CHAPTER 35

27K 311 94
                                    

Parang may pumipiga sa puso ko nung magsimulang umiyak ang anak ni Anastasia habang paulit-ulit ang pagbanggit ng salitang 'Papa' habang hawak ng maliliit nitong kamay ang kamay ng ama niya.

Napatingin ako sa anak kong mahimbing na natutulog sa mahabang sofa. He never acted this way towards his biological father. Mas naging emosiyonal pa nga siya nung naghihintay kami ng Doctor na tumingin kay Gabe kesa sa pagkikita nila ng ama niya. I never saw him holding Tage's hand, desperately calling him. I hide him from his father. Tinanggalan ko siya ng karapatang makilala ang ama niya. Dapat ay sabik siya sa kalinga at pagmamahal ng isang ama dahil matagal niya itong hindi nakasama.

"R-Russ." agad akong napatingin sa pinanggagalingan ng nanghihinang boses na tumawag sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at agad na lumapit sakanya. Nakita ko ang pagbitiw ni Gabe sa hawak ng anak niya para abutin ako.

Natigil ako dahil doon. I looked at his son and saw how pain crossed his innocent face. Hindi nakalampas sa mga mata ko ang luhang tumulo mula sa mga mata ni Anastasia.

I want to be happy because he chose to call me despite of the presence of his past love. But my heart is breaking right now for his son. Muli niya akong tinawag kaya tuluyan na akong lumapit sakanya. Nanghihinang hinawakan niya ang mga kamay ko.

"Thanks God you're awake."

"I-I'm sorry for what I did." sobrang hina ng boses niya pero umabot sa pandinig ko.

"You scared the hell out of me, Gabian! You should have called me if you needed someone to talk to!" I lashed out. Tumulo na rin ang mga luha ko dahil sa sobrang takot na naramdaman ko kanina.

"Y-You know I can't live without you." basag na sabi ko. Hinaplos niya ang kamay ko. Hindi ko na napigilan pang humagulhol sa harapan nila. "Takot na takot ako. Alam mo ba 'yon? Pano na 'ko? Paano nalang ako, huh? You promised me that you'll be with me althrough out." panunumbat ko sakanya.

"I'm sorry. Hindi ko sinadyang saktan at takutin ka."

"Iwan na ako ng lahat, 'wag lang kayo ni North." yumakap ako sakanya at umiyak na sa dibdib niya. Hanggang ngayon ay may takot pa rin sa dibdib ko.

"Dada." antok na tawag ng kagigising ko palang na anak. Agad siyang lumapit sa amin at dumalo sa yakap. Bahagyang natawa si Gabe dahil sa pag-iyak ni North.

"I hate you, Dada! You made us all worried!" umiiyak niyang sabi.
Gaze's still asleep. Mukhang pagod na pagod siya dahil hindi siya magising-gising kahit na gumagawa na kami ng ingay sa kwarto. Maybe she was lacked of sleep the past days. She needed some rest.

"You have visitors, Dada." mahinang sabi ni North nang mapatingin siya sa pwesto nina Anastasia. Nakatayo siya sa may gilid ni Gabe habang nakayakap sakanya ang anak niya. Dahan-dahang bumaling si Gabe sakanila. I saw how his eyes widened. Mukhang hindi niya talaga napansin ang mga ito. I swallowed the lump in my throat.

"A-Anastasia?" gulat na tawag ni Gabe sa babae. She gave him a sad smile.

"I heard that you were in a h-hospital. Naisipan ko lang na d-dumaan. A-Aalis na rin kami." akma na siyang lalabas nang magsalita ako.

"Kasama niya ang anak niyo." matapang na sabi ko. I want to be selfish and have Gabian for myself but the child deserves his father. And Gabian also deserves to know that he has a son. Natigilan si Anastasia at gulat na humarap muli sa amin. Umiwas ako ng tingin at piniling tingnan si Gabe kahit masakit. Bumaba ang tingin niya sa batang kasama ng babaeng dati niyang minahal. Kahit hindi ko sabihin, sa oras na makita niya ang bata ay malalaman niya agad na anak niya ito dahil magkamukhang-magkamukha sila. Kung may nakuha man ito galing kay Anastasia ay iyon ang moreno nitong balat.

Love Me TomorrowWhere stories live. Discover now