Chapter 34

24.1K 815 607
                                    

Chelsea's POV

"This one"

"I kinda like it" wika ko na ikinangiti ni Alex.

Day-off niya ngayon at kasalukuyan naming nagti-tingin ng designs ng invitations para sa kasal na sinend saakin noong company na napili namin ni Paul. Ni-refer ito noong isa niyang kaibigan sa Spain na talaga namang maganda ang mga gawa. Hindi nga kami magkanda-ugaga ni Alex sa pag-pili dahil sinabihan ako ni Paul na I can choose whatever theme I wanted. Kahit disney daw o halloween okay lang basta ikasal kami. Kinilig naman ako dahil mahal na mahal niya ako at ganoon din ako sakanya.

"Ngiti-ngiti ka d'yan?" biglang tanong ni Alex na ikina-pula ko.

"Wala naman. Naalala ko lang si Paul" wika ko. Na-miss kona kasi ito dahil halos magi-isang linggo na siyang umalis pabalik ng Spain para sa isa niyang project.

Tungkol naman sa pagkain sa kasal ay wala ng problema doon dahil mismong mga kasamahan ni Paul na pang world-class ang nag-prisinta na sila ang maga-areglo ng mga pagkain na gusto naming ihanda.  Sobrang nakakatuwa sila dahil talagang suportado nila kaming dalawa ni Paul sa kasal namin.

Sa mga abay naman ay kumpleto na maliban nalang sa mga flower girls. Gusto ko kasi maraming bata din sa kasal ko para hindi lang puro matatanda ang makikita sa entourage. We planned on giving them confettis, bubbles, a lantern or a balloon na dadalhin nila habang naglalakad sila sa center aisle para masaya.

I have 5 flower girls sana kaso kulang pa ng isa. Naisip kong bawasan nalang kaso bigla kong naalala si Jane.

"Do you remember noong binisita ka namin ni Kuya Paul mo weeks ago sa hospital?" tanong ko kay Alex ngayon ay nilalantakan ang cheesecake na ginawa ko kahapon.

"Yes...? Why?"

"Nah. Nevermind. I realized kasi na baka hindi mo naman kilala" bigla ko kasing naisip na baka visitor lang sila ng isang patient at imposibleng kilala lahat ng kaptid ko ang tao sa hospital.

"Hm. Malay mo naman kilala ko"

"So we were about to leave the hospital and pasakay na ng elevator kaso biglang may batang babae na umiiyak. Muntik nadin akong maiyak noon kasi sabi niya ako daw ang Mommy niya. Actually yung Mom din niya nandoon din that time and nabanggit nga na wala na daw yung isang mommy niya. I think she has lesbian parents"

She nodded habang kumakain pero bigla itong natigilan. "Do you know their names?"

"The kid's name is Jane. Nakakatuwa nga at magka-pangalan kami. Then her Mom's name is Bridgette" sagot ko sa tanong nito. "Do you know them?"

She cleared her throat tapos umiling. "Nah"

"Sayang. Gusto ko pa naman din gawing flower girl si Jane"

"Wala ka nabang ibang alam na pwedeng gawing flower girl?" tanong nito

"I want her sana kasi sobrang bibo and natutuwa ako sakanya" tapos kinwento ko na nagkasama kami sa mall noong isang araw. Bigla kong na-realize ang pagkakamali ko.. sana hiningi ko yung number ni Bridgette noong huli kaming nagkasama.

Sa mag-hapon na 'yon ay nasa bahay lang kami. Tamad na tamad kumilos dahil nitong mga nakaraang araw ay exhausted ako sa paga-asikaso ng kasal habang si Alex naman ay pagod sa duty niya.

The Politician's Affair (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon