Chapter 33

23.6K 813 541
                                    

Bridgette's POV

"Is she already asleep?"

"Yes" and I sighed.

We walked side by side along the hallway of my house.

"How about you? Are you sure okay ka lang?" naga-alalang tanong ni Lauren saakin.

"Well.. ofcourse I'm not" at hindi ko na napigilang pumiyok. Napatigil kami sa paglalakad at sumandal ako sa pader. Yung iyak ko na pinipigilan kong ipakita sa harap ng anak ko ng ilang oras ay hinayaan kong dumaloy.

Masakit. Sobrang sakit. Akala ko wala nang mas sasakit pa noong mga panahong nakasilay lang ako sakanya sa malayo tuwing nagpapa-araw siya sa garden ng hospital. Oh di kaya e kapag nagpa-practice siya sa pagla-lakad. Yung tipong kating-kati ang mga paa ko na lapitan siya.

Pero mas pinili ko nalang na hindi dahil tama ang Papa niya. Mahirap mang tanggapin e ilang beses nang hinarap ni Chelsea ang kamatayan dahil saakin. Kasalanan ko ang lahat: yung pangta-target ni Hane sakanya, yung pangga-gambala ng media dahil nadawit siya sa pangalan ko, yung pamba-batikos sakanya sa pagiging kabit na in the first place naman ay ako ang may kagagawan.

Niyakap ako ni Lauren dahil hindi parin matigil ang pag-iyak ko hanggang sa maupo na ako sa sahig.

"Sobrang sakit na nasa harapan ko siya pero hindi niya ako makilala" tuloy parin ang pag-iyak ko. "Mas lalong masakit ay yung hindi niya makilala ang anak namin.. Ni hindi ko masabi kay Jane na tama siya, na siya si Mommy Chelsea niya. Na all these time nag-sinungaling lang ako na patay na si Chelsea"

Ilang buwan din ako namalagi sa New York noon. Araw-araw ay nakiki-balita ako sa progress ng kalusugan ni Chelsea. Buti nalang ay kakilala namin ang ilan sa mga board members nito dahil kilala din nila ang hospital na pag mamay-ari ko dito sa Pilipinas. Naging okay ang pisikal na kalusugan ni Chelsea pero hindi na bumalik ang mga ala-ala niya. Ang huling memorya niya ay noong nagsi-simula palang silang mag-aral ng Master's Degree sa New York.

Napag-pasyahan kong sabihin kay Jane na wala na ang Mommy Chelsea nito. Mas mahihirapan kasi ito kung all these time alam naman niya na buhay si Chelsea pero hindi niya makausap man lang o makita. Kahit hindi pa gaanong maintindihan ni Jane ang sinasabi ko noon ay alam kong nagdamdam siya. Araw-araw, walang mintis niyang tinatanong kung anong nangyari at nasaan ang Mommy niya. Masakit para saakin ang magsinungaling sa sarili kong anak pero mas mahihirapan lang siya kapag alam niya ang totoo.

At ngayon, mukhang hindi na talaga babalik saamin si Chelsea dahil ikakasal na ito.

Napalakas ang iyak ko sa realisasyon. Magpapa-kasal na siya sa taong kaya siyang ilayo sa peligro. Sa taong paniguradong mabibigyan siya ng maayos at payapa na buhay.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang nagniningning na mga mata ni Chelsea noong pinakilala niya ang fiancé niya na si Paul. Isang matangkad at ubod na gwapong espanyol na lalaki.

Nag-tagal kami sa ganoong posisyon at maya-maya din ay pinilit na nito akong pumunta na sa kwarto at mag-pahinga.

Pagka-gising ko ay namamaga ang mga mata ko dahil sa pag-iyak kagabi. Nag-apply nalang ako ng light make-up para kahit papaano ay matakpan naman.

Late na pala ako nagising dahil pagkababa ko ay umalis na papuntang school si Jane na ngayon ay pre-elem na. Kumain lang ako ng kaunting agahan at bumyahe na papuntang Grace Memorial Hospital.

Pag-dating ko doon ay nadatnan ko si Mama na naka-upo sa sofa sa aking opisina at may naka-patong na paper bag sa lamesa.

"Hello darling"

The Politician's Affair (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon