Chapter 28

25.6K 760 93
                                    

Bridgette's POV

"Love, don't worry about it. It's okay"

"How about your patients?" tanong ko rito habang lantang-lanta na nakaupo sa sofa.

"Someone will cover for me and I already sent them an e-mail. Besides, Jane is more important now.. okay?" wika nito at hinawakan ang mukha ko habang siya ay naka-luhod sa carpet. Worry is written all over her face. Dapat kasi ngayon na ang flight niya pabalik ng New York. Pero dahil sa mga nangyayari ay nag-desisyon ito na i-extend ang vacation leave niya na agad ko namang tinanggihan.

Kung ano ang suot ko noong nalaman ko na kinuha ni Mama si Jane dito sa bahay kahapon ay 'yun parin ang suot ko hanggang ngayon. Hindi padin ako natutulog dahil magdamag kong inaareglo ang mga papeles at lawyers ko.

Kayang kaya kong kunin si Jane. Gustong gusto ko. Pero lalo lang akong mapapasama at lalo lang ihihiwalay saakin si Jane kung ganon ang mangyayari. Kaya ginawa ko ang lahat; hindi ko pinatulog ang staffs ko, ang lawyers ko, even my Psychotherapist na may posibilidad na may haharaping kaso.

Based on the investigations, my father threatened the Social Worker para kunin saakin ang anak ko. Which means collecting dirty data from my past that has no clearly relevance in the custody of my child in the present.

"Kumain ka muna, please" wika ni Chelsea at may inihain na pagkain sa lamesita dito sa sala.

Umiling lang ako bilang sagot dahil wala talaga akong ganang kumain.

Paano ako makakakain kung wala sa piling ko ang anak ko? Who knows ano nang ginagawa ng Nanay ko sakanya?

Napahigpit ako ng hawak sa mga papel na hawak ko dahil sa mga naiisip.

"Please, kumain ka kahit kaunti lang. Gusto mo bang ganyan kang madatnan ng anak mo kapag umuwi siya?" concern na tanong nito saakin.

Bumuntong hininga ako dahil tama si Chelsea. Not taking care of myself will only make things worst.

Kumain ako ng kaunti at napagpasyahan din na maligo na.

Pagkatapos kong maligo ay nadatnan ko ang lawyer ko na nakaupo sa sofa.

"Everything's settled, Ma'am" nakangiti nitong sagot saakin na dahilan upang mapaluha ako.

"Makukuha ko na si Jane?" mangiyak-ngiyak kong tanong rito at hinarap ko rin si Chelsea na nakangiti saakin.

Tumango naman ang lawyer ko bilang sagot.

"Come on" aya ni Chelsea saakin at dali-dali kaming sumakay ng sasakyan patungo sa bahay ng mga magulang ko kasama ang lawyer ko at ang isang Social Worker.

Pagkarating namin doon ay dali-daling lumabas ang mga maid dahil in-assist din kami ng mga pulis kung sakali mang ayaw ibigay saamin ni Mama si Jane. Hell, I am willing to file a kidnapping case if ever.

Ganito ang gusto niya? Then I will give it to her.

An eye for an eye. A tooth for a tooth.

Maya-maya din ay lumabas si Mama. "What's happening here?"

"Ibigay mo saakin si Jane" buong boses kong sabi.

The Politician's Affair (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon