CHAPTER 11

26.4K 319 17
                                    

Watching the man you chose to love and marry go was like putting yourself in a situation where you don't have any other choice but to just die. Sa mga oras na 'to, para akong pinapatay sa sakit na nararamdaman ko. Tanggap ko na may Ardelle sa buhay namin pero ang tuluyang lisanin ang bahay at ang lugar kung bakit ko siya nakuha, parang sinampal sa akin ng realidad na wala talaga siyang nararamdamang pagmamahal para sa akin.

"Tage..." mahinang tawag ko. Alam kong hindi na iyon aabot sa pandinig niya dahil malapit na siya sa sasakyan niya at halos wala ng boses ang naging pagtawag ko.

Gusto kong bumalik sa Catanduanes. Gusto ko ulit maramdaman ang mga yakap niya, ang matulog kasama siya, at ang kaunting pag-asang may pagmamahal siyang nararamdaman para sa akin.

"M-Manang." I broke down.

Nahahapong nilapitan ako ng taong alam ko kahit papano ay totoo ang pinaparamdam na pag-aalala sa akin. Humagulhol na ako ng tuluyan. Hindi ko na kaya ang sakit. Alam mo 'yung pakiramdam parang anytime iiwanan ka ng sarili mong lakas? Ganun ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na maramdaman ang sarili ko. Nangingibabaw ang sakit sa buong pagkatao ko.

"Tage! Ang asawa mo!" nagpapanic na sigaw ni Manang. Tuluyan na akong napaupo sa sahig dahil sa sobrang panghihina ng mga tuhod ko. Hindi na malinaw ang mga nakikita ko dahil sa mga luhang kanina pa pumupuno sa mga mata ko. Nahihirapan na akong huminga.

And just like what I've expected, he just watched me at the lowest of my low. Nanlalabo man ang mga mata ko, malinaw naman ang nararamdaman ko. Nasasaktan ako. At ang taong nanakit sa akin ay nakatingin lang sa akin at walang pakialam.

"Anak. T-Tahan na. Andito lang ako. Hindi kita iiwan. Mahal na mahal kita. Hindi kita papabayaan. Huwag ka nang umiyak, Ynessa." mas lalo akong humagulhol sa mga narinig ko. Ang sarap sa pakiramdam ng may nagmamahal sa'yo. 'Yung hindi ipagdadamot sa'yo 'yung pagmamahal. 'Yung pagmamahal na hindi mo kailangang hingin at ipagmakaawa.

"A-Anak naman... Tahan na. Halika ipagluluto kita ng paborito mong lumpia. Dadamihan ko ang togi para hindi puro wrapper ang makain mo." I appreciate how she tried to make things lighter on my part pero hindi gagaan ang pakiramdam ko ngayon. Hindi ang paborito kong pagkain ang papawi ng sakit.

"M-Manang..." hagulhol ko.

"Andito lang ako. Hindi kita iiwan. Andito lang si Manang. Halika na. Magluto tayo?"

"G-Gusto ko ang asawa ko." basag na sabi ko. "Gusto ko si Tage. Pigilan mo naman siya oh. Please, Manang. 'Wag mong hayaang umalis ang asawa ko." pakiusap ko sakanya.

"Ynessa, may mga taong aalis talaga sa buhay natin. Ayaw man natin pero wala tayong magagawa kundi ang hayaan sila."

"May magagawa pa tayo, Manang. Pigilan mo siya." pakiusap ko.

"Tage!" halos nagmamakaawang tawag ni Manang sakanya. "Maawa ka naman sa asawa mo. Kung may problema kayo, pag-usapan niyo! Hindi 'yung aalis ka at tatakasan ito. Mag-asawa kayo at hindi na mga bata para umabot pa sa puntong iiwan mo itong si Ynessa. Sabay niyong harapin ang problema, Anak!"

Nanginginig na ako dahil sa sobrang pag-iyak. Nakakaramdam na rin ako ng panlalamig sa buo kong katawan. I blinked my tears away but there's still some in my eyes that makes my vision blurry but I managed to look at him.

Nasa may pintuan na siya ng kanyang sasakyan at nakatingin sa amin. Hindi ko alam kung anong ekspresiyon ang pinapakita niya ngayon dahil may kalayuan ang sasakyan niya at nanlalabo din ang mga mata ko dahil sa pagluha.

"I-Iiwan mo na ba talaga ako?" basag na tanong ko. Nilakasan ko talaga ang boses ko para umabot sa pandinig niya.

"I can't see my future with you, Ynessa. I never seen my life with you." I didn't know that words can make me feel this kind of pain. His words are heartbreaking.

Love Me TomorrowWhere stories live. Discover now