CHAPTER 5

29.3K 359 50
                                    

The evening breeze touches my skin. Nakasuot lamang ako ng kulay puting summer dress habang pababa ng restaurant para kumain.

Hindi ko pa naman namamataan ang dalawa and they should be thankful for that. Sinabi ko sa sarili kong magmamanman lamang muna ako but I can't promise especially when I see her damn face!

Papasok pa lamang ko ng restaurant nang mamataan ko ang babaeng kahit malayo ay hindi napigilan ng dugo kong kumulo. I fucking hate her!

My husband is nowhere to be found. Iginala ko pa ang paningin ko para hanapin siya dahil baka nasa paligid lang siya pero wala. I smirked. Sinong magtatanggol sayo ngayon, hm?

Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong lumapit sakanya.

"At last, babe." agad nawala ang ngiti niya na imbis ang asawa ko ay ang asawa nito ang nakita niya. I gave her my poker face. Kita ko ang biglang paglunok niya kaya hindi ko napigilang magtaas ng kilay. Nakakaramdam pa ba siya ng takot?

"I just want to share table with you. Gusto ko kasi ang pwestong napili mo." I said void of emotion and sit down, making us face to face before I look at the menu.

"Can you recommend me their best selling food? Mukhang matagal ka nang dito kumakain." I said and look straight into her eyes. Bahagya pa siyang umiwas ng tingin kaya hindi ko na napigilan pang magsalita.

"Para ka namang inaapi. Gusto ko lang naman ng recommendations mo. Tutal pareho tayo ng taste." para siyang napipi at hindi na magawang magsalita. Napailing na lamang ako at nagtawag ng waiter.

I ordered what I think is delicious at tuluyan nang binigay ang buong atensiyon kay Ardelle pagkaalis ng waiter. Nakatitig lamang ako sakanya at matatalim na titig ang isinasagot niya. The cat got her tongue, huh? Hindi ako mapapatay ng mga titig niya. Tsk.

"Wala ata ang asawa ko." puna ko.

"He's showering. Katatapos lang kasi namin." sabi niya na may himig pang pang-iinggit. Biglang may sumilay na ngisi sa mga labi niya. Parang kanina lang hindi halos makatingin ng diretso sakin. Malandi nga naman.

Kalmado akong napatango at nagcross arms.

"Ginalingan mo ba?" I calmly asked. Mukhang hindi niya inaasahan ang pagiging kalmado ko kaya napakurap-kurap siya. Oo, Ardelle, kaya kong maging kalmado kahit 'yung galit ko sayo nag-uumapaw na.

"Of course. Late na nga para sa dinner. Pinagod ko ata ng sobra." she then smirked at me. The audacity of this bitch! I am itching to pull her hair and drag the hell out of her outside.

Kanina pako nanggagalaiti sa pagmumukha ng malanding nilalang na 'to.

"Dapat lang. Kasi kung mangangabit na lang din naman, dapat doon na sa magaling sa kama. Tutal iyon naman ang role nila." sinadya kong lakasan ang boses ko kaya may mga napasulyap sa table namin. I saw her slightly bow. I smirked. Tinatamaan din pala ng hiya ang babaeng ito. That is a news!

"Sinusundan mo ba kami?" tila napipikong tanong niya. Pagak akong tumawa. Kapal!

"You're so full of yourself, Ardelle. Masama bang mag-unwind dahil sa panloloko ng asawa?" parang kasalanan ko pang sinundan ko ang asawa ko, ah. Hindi ko alam kung saan siya kumukuha ng lakas ng loob na awayin ako, e, kabit nga siya? Hindi ata talaga nailulugar ang selos.

"Alam mo ba kung bakit ka iniwan ni Tage? Kasi makasarili ka! Hindi mo inisip ang nararamdaman niya! You even threatened him just for him to marry you. What a desperate bitch!" she spat. Nanatili akong kalmado kahit nanggagalaiti na siya. Gusto ko siyang mas pikunin pa at mukhang nagtatagumpay ako.

"He had a choice, Ardelle. Ang palubugin ang kompanya niya o ang pakasalan ako. He chose the latter at walang pamimilit don. At hindi ko kasalanang wala kang share sa kompanya niya kaya hindi ka piniling pakasalan. Bili ka muna ng share bago mo kwestyunin ang pagpapakasal sa akin ng asawa ko." I emphasize the asawa ko dahil mukhang makakalimutin ang babaeng ito.

Love Me TomorrowWhere stories live. Discover now