Chapter 5

46.4K 1.4K 1K
                                    

Chelsea Jane's POV

Nang bumalik ako sa Function Hall ay nakahanda na ang tanghalian. Maya maya pa ay nagumpisa na kaming kumain pagkatapos naming mag-dasal.

Sangkaterba ang mga pagkain na nakahanda maliban pa sa mga dinala namin ni Papa na pagkain. May mga alimango, hipon, bangus at iba pang lamang dagat na ulam. Mayroon ding sawsawan na buro o tagilo sa Kapampangan at mangga na isinali sa kamatis. This is one of the major things that I missed about Philippines. Yung mga tao at ang pagkain. Sa mga oras na 'yon, naalis muna sa aming mga isipan ang politiko at naging masaya sa munting salu-salo na naihanda saamin.

Pagkatapos ng tanghalian ay nagpa-tuloy muli ang Miting de Avance at sa part na ito naman pinagusapan kung kailan magsisimula ang pangangampanya at house-to-house ng mga ito.

Di rin bihira ang pera na inilalabas nila para sa kampanyang ito kaya hindi mo rin masisisi ang mga Pilipino sa mentalidad nila na kapag nanalo ang mga nangangandidato ay mangungurakot ang mga ito pambawi sa mga pera na inilabas nila noong sila ay humahabol pa dahil madalas naman ay halos sa mga Politiko ay ganito nga ang ginagawa... ngunit meron parin naman na hindi naman ito gawain at napapasama lang sa mga napagbibintangan. Ano na, Pinas?

Natapos ng maayos ang pagtitipon at hindi na ulit kami nagkaroon ng pagkakataon ni Bridgette na magusap. Atsaka hindi rin naman niya ako pinapansin. Pikunin ata talaga tong babaeng to?

-

"Lorenzo Watson po para Gobernador"

"Bridgette Alcantara po para Congresswoman"

"Pilar Gangcuangco po para Mayor"

Yan ang ingay na maririnig mo sa paligid kasabay narin ng mga jinggle na ipinapatugtog ng mga sasakyan na naka-park sa di kalayuan.

Kasalukuyan naming nagha-house to house dito sa mga bahay sa isang barangay sa aming probinsya kung saan tumatakbo bilang Gobernador ang aking Ama. Nandito din ang buong partido nila, sabay sabay na sila sa pangangampanya.

Makikita mo ang pagkagalak sa mga mukha ng mga tao dahil nakikita nila ng personal ang mga ito na madalas lamang nilang nakikita sa social media o di kaya naman ay sa mga tarpaulin na nakapaskil sa harap ng bahay nila, o kaya mga tarp na ginawang tarapal ng mga tricycle drivers.

Di mo din maipagkakaila ang respeto na binibigay ng mga ito sa mga respetadong tao na nakikisalamuha sakanila ngayon.

'Di ko maiwasang hindi mapatingin kay Bridgette habang siyang nakaupo at kinakausap ang cute na bata na walang tsinelas. Ang ganda parin niya kahit tokong, long sleeves na may tatak ng mukha niya, sumbrero at rubber shoes ang suot suot niya.

"Anong pangalan mo?" Tanong nito sa bata habang binibigyan niya ito ng lollipop na galing sa bulsa niya.

"Janella po" nahihiyang sagot ng bata habang tinatanggap ang bigay na lollipop sakanya.

"Ilang taon kana, Janella?"

"Jane nalang po, Ate. Ang haba ng Janella e" saka ito nagkamot sa batok. Ang cute!!! "5 years old po ako"

Halata sa mukha ni Bridgette na cute na cute ito sa bata, litaw kasi yung dimples niya sa may labi e, "Ang ganda talaga ng mga Jane" ngiti nito at pasimpleng napatingin saakin.

"Ang landi ng mga Bridgette" sabi ko sa utak ko na muntik ko ng masabi. Good thing my super ego is controlled. Thanks, Sigmund Freud.

Maya maya pa ay nagpaalam ito sa bata  at nagpatuloy na kami ulit sa paglalakad. Di ko namalayan na sinasabayan na pala niya ako sa paglalakad at unti unting lumalapit saakin.

"Tubig?" alok nito sa water bottle na hawak niya

"Nope, Im good I have mine. Thanks" ngiti ko naman dito at ipinakita yung water bottle din na hawak ko.

"I am happy that you joined us today, most especially by supporting your father" pagbubukas nito ng usapan.

"Bawi ko nalang ito kay Papa since ngayon lang ako umuwi ng Pinas" ngiti ko rito.

"Oh, I see. Such a good daughter. Lorenzo must be so proud of you"

"Yes I bet he is" pag-ngisi ko. Yabang ah. "Ikaw? Wala ka pabang baby?"

Di muna siya agad nakasagot at uminom muna ng tubig, "Nah, busy pa kasi e. But, soon. Text nalang kita. Ninang ka gusto mo?" Pagbibiro nito.

"Baliw ka no? Hahaha!" Natawa kong sagot. "May personality disorder kadin ata. Parang kailan lang noong napikon ka sakin sa Hacienda mo"

Natawa din ito, "Just to clear things out, I was not pissed. Nagutom lang ako noon" paliwanag niya.

"Sus! Palusot mo, Ate"

napatingin naman ito saakin, "Ha? Anong ate?"

"Ikaw. Ate. Ate kita. Mas matanda ka kaya saakin" linaw ko

"Hoy. Hindi naman ganon kalayo ang tanda natin ah. Wag mo na akong tawaging Ate. Bridgette nalang. Saka ayaw kitang maging kapatid" tukso nito.

"Abat! Ikaw pa ang choosy"

Naputol ang paguusap namin nang tawagin siya ng assistant niya at may kinausap na sa tingin ko ay mahahalagang tao din.

Sa totoo lang nagulat ako sa side na yon ni Bridgette. Ang calm lang. Malayo sa usual na masungit ang tindig, seryoso at yung akala mo ay kakainin ka ng buhay.

Magga-gabi na noong nakauwi kami sa bahay at agad na rin akong nagpahinga. Today was a tiring yet wonderful day. Ang dami kong nakausap at nakasalamuha na mga tao na may magagandang istorya. May mga lessons din akong nakuha na never ko natutunan sa mga Universities na pinasukan ko.

The Politician's Affair (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon