Chapter 6

44.5K 1.5K 3K
                                    

Chealsea Jane's POV

Naging busy kaming lahat at pagod na pagod dahil sa kampanya. Sumunod na araw naman na iyon ay nagkaroon kami ng motorcade sa mangilan-ngilang parte ng aming probinsya.

"Hindi kaba naiinitan?" Saka niya ako pinaypayan.

Kasalukuyang traffic dahil narin sa dami ng tao na naka-abang sa mga humahabol na kandidato. Mayroon din kasing guest na mga artista ang partido nila Papa for publicity.

At eto na nga at feeling boyfriend ko itong kasama ko. Hindi ko alam bakit pa siya sumama-sama pa dito!

"Joseph, I said I'm okay. Wag kang makulit" pagsusungit ko dito.

Joseph Ongpauco. Ang masugid na manliligaw ni Papa.. este manliligaw ko pala. Nireto siya ni Papa saakin dahil yung parents niya ay former classmates niya sa Law School. Kakilala ko din naman si Joseph dahil nakakasama ko siya sa mga gatherings tulad ng birthday ni Papa noong mga panahong nandito pa ako sa Pilipinas.

"Sungit mo naman baby" paglalambing nito.

Inirapan ko lang siya, syempre konti lang dahil maraming tao sa palagid.

"Aw ang sweet naman!" Kantyaw ni Jane, yung secretary ni Bridgette. Magkasama kami sa isang float (vehicle ng mga nagpaparada lol) nila Bridgette dahil dapat palaging magkasama o magka-dikit ang Congresswoman at Governor.

"Syempre, future manugang ko 'yan" komento naman ni Papa at tinapiktapik pa ang balikat ni Joseph.

Sus! Bakit hindi nalang kaya silang dalawa ang mag-ligawan?

"Hey, I'm Hane" Paga-abot ng kamay ng isang mataas at maputing lalaki, "Hane Alcantara" Yep, yung asawa ni Bridgette.

Napag-alaman ko na kaya pala missing-in-action ito nang mga nakaraang araw ay dahil may meeting ito out-of-town.

"Hello! I'm Joseph. Joseph Ongpauco. Actually we already met. I told myself earlier, I think I already saw you.. then suddenly I realized.. I was the one who helped you with your flat tire along the expressway last time.. with your wife?" pagtanggap naman nito sa kamay ni Hane.

"Ohh, yes! Yes! Now I remember. Again, thank you for your help ha" ngiti ni Hane pero bahagyang namutla.

"When was that?" Tanong bigla ni Bridgette na nasa likod lang pala ni Hane.

"Oh, last week. Mga Sunday? Palabas ako ng Tagaytay noon"

"Sunday? But I am not--"

"Oh" biglang inakbayan ni Hane si Bridgette at napatampal sa noo. "I must correct that Joseph, the woman I'm with is not my wife.. She's my secretary. We were actually on our way to the other event outside Tagaytay" ngiti nito at tinignan si Bridgette.

Di nalang kumibo si Bridgette at nakipag-usap muli sa mga taong nadaraanan ng umandar muli ang sinasakyan namin.

May mga pinamimigay kaming mga t-shirt, long sleeves, pamaypay at mga naka loot bags na pagkain sa mga taong nadadaanan namin.

Matapos ang motorcade ay tumigil kami sa isa naming rest house na malapit lang doon at pinakain ang lahat ng mga nakisali sa aming motorcade. Feeling ko talaga mananaba nanaman ako dito sa Pinas. Wala kaming ginawa kung hindi mag boodle fight ng mag boodle fight???

"Ipaghimay kita?" Tanong ni Joseph saakin.

"No thanks. Allergic ako jan" sagot ko dito. Allergic kasi ako sa sobrang lansa. Okay lang naman kumain pero wag sumobra. Naalala ko kasi last time na nag miting de avanze kami, puro seafoods ang kinain ko so stop muna ngayon.

The Politician's Affair (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon