Chapter 24

32.2K 961 641
                                    

Bridgette's POV

"I want their names and which publication they work for!!" I slammed the papers in my office table which startled every person in the room.

Not even one made a noise and some of them went out of my office to do the jobs that I assigned them to do.

It's the 22nd of December and yet hindi ko pinag-day off ang mga staff ko. Paano ka makakapag-bakasyon kung laman ka ng balita? Mag-damag palang kaming nakakatungtong ng Pilipinas ni Chelsea and yet kami ang headline news simula kahapon.

"Sino ba 'yang Marie Toni na 'yan?" Gigil kong tanong habang nakatingin sa front page ng isang dyaryo na mayroong malaking litrato ko at ng di umano'y starlet na si Marie Toni na pinipilit nila na ako ang kasama nito sa isang sex scandal.

"Kakalabas lang po kasi nung scandal niya last week tapos po mayroong lumabas na issue na lesbiyana nga raw po ito.. sakto naman po ay lumabas din ang issue ninyo kaya pinagtuglong ng media ang kwento.."

"Hanapin ninyo yung Poncio Pilatong babae na nasa video na kasama niyan at ipakiusap kay Pauline" utos ko sa isa sa mga ito. Si Pauline ay ang PR Manager ko. "Hanapin ninyo kung kanino nanggaling ang salita tungkol saamin ni Chelsea at kung bakit alam ng Press kung kailan kami uuwi ng Pilipinas" gigil kong utos.

Lalo akong nanggigil kapag naaalala ko ang reaction nito noong makasakay kami sa Van hanggang sa ihatid ko ito sa bahay nila. Hindi siya umiimik the whole time, nakatingin lang siya sa kawalan. Lalo akong nagaalala dahil alam kong na-trauma ito sa pagdumog ng Press saamin. Noong nasa van kami, napansin ko na namumula ang braso nito at may mangilan-ngilan na maliit na galos sa braso at leeg.

"File a lawsuit against those publishing companies and their minions" I said, standing up from my swivel chair. "File for Physical Injury, Harassment & Libel"

Kilala ako pero I never used my power and money in terms of handling matters; but this matter is different. I personally contacted the private investigator that one of my colleagues told me years ago noong tinulungan ko ito sa kaniyang kampanya and it didn't crossed my mind na one day ay kakailanganin ko ang tulong nito.

Simula kahapon, labas pasok ang mga staffs ko dito sa hacienda at karamihan sakanila ay dito nadin natulog habang hina-handle ang problema. Ito yung hacienda kung saan ko ginawa ang meeting ko noon 3 years ago with Gov. Watson and Chelsea.

Agad kong naisip na dito agad tumuloy dahil kapag may ganitong press matters, kailangan ko ang tulong ng maraming tao at hindi sila magkakasya sa mansion ko. Pinasunod kona din dito sila Lauren at Jane. Kahit sobrang galit ako kahapon, kailangan kong harapin ang anak ko ng maaliwalas ang mukha at kailangan kong ipakita na wala akong problema. Binigay ko sakanya yung mga laruan at damit na hinabilin nito at pati narin yung mga pinamili sakaniya ni Chelsea; ganoon din kay Lauren. Sa mga oras na ito, kasalukuyan nitong naglalaro sa labas kasama ang nurse nito samantalang si Lauren naman ay nandito at kumokontak nadin ng mga tao.

I am so frustrated. Gustong gusto ko ng magpa-press conference kaso hindi pa pwede. Hindi pa ako pwedeng magsalita hanggat hindi pa kumakalma ang balita; dahil alam kong marami pang baon ang mga ito na handa nilang ibato saakin anytime.

"Pagbalik ko, dapat may pangalan na kayong hawak" sabi ko sa mga ito at lumabas ng rest house.

Alam ko namang hindi ako safe ngayon kaya tinawag ko si Mang Tonyo para ipag-drive ako. Sumakay ang isang body guard sa passenger seat samantalang ako naman ay sa likod ng driver—which is said to be the safetest seat in a car dahil daw kapag may iniiwasang sasakyan ang driver mo, malaki ang tendency na ang hanay nito ay hindi matatamaan dahil nasa instinct nito na pinoprotektahan nito ang kaniyang sarili—at ang 5 ko pang body guards ay sumakay sa kabilang sasakyan.

The Politician's Affair (gxg)Where stories live. Discover now