Chapter 36

24.5K 873 307
                                    

Bridgette's POV

"You go with Ate and I'll stay here" wika ko sa anak ko na ngayon ay may hawak na maliit na basket.

Nasa simbahan kami ngayon at sinabihan ko ito na sumama sa nurse niya habang ako naman ay maghi-hintay lang dito sa labas.

Ilang araw na noong last na pagu-usap namin ni Chelsea at akala ko ay inalis na nito sa listahan ng mga kasali sa entourage si Jane. Pero kahapon lang ay may natanggap kaming e-mail tungkol sa rehearsal na magaganap ngayong araw. Nandito ang lahat ng kasali pati nadin ang pamilya ng groom at bride.

Nangako ako sa sarili ko na tutuparin ko ang sinabi ko kay Chelsea noong araw na 'yon. Hindi ko sila guguluhin. Kaya naging civil nalang ako at tatapusin ang role ng anak ko rito sa kasal niya pagkatapos non ay wala na.

Kasalukuyan kong naka-tayo sa tabi ng sasakyan nang may tumawag saakin.

"Bridgette" wika ng Papa ni Chelsea at nilapitan ako. Nag-mano naman ako rito. "Kamusta ka? Bakit nandito ka sa labas?"

"Hello po. Ah, sinamahan ko lang po si Jane. Kinuha po siyang flower girl ni Chels. Okay naman po kami, kayo po ba?"

"Oo nga nabanggit ni Alex. Ang liit ng mundo ano"

"Oo nga po" mahinang wika ko.

"Pasensya kana noon kung napagsalitaan kita ng masama"

"H'wag mo na pong isipin 'yon Tito.. naiintindihan ko naman po kayo. Kahit naman po ako bilang isang magulang ay ayokong nasasaktan ang anak ko. Ang mahalaga po okay na si Chelsea at nahanap na niya ang.. mapapangasawa niya" wika ko rito habang hirap bigkasin ang mga huling salitang binitawan ko.

Hinawakan nito ako sa balikat at niyakap. "Napakabuti mong tao, Bridgette. Maraming salamat sa pagmamahal mo sa anak ko" at tinugunan ko naman ang yakap nito.

Tinuring niya akong anak noong mga panahong hindi kami okay ng Dad ko. Tinuring nila akong pamilya noong mga panahong magka-relasyon kami ni Chelsea. At kahit na pangit ang huling pagsa-sama namin noon ay hindi nito naalis ang mga mabuting bagay na nagawa saakin ng pamilya nila.

The mere fact na tinanggap nila ang anak ko sa buhay nila ay sobra-sobra na. Bihira lang ang pamilyang open-minded sa ganitong klaseng relasyon kaya sobrang pasasalamat ko sa panginoon sa mabuting pamilya na mayroon si Chelsea.

Hindi din nagtagal ay umalis na si Tito at pumasok sa simbahan dahil magsi-simula na ang ensayo. Pero maya-maya din ay lumabas itong muli habang kasama si Chelsea at ang Mama nito.

Bigla akong nanlamig. Kinabahan ako at bumilis ang tibok ng puso ko. Kahit na sa malayo ay halata parin ang ganda nito. May isang parte sa sarili ko na nagda-dasal na sana ay lumingon siya.

Hindi ko namalayan na may tumutulo na palang luha sa mga mata ko kaya pinili ko nalang na pumasok sa loob ng kotse. Akala ko kaya ko. Akala ko kaya ko siyang tignan papasok sa simbahan. Akala ko kaya ko siyang makita na ikasal sa iba pero hindi pala.

Hindi na ako lumingon pa. Hindi ko na siya tinignan ulit. Pakiramdam ko nawawalan ako ng hininga sa tuwing naiisip ko na wala akong kontrol sa mga nangyayari. Na patuloy nang mawawala saakin ang mahal ko.

Maya-maya din ay may kumatok sa salamin. Bumaba ako kaagad ng kotse atsaka ko sila pinag-buksan ng pintuan.

"How was it, Baby?" tanong ko kay Jane habang nilalagay ang seat belt nito.

"Good. I met new friends! And also, Tita Chelsea is so beautiful!!" tuwang-tuwa na wika nito saakin habang pinapakita ang balloon na binigay daw sakanya ng isang bata doon sa loob.

"I bet she is" pag-ngiti ko atsaka ko siya hinalikan sa pisngi.

Nang palabas na kami ng grounds ng simbahan ay muli kong natanaw si Chelsea kasama si Paul habang ka-kwentuhan ang mga kaibigan nito na sila Mari at Queency na umuwi galing ibang bansa. Mukhang masayang-masaya siya.

Masaya din ako para sakanya dahil sa wakas ay matatahimik na ang buhay niya. Sa huling pagkakataon ay tinitigan ko ito at ngumiti ng tipid habang may luha sa mga mata. Alam ko naman na hindi niya ako makikita dahil tinted itong sasakyan.

I spent the rest of the day with my family sa Hacienda namin. Si Jane tuwang-tuwa sa mga halaman at binhi na tinanim niya few weeks ago.

"How are you?" tanong ni Mama habang naka-upo kami sa veranda ng rest house.

"To be honest, I don't know.." buntong-hininga ko.

"What do you want to do?"

"I want to run away. Gusto kong umalis ma" napayuko kong wika.

"If you really want to.. you can. We can process your papers today. And after the wedding, you can leave. We can all leave. We can come with you if you want" suggest nito at hinagod ang likod ko.

"Yes, Ma.. please. Gusto ko ng lumayo" at tuluyan ng nag-bagsakan ang mga luha ko.

Noong araw din na 'yon ay nakapagpa-book ng flight sila Mama para saaming apat papuntang New Zealand. Mayroon kaming properties doon. My departed Ate Beatrice grew up there.

This is it.

Tomorrow will be her wedding. And tomorrow will be the end of something and a beginning of anything.

-

The Politician's Affair (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon