Chapter 31

23.4K 798 373
                                    

Bridgette's POV

"Ma'am?"

I cleared my throat. "Yes?"

Kasalukuyan kong nakatayo sa garahe ng bahay ni Chelsea. Pagkatapos kong tumawag ng 9-1-1 ay hindi din nag-tagal at dumating na ang NYPD.

Basag ang halos gamit ni Chelsea sa may sala. Magulo din ang ayos ng mga furnitures. Yung pintuan ay hindi nakasarado kaninang dumating ako at yung kotse rin niya ay wala.

Chelsea is considered as a missing person na dahil more than 24 hours na noong huli siyang  nakita. Hindi din alam ng mga kakilala niya dito sa New York kung nasaan ba siya.

Sinusubukan nang kontakin ng NYPD ang company na naglagay ng surveillance system dito sa bahay niya para ma-access na yung mga security footages at malaman kung kailan pa ito huling naririto at kung bakit ganito ang itsura ng bahay nito.

Nag-bigay na rin ako ng impormasyon sa mga pulis tungkol kay Chelsea. Kung saan ito nagta-trabaho, ano ang trabaho nito at iba pa.

Tinawagan ko na din sila Tito sa kung ano na ang balita dito at sinabihan ako na nakapag-book na sila ng flight at susunod sila saakin dito at kasama nito sila Tita at Alejo.

"We have a lead" wika ng isang officer na nakapagpa-alerto saakin. "Can you come with us to the hospital, Ma'am?"

Nang marinig ko ang salitang hospital ay nanlambot ako. Hindi ko mapigilang hindi isipin yung pinaka worst case scenario. Hindi nadin naman nag-elaborate pa ang pulis dahil mas minabuti na nito na ako mismo ang umalam doon sa hospital.

Sumakay ako sa police car at tinahak ang daan papunta sa hospital. Pagkarating ko doon ay agad kaming sinalubong ng isa pang officer at naglakad patungo sa harapan ng ICU.

Doon ay nilapitan kami ng isang batang doctor at iniabot saakin ang isang polaroid picture. "Do you know her, Ma'am?"

Nanlambot ako sa larawan na nakita ko. Sa una ay hindi mo siya makikilala pero dahil alam na alam ko ang itsura ni Chelsea ay sigurado akong siya ito.

May tubo na nakapasok sa bibig nito para suportahan siya sa paghinga. May bondage din ito sa ulo. May mga pasa sa mukha.

"Y-yes" mangiyak-ngiyak kong sagot.

"Can you file this form for the identification of the patient, Ma'am?"

Tumango na lamang ako at nanlalambot na napaupo sa waiting area. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago sumulat at maya maya din ay binalik ko doon sa doctor.

Hindi muna ako pinayagang pumasok sa ICU dahil maselan pa daw ang kalagayan ni Chelsea dahil galing ito sa operasyon. Iniiwasan nila ang risk of infection na maaaring manggaling sa labas.

Nag-pasalamat ako sa police officers na tumulong saakin bago ito mamaalam. Hiningi ang contact information ko para daw tawagan nila ako tungkol sa imbestigasyon sa nangyari dito.

Wala padin makapag-sabi sa kung ano ba talaga ang nangyari kay Chelsea. Ang siguradong impormasyon palang na alam ko ay mayroong tumawag ng 9-1-1 at ni-report ang aksidente na nangyari sa lugar di kalayuan dito. Hindi ko alam kung paano nangyari ang aksidente at kung may nadawit pa bang iba.

The Politician's Affair (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon