CHAPTER 12

26.4K 340 17
                                    

Pahirap nang pahirap ang sitwasyon sa kompanya sa bawat pagdaan ng mga araw lalo pa't nagbabanta na ang ilang investor na magpupull out na sila ng investment. Unti-unti nang nag-iingay ang pangalan ng Arjente sa industriya ng mga alak at hindi ko 'yon mapipigilan. Nasa kanila ang taong maalam sa negosyo at iba ang hatak ng isang Tage Del Prado pagdating sa mga alak.

"Ang sakit na ng ulo ko, Dolores. 'Wag ka na munang dumagdag." natigil siya sa akmang pagsasalita dahil sa sinabi ko. Mariin kong hinilot ang sintido ko at pagod na sumandal sa swivel chair ko.

"Ma'am... kasi nasa labas po si Ms. Ardelle. Nag-eeskandalo po." I opened my eyes and looked at her with confusion. Anong ginagawa niya dito? Pasalamat nga siya at hindi ko pa sila ginugulo ni Tage dahil sa problema ko sa kompanya pero ang kapal din talaga ng mukha niya at sumugod pa siya dito mismo sa kompanya at nag-eeskandalo?

Isinasabuhay niya talaga ang role niya sa teleserye 'no? What's thicked face!

"What the hell is she doing here?" tumayo ako kahit ang bigat na ng ulo ko dahil sa puyat at sakit. Siguradong hanggang sa may Guard lang siya dahil mahigpit kong bilin na huwag magpapapasok ng kahit na sinong miyembro ng Arjente.

Bumaba ako at doon nakita ang nag-eeskandalong kabet. Pinagtitinginan na siya ng mga empleyado ko dahil sa pagsisisigaw at pagpupumilit niyang makapasok. Wala bang kahihiyan sa katawan ang babaeng ito?! Napakalakas ng loob ng babaeng ito na sumugod dito! Hindi ko kinakaya ang lakas ng loob niya. Palibhasa artista kaya sanay na sa mga eskandalo at hindi na bago kung maging headline siya kinabukasan ng dyaryo.

"Papasukin mo ako!!" she yelled. "Kakausapin ko lang ang malandi niyong amo! Panay ang habol sa boyfriend ko!" talagang nagpantig ang tenga ko sa mga narinig ko. Sino nga siya sa asawa ko? Babaeng mahal ni Tage pero hindi non mababago ang katotohanang kabet pa rin siya. At susugod siya dito dahil hinahabol ko ang asawa ko? Ibang klase talaga ang babaeng 'to! Walang papantay sa kakapalan ng pagmumukha niya!

She's born extra, e?

"Ano ba! Bitiwan mo ako!" piglas niya sa hawak ng Guwardiya.

"Let her go!" pagkabitiw palang sakanya ng Guard ay sumugod na agad siya sa akin at dinuro-duro ako. Nakipagsukatan ako sakanya ng tingin.

She looks desperate right now. Para siyang baliw na sumugod dito.

"Nasaan si Tage?" naipikit ko ang mga mata ko sa taas ng boses niya. Wait, sa akin niya hinahanap si Tage? Hindi ba't magkasama sila? They're living together! I am busy with work at kahit gustong-gusto kong makita ang asawa ko ay hindi kaya ng oras ko dahil abala ako.

"Bakit ko sasabihin sa'yo?" naghahamong tanong ko. I don't even know where the hell is my husband! Ang alam ko lang ay nakatira siya ngayon sa isang Condo unit kasama ang babaeng ito. And this girl is looking for him? Naiwala niya ba agad ang asawa ko?

"Ang landi mo talaga!" she angrily shouted. She's about to step forward but I stopped her by putting my right hand between us. Tumaas pa ang kilay ko.

"Gusto ko lang ipaalala ang lugar mo sa buhay ng asawa ko. I am the wife at kahit anong gawin mo ay mananatili kang kabet! You're just a mistress, Ardelle! Kaya 'wag kang nanunugod ng asawa dahil wala kang karapatan una palang!" I emphasized every word.

"Gusto ko lang din na ipaalala sa'yo na ako ang mahal ng asawa mo! Sa akin at sa akin ang balik niya." matapang at siguradog sabi niya. Tumaas ang kilay ko.

"Where is he now, huh? Nasa sa'yo ba?" I smirked when she glared at me.
"Lumugar ka, Ardelle!" I added.

"Kukunin ko sayo si Tage! Ako ang mahal niya at papakasalan niya ako sa oras na mapawalang bisa ang kasal niyo!" I rolled my eyes. Ang taas ng pangarap ng babaeng 'to.

Love Me TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon