Chapter 27

27.7K 779 237
                                    


Bridgette's POV

"Who purchased it?" Tanong ko sa assistant ng may-ari ng boutique na si Lester.

"I'm sorry Ma'am but we are not allowed to disclose any information regarding our customers" magalang na sagot nito.

Lumapit ang investigator ko saamin, "This is a search warrant granted by the court. It gives us the permission to access the information of your customer that will help us in the case that we are working on"

"Pwede ko po bang tawagin muna ang boss ko?" Tanong nito

"Yes of course" sagot ko naman. Ayoko din naman na malagay siya sa alanganin sa boss nito.

Nandito kami ngayon sa boutique kung saan nanggaling ang gown ni Chelsea noong Flores de Mayo. Kahit naman na may hinala na kami kung kanino galing ang mga death threats ay iba padin kapag idadaan ko sa legal processing. Hindi ko naman na kailangan pang alamin kung paano ito nagkaroon ng access sa wedding gown ko dahil iniwan ko ito sa bahay namin ni Hane noon. Ngayong na-discarge na ito sa Psychiatric Hospital dahil di umano ay gumaling na ito at malaya nang nakakagalaw sa labas. Nanggigigil din ako dahil kailangan padin niyang panagutan sa loob ng pihitan ang mga kasalanang nagawa nito pero out of nowhere, biglang nawala ang mga kaso nito.

Naisuklay ko ang mga daliri ko sa aking buhok dahil sa mga naiisip. Kailangan kong kumalma.

Maya-maya din ay nagmamadaling pumasok ng Boutique ang isang gwapo at matikas na lalaki.

"What's the problem, Sir?" tanong nito sa Investigator ko at nagulat noong napansin nito ako, "Ahm, Congresswoman"

"We just wanted to ask if sinong bumili sa gown ni Chelsea na ginawa mo noon sakaniya 3 years ago"

"But we can't-"

I handed him the search warrant. "Here's the search warrant granted by the court"

Nag-alangan pa ito noong una pero inanyayahan din kami sa desk ng kaniyang secretary. Umupo ito roon at may kinalkal sa computer. "Here's the date and name of the person who purchased it" at iniharap saamin ang monitor.

"Nancy Juares" pagbasa ko sa pangalan na nasa screen at nagtaka sa date of purchase. "It was purchased 2 months after the Flores de Mayo" at napatingin sa investigator ko na ngayon ay nagte-take down notes.

Nang makuha na namin ang mga kailangan naming impormasyon ay nagpasalamat kami sa may-ari at staff nito. "Thank you for your cooperation" at tuluyan ng umalis sa gusali.

"Does the name familiar to you, Ma'am?" Tanong ni William, ang investigator ko.

"No" sagot ko naman at pilit na inaalala if pamilyar nga ba ang pangalan na 'yon.

"I will update you as soon as possible regarding this Ma'am" at umalis na ito.

Ako naman ay umalis na din kasama ang aking mga body guard at pumunta sa aking opisina sa kapitolyo.

Kakauwi lamang namin kahapon nila Chelsea at ng pamilya nito galing sa bakasyon namin sa Hongkong at Singapore. Tuwang tuwa ang anak kong si Jane dahil first time nito sa Disneyland. Noong una ay kahit gabi na ayaw padin nitong bumalik sa hotel pero sinabi ko rito na babalik din naman kami kinabukasan. Tuwang tuwa din ang mga pamangkin ni Chelsea na sina Yohan at Yunice. Ang totoo niyan ay nag-enjoy din kaming mga matatanda dahil parang bumalik kami sa pagkabata. Sa totoo lang, hindi kami masyadong kinausap ng anak ko o hinanap man lang kapag kami ay lumalabas ni Chelsea minsan dahil buong oras kalaro nito ang dalawang bata.

Syempre, hindi lang ang mga bata ang nag-enjoy sa Hong Kong kung hindi kami din. Nag-shopping at food trip kami ni Chelsea kasama si Alejo, Chantal at ang nakababatang kapatid nila na si Alex. Sa Singapore naman kami nag-spend ng New Year kasama din ang mga ito. As usual, shopping at food trip din ang ginawa naming doon.

The Politician's Affair (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon