Chapter 25

33.5K 992 773
                                    

Chelsea Jane's POV

"5"

"4"

"3"

"2"

"1"

"Merry Christmas!!" bati ng lalaki na naka-microphone at sabay na pumutok ang mga fireworks sa kalangitan—indikasyon na pasko na.

Kakatapos lang ng misa. Dito sa labas ginanap ang misa para ramdam talaga ang pasko lalo na't malamig ang simoy ng hangin, nalaming pampasko na palamuti at para narin masaksihan ng lahat kung gaano kaganda ang fireworks sa malinaw na kalangitan ng pasko.

Nagkayakapan kaming pamilya at nagbatian ng Merry Christmas. As usual, kumpleto kami ngayong pasko dahil umuwi si Kuya Alejo kasama ang kaniyang dalawang anak at ang kaniyang asawa na si Ate Chantal. Nandito din ang mga kapatid ni Papa dahil dito sila sa town na ito lumaki. Lahat kami ay magse-celebrate sa matandang bahay, sa bahay ng parents ni Papa.

Since hindi naman kami parehas ng town na kinalakihan ni Bridgette, tho same province, hindi kami magkasama ngayong Noche Buena. Pero balak kong bumisita bukas ng umaga doon sa bahay niya.

Syempre, bilang isa sa mga kilalang pamilya sa lugar, hindi pwedeng hindi ka titigan ng mga tao sa paligid lalo na doon sa pumutok na issue saamin ni Bridgette noong isang araw lang. So far, wala naman na akong naririnig pang balita o bagong usapin tungkol saamin. Tumigil nadin ang media.

Bago kami makauwi e todo chika muna itong pamilya ko sa iba't ibang tao na kilala nila tulad ng Mayor ng lugar, yung pari, mga madre sa isang eskwelahan dito, mga family friends at iba pa. After din pala ng misa ay namimigay kami ng pang noche buena sa mga aeta na bumababa ng bundok at nakikipamasko dito sa lugar namin.

Narinig kong tumunog ang cellphone ko habang naglalakad kami pauwi ng bahay nila Lola. Walking distance lang ang church at ang bahay kaya minabuti namin na lakarin nalang pero syempre may mga guards padin na stand-by although safe naman dito dahil halos kilala naman namin ang mga nakatira dito lalo na dito din ako nag-dalaga. Yung mansion namin nasa kabilang barangay pero same town padin. Nakaugalian kasi namin simula bata na tuwing pasko ay sa lumang bahay kami magsasalu-salo habang tuwing New Year naman ay sa kani-kaniyang pamilya na o kung saan man bansa namin gustong mag-celebrate ng Bagong Taon.

"Merry Christmas" napangiti ako ng marinig ko ang boses nito.

"Merry Christmas din" sagot ko dito. "Nasaan ka niyan?"

"Nasa bahay. Kakatapos lang ng mass dito at nagsisimula na silang kumain" and I can hear some faint conversations on the background. "Ikaw ba?"

"Kakatapos lang din ng mass at fireworks display. Eto naglalakad na kami papunta sa bahay nila Lola. Nasaan si Jane?" tanong ko habang nakatingin sa pamilya ko na busy nagkukwentuhan habang naglalakad. Si Alex naman ay nakikipagkulitan sa mga pinsan niya na umuwi galing Maynila at ibang bansa.

"Eto teka" at narinig kong tinawag nito ang cute niyang anak. "Jane, come here. Tita Chelsea wants to talk to you" wika nito. "Hello?" boses ng cute na bata.

"Hello, baby girl! Merry Christmas" bati ko sakanya. Na-miss ko ito bigla. Dinalaw ko ito kaninang umaga—kahapong umaga since 25 na pala—sa Mansyon nila at nakipaglaro ako sakanya. Naiyak nga siya nung nagpaalam ako kasi ayaw niya akong umalis.

"Merry Christmas too Tita Chelsea! When are you going to visit me again?" tanong nito at feeling ko ay kasalukuyan niyang naka-pout.

The Politician's Affair (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon