Sa susunod na ilang buwan ay tatapak na ito sa kolehiyo. Bago pa ito gumraduate ay nakatanggap na kami ng mga magagandang balita galing sa mga pribilehiyong unibersidad na ina-applyan nito. Sa sampung unibersidad na kinuhanan niya ng exam ay sampu din ang ipinasa niya. Kaya hindi maipinta ang mga mukha namin noong nalaman namin 'yon at ang tanging pinoproblema niya noon ay kung anong eskwelahan ang kaniyang pipiliin. Sa taas ng marka nito sa exams ay lahat sila inalukan siya ng scholarship. At ang napili nito ay ang Harvard University sa Cambridge.

Iniisip ko palang na bubukod na ito saamin ay lalo akong naluluha. Ang laki na ng anak namin ni Bridgette. 18 years old.

"Hon I don't think I'm ready" bulong ko kay Bridgette habang hinayaan muna naming magpaalam si Jane sa kaniyang mga kaibigan at kaklase.

"Me too.. pero we both know that we can't do anything about it. Bibisitahin naman natin siya palagi sa states.." pag-yakap nito saakin habang nakamasid din ito sa bata.

"Let's go?" naka-ngiting tanong ni Jane nang makabalik ito saamin.

Binaybay namin ang daan pabalik ng mansyon. Ito ang bahay ng aming pamilya. Nakatayo ito sa hacienda ng mga magulang ni Bridgette na pinamana na sakanya dahil siya lang ang nagiisang anak. Nandito parin ang rest house na dating bahay ng kaniyang pamilya at minabuti naming magpatayo ng sarili naming bahay sa tabi nito.

13 years na kaming kasal ni Bridgette. At ni minsan ay hindi ko pinagsisihang siya ang pinakasalan ko. Walang araw na hindi niya pinaramdam saakin at sa aming mga anak na mahal na mahal niya kami at ganoon din ako sakanila.

"Congratulations, Ate!" sigaw ni Matiu sa kaniyang Ate Jane habang ito ay may hawak hawak na banner na may nakasulat We're so proud of you! Congratulations Ate Charlotte Jane!

Sinugod naman nito nang yakap ang kaniyang kapatid na tuwang-tuwa. Yung closeness nilang dalawang magkapatid ay parang closeness namin ni Kuya Alejo. Puro asaran pero sobra kung protektahan ang isa't isa.

"Come on guys, let's eat!" pag-aya ni Bridgette sa mga ito. Naka-ayos ang garden dahil nag-desisyon kaming i-celebrate ang graduation ni Jane. Nandito ang pamilya ko at ang mga magulang ni Bridgette.

"Mommy, can I play basketball with Kuya Yohan later?" tanong ni Matiu saakin sabay yakap galing sa likod. Naka-upo na kasi kami at nagsimula nang kumain.

"Yes you can baby. Just don't forget to bring extra shirt and water" sagot ko naman dito na ikinatuwa niya.

"Ang hyper, mana sa Mama Chelsea" ngiting wika ni Bridgette saakin habang kumakain sa tabi ko na ikinatawa ni Jane na nakaupo naman sa harapan ko. Sa aming dalawa kasi ni Bridge, ako ang mas ma-enerhiya. Ako yung tipong gumigising ng maaga kahit madaling araw palang na madalas e kinasisimangot ni Bridgette dahil gusto pa daw niya akong yakapin pero ako ay handang handa na para sa araw.

Nang ikasal kami sa New Zealand ay namalagi muna kami doon. Doon ko din ipinagbuntis ang anak naming si Matiu na ang ibig sabihin sa kanilang kultura ay Gift of God. At ang kasunod na pangalan nito ay Benedict na ang ibig sabihin ay blessing. Siya ay biyaya ng Diyos saamin dahil ang totoo niyan ay sinubukan lang namin ni Bridgette ang IVF. Hindi namin in-expect na mabubuo ang baby dahil narin sa nasa 30s na ako noon.

Matiu Benedict W. Yuzon ang buong pangalan ng aming bunsong anak na ngayon ay 12 years old na. Nag-graduate rin ito sa elementarya kahapon na may maraming medalya dahil ito rin ay ang kanilang batch valedictorian at siya ay nage-excel rin sa sports.

"Ang lalaki na ng mga anak natin" bulong saakin ni Bridgette habang ang kaliwang kamay nito ay nakahawak sa likuran ko.

Tumango-tango ako bilang sagot. "Ang bilis ng takbo ng panahon kapag masaya at kontento ka sa buhay" wika ko at hinarap ito. "Thank you" atsaka ko ito hinalikan ng mabilisan.

"Ang harot naman" rinig kong kuntsaba ng aking bff, ang exotic na si Mariana na ikinatawa naming dalawa ni Bridgette.

"Inggit ka lang" pang-asar ko rito.

"Excuse me may asawa ako" sagot nito saakin sabay siningkit ang mga mata at niyakap si Levie na busy nakikipag-kwentuhan tungkol sa business sa mga magulang namin ng aking asawa.

"Hon, I have something to say" pagpukaw ni Bridge sa aking atensyon.

"Hmm?"

"I feel like Jane is not interested in men" wika nito dahilan para mapataas ang kilay ko. "I mean, we are aware of her suitors. Halos araw-araw may mga inuuwing chocolates and desserts na pinapakain lang niya kay Matiu. Tapos wala pa siyang nakukwento na crush niya. I only see her hanging out with her best friend Mika" explain nito.

"Baka naman wala pa sa isip niya ang lovelife, Hon" sagot ko naman.

"Maybe.." at nag-kibit balikat ito.

Tuloy ang kasiyahan hanggang gabi. Nagkayayaan ang mga magpi-pinsan na mag-set up ng projector dito sa garden para magkaroon ng movie marathon. Nandito din ang mga anak ni Mari at Levie na sila Lilith at ang kambal.

"Mom, Mika is here" paglapit saamin ni Jane at sunod namang nag-mano si Mika.

"Good evening po, Tita Chelsea and Tita Bridge" ngiti nito.

"Good evening din, anak. Jane, ipagkuha mo muna si Mika ng pagkain para makakain siya habang nanunuod kayo" utos naman ni Bridgette na sinunod ni Jane at pumasok sa kusina kasama ang best friend nito.

Hinayaan naming magkasayahan ang mga bata habang kaming mga matatanda ay nandito sa kabilang banda at nagkukwentuhan na minsan din ay nakikinuod sakanila.

"Hon, look" bulong saakin ni Bridgette at itinuro si Jane at Mika na nakaupo sa bean bag sa kabilang sulok ng outdoor tent. "Confirm" ngisi nito saakin nang makita kong magkayakap ang dalawa habang nanunuod. Yakap as in cuddle. Maraming bakanteng bean bag kaya nakakapaghinala na sa iisang bean bag sila nakaupo.

"Well I guess it really runs in our blood" natatawa kong sabi kay Bridgette.

-

I miss you both, Chelsea & Bridgette.

The Politician's Affair (gxg)Where stories live. Discover now