Chapter 7

50.5K 1.6K 2.3K
                                    

Chelsea Jane's POV

"How about this one?"

"Ayan, bestie!! Bagay na bagay!! Yan nalang!!"

"Hoy Mariana! Hindi naman ikaw yung magsu-suot niyan!" Suway ko sa kaibigan ko tuwing may ipapakita na gown yung designer saakin. Hindi parin talaga nagbabago, bungangera padin.

"Syempre, alam ko kung ano ang bagay sayo at hindi, no!!" Saka pa nito inikot ang kaniyang mga mata.

"Wag mong masyadong iniikot ang mga mata mo, hindi bagay sayo" atsaka ako humarap sa designer "I'll pick this one" sabay ngiti.

"Sus. Pipiliin din pala, ang dami pang arte" bulong nito.

Bigla akong humarap sakanya na ikinagulat niya dahil nakaharap ako sa salamin at siya naman ay nakaupo sa may couch ng boutique. Tinignan ko siya ng seryoso at bigla akong tumakbo palapit sakanya.

"Na-miss kita!!!!!!!!" saka ko ito niyakap ng sobrang higpit.

"Pwes, hindi kita na-miss" palatak nito.

"Alam mo ikaw, hindi ka parin nagbago.. napaka-arte mo padin! Nakakainis ka" saka ako umupo sa hita nito. Ganito talaga kaming dalawa. Clingy sa isa't isa. Si Mariana yung kaisa-isa kong best friend kahit saang bansa ako magpunta. Dito ko siya sa Pilipinas nakilala noong nag-aral ako dito ng College. Magkaklase kami simula first year hanggang fourth year college, tapos ako nag-masters sa New York samantalang siya naman ay sa London. Last time na nakasama ko siya noong bumisita siya sa New York noong kakasimula ko palang sa masters ko, tapos hindi na nasundan dahil parehas na kaming naging busy though hindi naman kami nawawalan ng communication so updated parin sa isa't isa.

Nasa ganoong posisyon kami noong dumating yung assistant ng designer na si Lester para sukatan ako ulit. Mukha pa itong nagulat sa posisyon naming dalawa ni Mariana.

Pagkatapos namin sa boutique ay kumain muna kami sa labas para mag catch-up,

"So kamusta naman ang bebe mo" tanong nito habang sumisipsip sa kaniyang red iced tea.

"sinong bebe?" pagtataka ko.

"Sus. Si Hannah Montana"

Ang tagal ko siyang tinitigan bago ko na-gets kung sino yung tinutukoy niya.

"Alam mo, mali talaga yung hinala nila na tayong mga Psych ay nakakabasa ng iniisip e.. lalo na kung ikaw ang pinaguusapan. Ang slow mo" ikot nito sa mata niya.

"Bakit naman kasi Hannah Montana??"

"Eh diba Hannah tawag niya sayo dahil doon sa t-shirt mo. Jusko Chelsea! Sa pagkaka-alam ko hinalikan ka lang niya di naman niya siguro nahigop yung utak mo 'no?"

"Tone down your voice nga!" kurot ko dito. "Kapag may nakarinig sayo dito, talagang ewan ko nalang Mariana. Our lives are over"

Kilala din kasi ni Mariana si Bridgette dahil nga isa siya sa mga kilalang babae hindi lang sa probinsya namin kung hindi pati sa bansa.

"Bigla ko tuloy na-realize, ang tagal ko na palang single" saka pa nito nilagay ang hintuturo sa kaniyang baba. "Masarap ba ang may sugar mommy?" saka ito tumawa ng pagka-lakas lakas.

Inirapan ko lang ito at hindi na muli kumibo. Bigla ko tuloy naisip yung nangyari a week ago. Never kona siya ulit nakita noon at wala na akong narinig mula sakanya. Oh dahil narin siguro hindi na ako masyado sumasama kay Dad sa campaign stuffs niya these past week at nagpapalusot ako na marami akong gagawin at may mga plans kami ni Mariana together.

"Hoy gaga ka. Joke lang 'yon. So anong balak mo?"

"Anong anong balak ko? Wala. Wala akong balak. Wala lang naman yun. Baka nage-explore lang at nagkataon lang na ako yung nandoon" bigla akong nasaktan sa sarili kong mga salita. Gaga talaga.

The Politician's Affair (gxg)Where stories live. Discover now