Chapter 16

35.6K 1.1K 1.2K
                                    

Chelsea Jane's POV

Noong araw na 'yon, hanggang sa matapos ang tour ay kasama ni Bridgette si Levie. Hindi na kami nagkaroon ng pagkakataon pa para magusap at ako na mismo ang lumayo.

Bumalik kami ng kapitolyo at napag-desisyunan ko nadin na umuwi ng Mansion. Si Papa kasi mamaya pa matatapos ang office hours niya at madami pa siyang inaasikaso.

"Tell your Mom that I'll be home early. Okay?" and he kissed my forehead

"Dad, I was planning sana to treat you.. let's eat dinner outside"

"That's a great idea, Hija. Sige sige"

Pababa na ako ng kapitolyo noong nakita ko si Bridgette na kausap si Lauren at parang nagdi-diskusyunan ang mga ito. Halatang naiinis itong si Lauren samantalang si Bridgette naman ay composed na composed. Dali dali akong bumaba ng hagdanan para iwasan ang mga ito, which I succeeded.

Siguro nabalitaan ni Lauren na kasama ni Bridgette si Levie sa tour kanina. May karapatan naman si Lauren dahil may anak na sila ni Bridgette tapos may Levie pa? Tsk.

Nang maka-uwi ako sa bahay ay nadatnan ko si Mama na nakaupo sa garden, having her merienda.

"Hello Ma" and I kissed her forehead

"Oh CJ.. nandiyan kana pala. Galing ka daw sa opisina ng Papa mo?"

"Yes po. Sumama nadin ako sa tour nila around the province" and I smiled

"Sinu-sino ang nandoon? Kasama niyo din ba ang mga Tito mo?" tanong nito while sipping her pineapple juice.

"Yes, some of them are present Ma. Bridgette is there too.." Hindi naman agad sumagot si Mama and continued eating.

Yung mga kapatid ni Papa ay head din ng mga ahensya dito sa bansa. Mayroon sa environment, engineering at tourism. Yung sa tourism naman ay babaeng kapatid ni Papa.

"Kamusta naman siya?" tanong ni Mama at tumingin saakin.

"Okay naman po sila Tito & Auntie"

"No, I mean.. Kamusta si Bridgette? Nagusap ba kayo?"

"No, we never had the chance to talk.." sagot ko.

"Okay.." and she sighed.

"Bakit Ma? May problema ba?" Pagtataka ko.

"Ha? Wala naman.. kumbaga natanong ko lang. You two were close noong umuwi ka dito" sagot nito

"Ah.. yes"

"Siya din nga ang nagasikaso sa pagkaka-hospital mo noon, remember? She even insisted na sagot niya ang lahat ng bills pero we refused syempre. Kaso noong idi-discharge kana namin, walang bill na dumating kasama nung discharge papers.."

Napatulala nalang ako kay Mama dahil hindi ko alam ang mga 'yon. I was so drowned with meds that time. Pero parang nainis pa ako sa impormasyon na nalaman ko. Hindi ko naman kailangan ng libreng hospital care dahil kaya kong bayaran ang mga 'yon. Ang kailangan ko nang mga panahong 'yon ay siya. Pero wala, never siya nagpakita. Nagising ako noon pagkatapos ng operasyon pero sila Mari lang ang nandoon. All throughout my healing days sa Pinas ay hindi siya nagparamdam man lang saakin. Siguro nasa isip niya, tapos narin naman siya sakin so why bother.

I told my Mom about my plan tonight at natuwa naman ito. She even asked me to go with her sa closet niya kasi bihira nalang daw siya lumabas kasama kami dahil yung bunso kong kapatid na si Alex ay busy sa pagaaral nito while si Papa naman ay busy sa office. Pero we always see to it naman na once in a while ay inilalabas nila si Mama lalo na kapag nasa ibang bansa ako. Kapag naman may mga araw na hindi busy si Mama, ini-invite ko ito to travel at mamasyal sa ibang bansa para naman hindi siya nabo-bored. Mayroon din kasi siyang mina-manage na mga restaurants namin in and out of the province. Pero hindi heavy work dahil may mga managers naman kaming hinire.

The Politician's Affair (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon