CHAPTER 37

29.1K 319 51
                                    

Kumunot ang noo ko sa narinig. That line sounds familiar. Sunod kong narinig ay ang pagdating ng isang sasakyan at ang pagkamatay ng makina. Akala ko ay nasa yate siya?

"We have here your son, Fucker!" rinig kong boses iyon ni Helius. I gasped upon realization. What the heck!

"Watch your mouth, Laurente!" Tage hissed.

"So, baby, are you up with a proposition. I have here our son and I only need one thing in return." muling pagkausap sa akin ni Tage.

"Are you crazy? Ibalik mo na sa akin si North, Tage!" galit na sabi ko. Hindi ako nakikipagbiruan sakanila.

"Yes... crazily inlove with you." ang hiyawan ng mga kaibigan niya ang pumailanlang sa kabilang linya. I closed my eyes painfully. I'm slowly losing patience with these lunatics!

"Para makita mo ulit ang anak natin kailangan mo akong pakasalan. Will you marry me?" gusto ko siyang suntukin sa mga pinagsasabi niya. Kung nasa harapan ko lang ang lalaking 'to ay baka kanina ko pa nasuntok. Kinikilabutan ako sa mga sinasabi niya. So this is how it feels? Ganito rin ba 'yung naramdaman ni Tage nung bigla ko nalang pasukin ang opisina niya at alukin siya ng kasal out of nowhere?

"No! Hindi ako magpapakasal sayo." I said with a hint of finality.

"Okay, then. Buddy, you wanna go travel with Daddy?" rinig kong sabi niya.

"Anywhere, Dad." napasinghap ako sa narinig ko. North!

"Gusto kong makausap ang anak ko, Tage!" halos isigaw ko na.

"Strictly no talk and see without marriage, Ynessa. I'll hung up now." tulala ako pagkababa niya ng tawag. Inis akong napapadyak kaya halos tumalon sa gulat si Manang Adelina. Iritado akong bumalik sa bahay at muli siyang tinawagan pero hindi niya na sinasagot ang tawag ko! His phone is ringing for Pete's sake! Pinaulanan ko siya ng text asking where is he, what are they doing, kung kumain naba ang anak ko at kung ano-ano pang mga salitang halos isumpa na siya.

Hindi ako pinatulog buong gabi. Iniisip ko kung nakatulog ba ang anak ko o kung komportable ba siya sa kinakahigaan niya. Damn you, Del Prado! Inis akong napasabunot sa sarili ko bago nagdesisyong abutin ang cellphone ko.

Tinawagan ko si Gazini. I need to talk to Gabe. I wasn't expecting that she'll pick up the phone dahil madaling araw na.

"Gising paba si Gabe? Can you hand him the phone?" Hindi nagtagal ay si Gabe na ang nagsasalita mula sa kabilang linya.

"Bubuntong-hininga kana lang ba?" pabirong tanong niya.

"Tage have North. He's threatening me that I can't see North if I won't marry him." narinig ko ang pagtawa niya.

"And here I am playing fair. Damn, Del Prado!" tumatawang sabi niya.

"Stop laughing and help me, Gabe!" iritadong sabi ko.

"Don't you think North wants a complete family?" natahimik ako sa sinabi niya. "Alam nating pareho na malayo ang loob niya kay Tage pero andun siya ngayon kasama ang ama niya." natahimik ako sa sinabi niya. "Baka hindi lang siya sinasabi pero sa loob-loob niya ay gusto niya ng buong pamilya?" dagdag niya pa. Napaisip ako sa sinabi niya. Walang sinasabi sakin ang anak ko.

"I no longer love him, Gabe. Hindi ko na nakikita ang buhay kong kasama siya." sabi ko.

"A mouth can lie but not a heart, Russ. Wala pang laban pero alam kung talo na ako." mahinang sabi niya. "Siguro nga mahal mo ako pero hindi kasing lalim ng pagmamahal mo para kay Tage. Kahit gaano kita kamahal ay ayoko ng pairalin pa ang pagiging madamot ko. Gusto kong pakiramdaman mo ang sarili mo. Natatabunan lang 'yung nararamdaman mo para sakanya ng pag-iisip mong ako ang mahal mo." he said like he's making me realize things that I chose not to see.

Love Me TomorrowWhere stories live. Discover now