Chapter 35

25.2K 898 537
                                    

Chelsea's POV

"Bakit hindi mo pa kasi tawagan?" inis kong sabi sa sarili ko habang nakatitig sa cellphone ko.

Ilang minuto na akong nagco-contemplate kung tatawagan ko ba si Bridgette o hindi. Sabado ngayon at kailangan ng masukatan ng gown si Jane para sa kasal namin ni Paul.

Nahihiya kasi ako dahil last encounter namin ay nahalikan ko siya. Pero in the end ay tinawagan ko din ito. Napagisip-isip ko na matanda na kami at siguro para sakanya ay wala lang 'yon.

"Hello?" pormal na wika niya sa kabilang linya.

"Miss Bridgette?"

"Chelsea" wika nito na ikinagulat ko. Na-recognize na niya kaagad ang boses ko?

"Yes?" laking pagtataka ko.

"Oh napatawag ka?" tanong nito.

"Tanong ko lang sana kung pwede nang masukatan si Jane ngayong araw para sa gown niya"

"Yes! Sure. Saan ba?" tanong nito at agad ko naman binigay ang address ng boutique.

Hindi din kalaunan ay binaba na namin ang tawag at maya maya din ay nagkita na kami sa sinabing boutique.

"Hi Tita!" bati ni Jane saakin at agad ako nitong niyakap.

"Hello dear" pag-yakap ko rito at nginitian ang Mommy Bridgette nito na nakatayo sa likuran niya.

Agad sinukatan si Jane para sa gown at hair-dress nito na flower crown. Sandali lang kami sa shop at nag-desisyon nang mag-paalam sa isa't isa kaso itong si Jane ay kinulit ako na sumama sa hacienda nila.

"We will plant trees today, remember?" paalala nito saakin tungkol sa usapan namin noong isang araw sa mall.

"Oo nga pala" wika ko at agad namang nagsalita si Bridgette,

"Tita Chelsea is busy for her wedding, anak.."

"Actually okay na.." wika ko kay Bridgette at nginitian ito. "Yes I can come with you" at hinarap si Jane na tuwang-tuwa sa sinabi ko.

Sumunod ako sa sasakyan na sinasakyan nila dahil dala-dala ko ang kotse ko at hindi ko alam ang daan papunta sa hacienda nila.

"Here!" tuwang-tuwa na tawag saakin ni Jane at inaya papunta doon sa malaking space na hinanda na ng mga gardener para taniman ng halaman. May mga kasambahay din dito na nagta-tanim ng iba't ibang klase ng puno. "Mommy told me I can have this spot for my plants" pagmamalaki nito sa napakalaking space na binigay sakanya ng Mama niya sa hacienda na ito.

Hindi ko alam pero ramdam ko na alam ko ang lugar na ito. Naglakad-lakad ako hanggang sa mahanap ko ang ilog na alam kong mayroon sila. Sobrang nakakalito dahil ngayon palang naman ako nakapunta dito. Naglakad-lakad pa ako at napuntahan ang maliit na tila open na bahay na napapaligiran ng puno. Sa kaloob-looban ko, ramdam ko din na alam ko na nandito itong nasabing maliit na gusali.

Sa maliit na kwarto na yon na walang pader ay may mga mauupuan na sofa sets na natatakoan ng puting tela. May mga gamit din for archery.

"It's my grand father's hobby to hunt"

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat nang may biglang magsalita sa likod ko.

The Politician's Affair (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon